Chapter 21

12.5K 192 19
                                    

Shanelle's POV:

Hindi ko muna tinikman ang nilutong Caldereta ni Jenmark may nag doorbell kasi kaya ako na ang nagbukas. Sa pagbukas ko ng pintuan ng condo ko hindi ko inasahan ang taong ito. Ang taong ito ay naging parte ng pagkabata ko. Siya ang unang nagpatibok ng puso ko nung nasa third grade pa lang ako. Seatmate ko siya until sixth grade. Nakakahiya man aminin, kahit sa murang edad pa lang namin nung parehong dose anyos na kami, naging kami na, as in a relationship. Pero alam ko naman na invalid yun kasi puppy love lang naman. Anyway, eto na nga bubuksan ko na ang pintuan ng condo ko. Sa pagbukas ko ng pintuan nakita kong muli si Nate.

Nate's POV:

Ako nga pala si Nathaniel Ordanes, Nate for short. Kakalipat ko lang dito sa Simplicity Condominium three weeks ago. Nalaman ko sa front desk na ang magiging kapitbahay pala ng condo unit ko ay si Shanelle Guttierez, yung ka batch ko dati sa elementary. Awkaward man aminin pero naging girlfriend ko siya dati nung elem days pa namin. But that was only until graduation day. Okay back to the present. Eto, nasa harapan ako ng pintuan ng condo unit ni Shanelle. Pinindot ko na ang doorbell. Kinakabahan ako, ewan ko ba kung bakit. Ano na kaya itsura ngayon ni Shanelle? Kasing cute pa rin kaya siya ng dati nung mga bata pa kami?

Binuksan na ni Shanelle ang pintuan ng condo niya.

'Woah, Nate is that you?' Gulat na tanong ni Shanelle.

'Oo ako nga to. Oh, you look still the same like elem days, or should I say you're much prettier now than the last time I saw you in the graduation day.'

'Hehe, hindi naman masyado. O, teka pano mo nalaman na dito yung condo unit ko, saka anong ginagawa mo dito sa Simplicity Condominium?'

'Ako nga pala yung bagong kakalipat lang diyan sa room 515, 3 weeks ago.'

'Wow, mag kapitbahay pala tayo! Ah, nag lunch ka na ba Nate?'

'Hindi pa nga eh.'

'Tamang tama, kakaluto lang ng ulam dito sa condo ko. Kung okay lang sayo, dito ka na kumain.'

'Ah, okay sige. That will be nice!'

Pinaunlakan ni Nate ang yaya ni Shanelle na sa kanyang condo na mag lunch.

Dining area scene...

'O, feel at home lang Nate. SIge diyan ka na lang umupo. Oi Jenamrk, maglabas ka pa nga ng isang pinggan para sa bisita ko.' Biglang utos na pabulong ni Shanelle kay Jenmark

'Wow, ayus ka din makautos. Ano ako, katulong lang dito?'

'Wag ka na magreklamo, ikaw na nga lang ang nakikibakasyon sa condo ko diba?'

'Okay po MA'AM!' Sagot naman ni Jenmark kay Shanelle na may halong sarcasm.

Nang nailapag na ni Jenmark ang pinggan ni Nate sa lamesa, nagsimula na silang kumain ng lunch na parehong niluto ni Jenmak, yung Caldereta at sinaing na kanin.

'Ah, Nate I want you to meet my friend Rhia. Nagbabakasyon siya ngayon dito sa condo ko.'

'How about the other guy, beside Rhia?' Tanong na pabulong naman ni Nate kay Shanelle.'

'Ah, oo nga pala siya yung BOY ko dito este, pinsan nga pala ni Rhia, si Jenmark. Pareho silang taga Sityo Villa Gonzalo kung saan naman ako nagbakasyon lately.' Sagot naman ni Shanelle na may patama kay Jenmark.

'Mukhang masarap tong lunch ninyo Shanelle. Ikaw ba nagluto?' Pagkatanong ni Nate kay Shanelle bigla na siyang sumubo ng kanin at Caldereta.

'Si Jenmark nga pala ang nagluto ng kanin at ng Caldereta. Kumusta ang lasa ng Caldereta, Nate?'

Hindi agad nakapag salita si Nate kay Shanelle.

'Woah! Sh*t!' Biglang sabi ni Nate pagkasubo niya sa ulam.

'Is there a matter Nate?'

'Ba't ganito ang Caldereta na to? Sobrang anghang!'

'O pre, uminom ka muna.' Inabot ni Jenmark kay Nate ang isang mug.'

Pagka abot ni Jenmark kay Nate ng mug, biglang ininom agad ito ni Nate. Nang nainom na ni Nate ang mug na inabot ni Jenmark ay bigla niya itong dinura.

