Chapter 40

26.4K 817 306
                                    

Ilang segundo pa kaming nagka-titigan ni Tyson bago siya kumurap at nag-iwas ng tingin. He took a sip from his glass of water and immediately then turned his attention back to me. I lovingly caressed his right cheek using my left palm since the right one is what I am using to feed us both. Sinubuan ko siya ng panibagong barbeque at tahimik niya naman din agad itong nginuya.

Maingay sina Thea at iyong dalawang lalaki na kaibigan niya habang kumakain kami. Halos tapos na rin silang kumain pagkalipas ng ilang minuto at tanging ako, si Tyson at si Jerro na lamang ang naiwang nakatayo sa harap ng mahabang lamesa at kumakain.

I watched Tyson feed himself using his big, veiny and porcelain left hand. Kumunot ang noo ko. Wait... what?

"Are you a leftie, Tyty?" Malambing kong bulong. Napa-tingin siya sa akin at marahang kumunot ang noo bago nilunok ang sinubo niyang pagkain at tumango. Oh, gosh. How come I never noticed! All these times! Gosh!

"Why?" His low baritone made me chuckle at my silliness. Umiling ako at ngumisi.

"Ngayon ko lang napansin." Sabi ko. He sneered.

"Hindi mo napansin sa iilang beses kong sinuntok ang mga lalaki mo gamit ito?" He arrogantly said and raised a brow at me. Inis kong kinurot ang tricep niya nang marahan. Ang gara talaga nito!

"Ayan... diyan ka talaga magaling. Tapusin mo na nga 'yan." Malumanay kong sabi at binilisan na rin ang pag-ubos sa pagkain ko.

Naunahan niya nga akong matapos at nang ako naman ang natapos ay umiinom na siya ng soda. Sinalinan niya ang baso ko at hindi ko mapigilang matuwa sa napaka-simpleng bagay na iyon.

"Thank you." I weirdly plastered a smile showing all of my teeth. Kaloka, bading. Nagpapaka feeling cute and adorable ka naman masyado. Adorable baby contest, oo, pasok pa. Charot! I bit my lower lip to reprimand myself.

"Bro, Morgan iyong nabili nina Chiko, eh. G lang?" Biglang kibo ni Jerro sa likod ko. Napapagitnaan kasi nila akong dalawa at nang nilingon ko si Jerro ay tapos naman na rin itong kumain. He grinned at me. I gave him a swift smile.

"Tss. Ba't kasi sumasama ka sa mga bata. May Johnnie ako sa loob. Papakuha ko." Ani Tyson at hinigit ang beywang ko palapit sakaniya.

"Nah, I'm hitting on one of Thea's friends pero 'di na sumama rito, eh. Pagkababa nami'y umuwi na agad. Sinundo ng Kuya." Ani Jerro. Nyeta, gusto ko nang umalis. Naririndi ako rito sa gitna nilang dalawa.

"Hah. Pahamak talaga 'pag may Kuya." Tyson lowly chuckled and I immediately gave him a warning look. He smirked even more.

"Hoy! Tara na kayo! Nagpapasahan ba kayo ng droga diyan?" Biglang sigaw ni Thea at nakita kong malayo na sila nung mga kaibigan niya sa amin. Nag-lagay sila ng maliit na lamesa at apat na upuan doon malapit sa pool. Napa-tingin naman ako sa mga lalaki na sine-set up ang kanilang lamesa at mga upuan din malapit lang sa mahabang lamesa na may pagkain.

"Damn it. Why does she speak like that?" Tyson groaned that made me chuckle. Napaka squammy naman kasi talaga nitong si Thea. I wonder if she has friends that are not of the same status as her? Kasi saan niya nakukuha iyang ganiyang salitaan? I cannot.

"Hayaan at tantanan mo na nga 'yang pinsan mo. Tara na." Ngisi ko at hinila na siya patungo sakanila. At dahil mas malapit lamang ang lamesa ng mga lalaki ay agad naka-upo si Tyson. I saw the other boys pulled out a cigar from their pockets and it stopped me from leaving Tyson alone with them and join the girls.

Dinungaw ko si Tyson na prente nang naka-upo at binigyan siya nang makahulugang tingin. Pinitik niya ang leeg niya habang tinitingala ako. He gave me a confused look.

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon