Chapter 24

9.9K 183 31
                                    

Shanelle's POV:

Pakiramdam ko tuluyan ng nagbago ang ikot ng mundo ko. Ang dating puno ng saya, kalayaan, katiwasayan ay unti unti ng nawawasak at napapalitan ng isang bangungot ng reyalidad. Bangungot na nagkukubli sa pangamba at takot.

Pangangamba kung hanggang kailan ko pa kakayanin ang mga misteryo na bumabalot sa buhay ko. Kahit ako mismo sa sarili ko ay hindi ko mahanapan ng kasagutan. Kagaya ng misteryong biglang pagtalon ni Nate sa rooftop ng hospital kung saan ako naka confined.

At takot dahil sa mga kakaibang bagay na nararamdaman ko sa sarili ko. May mga oras kasi na kapag nag iisa lang ako, pakiramdam ko may kasama ako. May mga matang naka masid sa bawat segundong ginagalawan ng bawat parte ng katawan ko. Mga anino na inaakala kong isang guni guni kahit may nararamdman na ko talagang pangingilabot ng buong katawan ko.

Takot na kapag matutulog ako sa kwarto kong nag iisa, pakiramdam ko may katabi ako sa kama ko pero hindi ko nakikita. At sa pagtulog ko, may mga nakakatakot akong bagay na napapanaginipan. Mga bagay na parang gustong pumatay sa akin sa panaginip.

Pakiramdam ko ngayon kakambal ko sa kasalukuyan pa din ang mga masasamang alalaala na naranasan ko dati sa Villa Gonzalo. pati na din yung alalaala kung paano namatay si Carrie, ang nag iisa kong bestfriend.

Hindi ko na makilala ang dating ako. Parang gusto ko ng mawala sa mundo. Parang gusto ko ng magpakamatay. Ayaw ko ng buhay na meron ako ngayon, na nabubuhay sa takot.

Kung maibabalik ko lang ang nakaraan sana hindi na pala ako nagpunta dati sa Villa Gonzalo para magbakasyon kung alam ko lang na magiging ganito ang takbo ng buhay ko.

Namimiss ko na ang mabuhay ng walang iniisip masyado. Kahit bumalik na ako sa condo ko sa Makati pakiramdam ko sinusundan pa din ako ng bangungot na dinanas namin dati nila Rhia sa Villa Gonzalo.

Ella, alam ko kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko at ramdam ko ikaw ang may pakana ng mga nararanasan kong misteryo sa sarili ko ngayon. Bakit ba kasi ayaw mo pang malagay sa tahimik. Kahit ilang beses ka pang bumalik sa mundo namin nila Rhia at Jenmark hindi mo na maibabalik ang buhay mo dati na nawala na sayo. Dahil matagal ka ng patay. At ang mga patay na katulad mo ay dapat ng manahimik kung saan man ikaw dapat na nandun.

Ella, kung nasaan ka man sa mga oras na to. Kung naririnig mo ang mga sinasabi ko sayo sa kwarto ko ngayon sa hospital na to. Sana lumagay ka na sa tahimik para pati kami na may mga buhay pa ay maging malaya at maging matiwasay na. Sakal na sakal na ako sa sumpa mo kay Rhia na pati ako nadadamay. Pati ang bestfriend kong si Carrie nadamay sa sumpa mo. Dahil sa sumpa mo namatay na siya. Ilang buhay pa ba ang kailangan mong makitang namamatay bago ka tuluyan matahimik? Ilan buhay pa ang dapat madamay?

Alam ko ikaw ang may kagagawan sa pagkamatay ni Nate. Wala naman personal na problema sa buhay si Nate. Masayahin naman siyang tao kaya imposibleng magpakamatay lang siya ng ganun lang sa pagtalon sa rooftop ng hospital.

Pinapahirapan mo lang din ang sarili mo Ella. Kahit anong gawin mo sa amin lahat na nabubuhay pa. Kahit ilan pa ang madamay at mamatay. Kahit kailan, kahit sa impiyerno man hinding hindi ka magiging masaya Ella. Dahil sukdulan na ang kasamaan mo!

Sana sa pag alis ko at pagpunta ko sa States para magbagong buhay. Sana tumigil ka na Ella. Sana patahimikin mo na din ang mga buhay nila Rhia at Jenmark. Dahil habang tumatagal mas pinapalala mo lang ang sitwasyon Ella.

Kung inaakala mong natatakot ako sayo, pwes nagkakamali ka. Pagod na pagod na ko sa mga kababalaghan at misteryo ng buhay ko na alam kong ikaw naman ang nag dulot Ella. Napakasama mo Ella.

Sana sa pag alis ko ng Pilipinas lumagay ka na din sa tahimik. Sa impiyerno!

Makalipas ang isang linggong pagkaka confined ni Shanelle sa hospital ay wala na siyang sinayang pang oras at dumiretso na siya sa airport. Sa pagpunta niya ng airport ay hinatid siya nila Rhia at Jenmark.

'So, paano na? Sa muling pagkikita na lang ulit Rhia.' Ani ko kay Rhia.

'O, basta aalagaan mo sarili mo dun.'

'Oo, saka nandun naman na si Mama kaya kahit paano hindi rin ako nag iisa. At ikaw JENMARK AGUSTIN, pakipawasan ang pagiging batugan mo. Okay?'

'Oo, sige na nga umalis ka na. Aalis na lang kasi manenermon pa!'

Pero ganun pa man, kahit parati kaming nagbabangayan at nag aasaran ng Jenmark na to medyo mamimiss ko pa din siya. Simula kasi nung nagbakasyon sila ng pinsan niyang si Rhia sa condo ko wala na atang araw ang hindi lilipas ng hindi kami nagbabangayan. At naging parte na ng daily routine ko ang asaran namin ni Jenmark.

Ito na nasa loob na ko ng eroplano. Lilipat na ang eroplano at makalipas ang ilang oras na biyahe nasa States na ko at makakapag simula na muli ako dun ng bagong buhay kasama si Mama.

Jenmark's POV:

Kahit parati kaming nag aasaran ng Shanelle na to mamimiss ko din siya kapag nasa States na siya. Sa totoo lang kaya ko siya inaasar kasi may lihim ang gusto sa kanya. Kaya yun dahil isa akong dakilang torpe dinaan ko na lang sa pang aasar sa kanya.

Sayang at imposible ng maging kami, I mean imposible ng maligawan ko pa siya at maipagtapat sa kanya ang totoo kong nararamdaman kasi wala na siya.

Sa mga sandaling ito, nakikita namin ni Rhia na lumilipad na sa kalangitan ang eroplanong sinakyan ni Shanelle papuntang States. Pero bigla akong napa isip at biglang napa kunot ng nuo. May napansin ako sa eroplanong sinasakyan ni Shanelle. Bakit may maitim na usok na lumalabas sa dulong parte ng eroplano. Hanggang sa nagulat na lang kami ni Rhia at ng iba pang tao na nasa airport ng nakita namin at narinig namin ang malakas na pagsabog ng eroplanong sinasakyan ngayon ni Shanelle.

O, hindi! Patay na si Shanelle! Pero paano nangyari yun? Ang biglaang pagsabog ng eroplano ni Shanelle. Nakakapagtaka.

Ella (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя