Chapter 15

17.5K 272 24
                                    

Lumipas na ang mga araw at linggo. Simula nang nangyari ang nakakakilabot na pagpapakita ni Ella kanila Rhia, Jenmark, at Shanelle.

Ang lahat ay panatag na. Unti-unting bumabalik na ang dating buhay nila Rhia, sa buhay na walang pangamba at takot.

Ring... ring... ring... May tumawag bigla sa cellphone ni Shanelle.

"Hi best, Shanelle malapit na ako sa Sityo Villa Gonzalo. Wait mo lang ako sa bus terminal."

"Okay Carrie. I'll be there na. O ingat sa biyahe while you're still inside the bus."

"Yes I will my dear bestfriend."

Si Carrie nga pala ay ang nag iisang bestfriend ni Shanelle. Mag kaklase sila sa college sa isang malaking unibersidad sa Maynila.

"Ah, Rhia aalis na nga pala ako. Pupunta na ako sa bus terminal para sunduin yung bestfriend kong si Carrie na magbabakasyon dito sa Sityo Villa Gonzalo."

"Sige, ingat Shanelle." Sagot ni Rhia kay Shanelle habang nanonood ng telebisyon.

Pagkatapos mag paalam ni Shanelle kay Rhia ay umalis na siya agad ng biglang bumuhos ang ulan sa labas ng bahay.

"Naku naman kung kailan naman susunduin ko na si Carrie sa terminal ng bus bigla naman umeksena ang malakas na ulan na to tss."

Samantala sa Bus Terminal naman...

"Hala ano nangyari baka hindi agad ako masundo ni best, ang lakas kasi ng ulan. Hmmn. Dito na nga lang muna ako sa waiting shed uupo habang hinihintay si Shanelle." Saad ni Carrie sa sarili.

Habang hinihintay ni Carrie ang bestfriend niyang si Shanelle, may lumapit na isang lalaki sa kanya at tinanong siya.

"Ah, excuse me miss puwede bang tumabi sayo sa waiting shed?" Tanong ng lalaki kay Carrie.

"Yah sure. No problem." Sagot naman ni Carrie d'on sa lalaki.

Lumipas na ang isang oras at wala pa din si Shanelle, at si Carrie naman ay naiinip na sa waiting shed nang biglang kinausap siya ng lalaki na tumabi sa kanya.

"Ah, miss pansin ko lang parang kanina ka pa dito sa waiting shed. Saka mukhang nag-aalala ka." Wika ng lalaki kay Carrie.

"Oo medyo nag aalala ako. Wala pa kasi ang bestfriend ko. Sabi niya kasi susunduin niya ako sa terminal ng bus kaso wala pa siya hanggang nagyon." Sagot naman ni Carrie d'on sa lalaki.

"Baka naman na traffic lang sa daan kasi nga biglang bumuhos ang ulan."

"Siguro nga. Sana dumating na siya ang lamig pa naman dito sa shed dahil sa buhos ng ulan."

"Hayaan mo titigil din ang ulan at makakarating din ang bestfriend mo."

Nang biglang tumigil na ang ulan.

"O, tumigil na ang ulan. Diba sabi ko sayo titigil din ang ulan. Panigurado ako malapit ng dumating ang bestfriend mo." Wika ng lalaking kanina pa katabi ni Carrie sa waiting shed.

"Oo nga, ang galing mo naman. Mukhang nag dilang anghel ka sa sinabi mo na titigil din ang ulan hehe. Ahhmn, pansin ko lang kanina ka pa ata rin dito sa waiting shed. May hinihintay ka rin bang sundo?" Curious na tanong ni Carrie sa lalaking kausap niya.

Nang biglang dumating na ang bestfriend ni Carrie na si Shanelle na sundo niya.

"Carrie, Carrie, Carrie I'm here na!" Sigaw ni Shanelle kay Carrie d'on sa waiting shed.

Biglang napatayo na agad si Carrie sa waiting shed at dali-dali na tumakbo sa bestfriend niyang si Shanelle dahil sa wakas ay nagkita na ulit silang dalawa.

Ella (Completed)Where stories live. Discover now