Chapter 6

14K 793 242
                                    

Umaga pa lang ay handang handa na ako. I am confidently pacing back and forth in our sala because I learned that Kuya Apollo was drunk again last night. Halos araw araw na siyang umiinom with his friends. And that is to my advantage because he won't have the chance to look for his ticket right now and before he knew it, I am already on my way to Tagaytay! I grinned mischievously.

Ang paalam ko kay Mommy at Daddy kanina ay magma-mall kami nina Kobi at Jade. Little did they know, kakarengkeng ang dalaga nila. Natawa ako sa iniisip.

It's already eight and I am all so ready. Naka denim jumper shorts ako at plain white crop top shirt. A white Fila sneakers and a rattan bag. My not so long hair ay maayos na naka slick back making me look like a boyish Sue Ramirez. My dark rose liptint is highlighting my pale skin. Sa tuwing natatamaan ng araw ay nagiging visible ang mga balahibo kong kulay abo.

Matapos suriin at isipin ang gagawin ay tumulak na ako. Hindi na ako bumalik sa kwarto dahil nasa akin naman na ang lahat ng kailangan ko. And it's not that I need a lot, I am not staying over night. Wala akong pera!

I took the private bus to Tagaytay. I am used to this and even though it's my first time going to a place that far, alone, my intuition is telling me it's all right since I am really used to this. It's not new.

Nang puro mga puno na ang nakikita ko sa gilid ng bintana ay pumikit ako at hinayaan ang sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Making me see red. I imagine his face, his dark serious face. Really, I don't know what's gotten into me. Na basta basta na lamang sumugod ng ganito na wala namang kasiguraduhan kung nandoon nga ba ang lalaking sadya ko. It's like something's really pushing me to the core. At wala rin naman akong tutol roon. Bakla ka chance na ito!

I arrived at exactly 9:20. I rode another vehicle to the Adventure Park. Marami na agad mga sasakyan na naka-linya sa entrada ng park. Mayroon ding mga indibidwal na pumapasok sa mas maliit na gate. Mas madali silang nakakapasok roon kesa sa mga sasakyan.

"Manong, dito na lang ako." Sabi ko sa driver. Itinabi niya agad at nagbayad na ako. Naki-linya na rin ako sa mga tao at mas madali nga silang nakakapasok. Nang ako na ang nasa unahan ay tinitigan ako ng may kabataang guard.

"Ticket po." Naka-dikit ang mga mata niya. Tumaas ang kilay ko kahit parang nahihiya ako sa atensyon na nakukuha. Napapa-titig din kasi ang iba niyang kasamahan.

Ipinakita ko ang ticket ko at nag-taas baba pa ang tingin niya. Nang kinuha ay bahagya pang humaplos ang kamay niya sa daliri ko. Napa-ngiwi ako. Hindi pa 100 mg ang blocker ko niyan ha! Kaloka! Ganda mo, Apple, hayop ka!

Pinunit niya ang itaas na bahagi ng ticket at ngumisi. Ibinalik niya sa akin ang natirang bahagi ng ticket.

"Enjoy po, Madame. Diretso sa Function Hall para sa welcome drinks ng VIP." Aniya. I cringe at what he called me.

"Thank you, Don." I sarcastically responded. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin at stressed na akong nag-tungo sa Function Hall. Kita naman agad ito dahil para itong Clubhouse. Maraming tao at rumagasa agad ang dugo ko sa kaba nang masilayan ang mga athletes na umiinom ng drinks at ang iba'y nagpapa-picture. May mga ka-pamilya rin nila at ang iba'y media na tila invited upang kuhanan ang event.

Mag-isa akong pumasok sa hall at wala man lang napapa-tingin. Ang mediocre ko siguro para sa mga taong ito. And gosh, these are all elites! I am a fucking commoner here.

May mga naka pang racing na, mga naka kimono for Taekwondo at iba pa. They're all getting ready since the event is set to start at exactly 10! Nagpa-linga linga ako para hanapin ang mga mage-air soft. Ano ba ang attire nila? Normal lang naman, diba? Magsusuot lang naman sila roon ng eye protection and something like Khaki or denim or whatever.

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Where stories live. Discover now