'Pweeeehhhh! Ano ba tong nasa mug?' Tanong ni Nate kay Jenmark.

'Kape.'

'ANO!' Biglang sigaw ni Nate. Nang biglang nagsalita na si Shanelle.

'Oh my God. I'm so sorry Nate! Napaso ka ba sa kape ni JENMARK? This is a big mistake. Ah, ganito na lang. Maybe we should go out na lang. Tayong DALAWA lang. Yung walang ASUNGOT!'

'I guess too. Tara let's go Shanelle. Sakay na lang tayo ng auto ko. I know a resto na may masarap na menu.'

Nauna ng lumabas si Nate ng condo ni Shanelle, si Shanelle naman ay susunod na lang sa kanya sa parking lot kung saan naka park ang auto niya. Kakausapin niya lang muna si Jenmark.

'Hoy JENMARK AGUSTIN, kahit kailan talaga wala ka ng ginawang matino! Pati ba naman si Nate na bisita ko hindi mo pinalampas sa pangtitrip mo! Naku talaga, humanda ka talaga sakin pag uwi ko mamaya. Oo nga pala, ikaw na lang umubos ng Caldereta mong puro sili at paminta lang laman hmmp!'

Pagkatapos mag asaran na naman ulit nilla Jenmark at Shanelle, ay umalis na rin si Shanelle ng condo unit niya at pinuntahan na niya sa parking lot si Nate na naghihintay naman sa kanyang auto.

Sumakay na si Shanelle ng elevator pababa ng ground sa parking lot. Mag isa lang si Shanelle sa loob ng elevator ng mga oras na yun, nang biglang nakaramdam si Shanelle na parang yumugyuog ang sinasakyan niyang elevator. Huminto ang elevator sa 3rd floor pero hindi ito bumukas. Pagkatapos huminto ng elevator sa 3rd floor bigla itong tumaas sa 7th floor. Nagtaka si Shanelle kung bakit ganun, samantalang pinindot naman niya ang ground floor sa elevator. Pagdating sa 7th floor ng elevator bigla itong bumukas. Pagbukas ng pintuan ng elevator, wala naman ibang tao na nakita si Shanelle. Pinindot na ni Shanelle ang close button para makababa na siya sa ground, sa may parking lot.

Habang pababa na ang elevator, bigla itong tumirik sa pagitan ng 4th floor at 3rd floor. At biglang nakaramdam si Shanelle ng isang malamig na ihip ng hangin na dumampi sa kanyang batok. Pagkatapos nun, biglang nag patay sindi ang ilaw ng elevator. Nagulat si Shanelle at nagsisisigaw sa loob ng elevator. Nang biglang naramdaman niya na umandar na muli ang elevator pababa ng ground.

Pagdating ng elevator sa ground. biglang nawala na ang pagpapatay sindi ng ilaw sa loob. Medyo kumalma na din si Shanelle. Pagbukas ng elevator, nabigla si Shanelle sa nakita niya sa labas ng pintuan ng elevator. May nakita siyang lalaki na naka puting polo at itim na maong pero walang mukha, at papalapit ito kay Shanelle. Sa takot ni Shanelle bigla siyang napa atras sa loob ng elevator at natumba, at napa pikit na lang ng mga mata niya sa takot, at nag sisisigaw siya sa loob ng elevator. Nang biglang may tumawag ng pangalan niya sa loob ng elevator.

'Shanelle! Shanelle!'

'Lumayo ka sakin! Lumayo ka sakin! Lumayo ka sakin!'

'Shanelle ano ka ba! Ako to, si Nate!'

Minulat ni Shanelle ang kanyang mga mata at nakita nga niya na si Nate pala to.

'Ano ba ang nangyari sayo Shanelle? Ba't ka sumisigaw?' Nag aalala na tanong ni Nate.

'Yung lalaking walang mukha! Nana----nandiyan siya kanina sa labas ng elevator, papalapit sakin.'

'Huh, ano bang pinagsasasabi mo Shanelle? Ako lang to.'

'Sorry Nate. Siguro stressed lang ako lately, saka kanina kasi nag grocery pa kami ni Rhia.'

'I understand. Siguro gutom ka na. Tara, let's go to the resto that I am telling you. Treat ko na.'

'Okay, s---sige ikaw bahala.' Sagot ni Shanelle kay Nate na medyo kinakabahan pa din.

Totoo kayang may nakita si Shanelle na isang lalaking walang mukha, o epekto nga lang kaya to ng stressed niya kaya kung anu-ano na ang nakikita niya?

Ella (Completed)Where stories live. Discover now