Chapter 10

14.4K 755 213
                                    

Matinis at malakas na sigaw ang umalingawngaw sa kwarto ko umaga ng Linggo. May mga kamay na pumipigil sa akin upang mas lalong mag histerya sa harap ng salamin. Hindi ko talaga matanggap na ganito na ang buhok ko ngayon! I looked so bad. It felt like I went back to square one. After ilang months na pagpapa-tubo roon ay ganun ganun na lang mapuputol. Walang hiyang Prof iyon! Walang hiyang program! Walang hiya na lahat! Ugh!

"Bakla ka, tumigil ka nga riyan." Pagod na sita ni Kobi habang naka-tanaw sa akin mula sa likod. Naka-upo siya sa kama ko habang si Jade naman ay nakatayo at nakapameywang.

They eventually got tired calming me down. Mula pa kasi sa salon hanggang nakauwi kami sa bahay ay inis kong pinag-sasabunot ang maiksi ko ng buhok. Parang baliw lang.

"Maganda nga kasi! Kaya nga dun ka namin sa Tito ko dinala para mas ma execute iyong gusto nating hairstyle para sayo! Kung sa barber shop ka naku baka two by three ka na ngayon!" Sabi ni Kobi. Humalakhak si Jade kaya mas lalo akong nag tantrum.

"Sabi niyo nakaka-liit ng mukha ito! Tang ina niyo para nga akong si Kimmy Dora nito. Ang lapad lapad ng mukha ko mga hayop kayo!" I swear this is really stressing me out so much. I don't know if this is just annoyance about the damn protocol or I am slowly developing anxiety attack.

Paano na ito? Ang yabang yabang ko pa naman sa school. Ang lakas kong mang-irap ng mga boys tapos ngayon eto na? Paano kapag nakita nila ako? They will take revenge! Gosh! I don't think I can handle bullying anymore. I've had it worse back then.

"Gaga, hindi kaya! Lakas maka Thailander ng buhok mo. Yoshi Rinrada lang oh." Si Jade naman at sabay tapik ng palad niya sa ilalim ng baba ko. Napa-tingin ulit ako sa salamin.

"Walang bakas hayop ka! Yoshi Rinrada rehab version." Eksaherada akong umiyak. Kahit wala namang luha.

"Alam mo ewan ko sa'yo, Apple! Napaka nega mo. Pareha parehas lang tayong mapang-lait dito noh! If you really looked so bad right now we will tell it straight to your face!" Si Kobi at pinagkaabalahan na ang mga nabili niya sa Watsons.

"I'm not saying I look ugly now, duh? What I am saying is I don't look feminine anymore." Ginalaw galaw ko ang mukha ko sa iba't ibang angle para makita ko ang impact ng haircut na ito sa kagandahan ko.

"Praning ka lang, bakla! Iba ang awra ng baklang nagho-hormones sa baklang hindi. Kaya kahit short hair ka pa, lilitaw at lilitaw pa rin ang glow at femininity mo."

"Hala at yarukin mo na ang isang pad niyang estrogen at male blocker mo! Oa nito." Ani Jade at umalis na sa likuran ko. Pinagkaabalahan na nila iyong mga pinamili nila kanina.

I stared at my reflection. Well, it's really not that bad. The cut was not so short. And Kobi's Tito really did a good job though. He made sure it will suit the shape of my face. Nag-iinarte lang ako para kunyari si Marga ang drama ko.

But on the serious note, this is really not helping me with my gender dysphoria. Ang daming pinagdadaanan ng isang trans para lang maging komportable kami sa sarili naming katawan at sa mga tao sa paligid namin. Malas pa at nasa Pinas ako. Malas pa at hindi lahat ng paaralan nagpa-participate para maging transgender friendly ang kanilang institution. Haay.

Napa-tulala na lang ako bigla sa harapan ng vanity ko. Labis ang pagkabog ng dibdib ko nang sumagi na naman ang pakikipag-kita ko kay Tyson. I was very sure and decided days ago. Pero ngayon na naputol na ang buhok ko ay parang binawian ako ng kumpyansa. Sino ba naman ang magkaka-confidence sa lagay na ito?

Not to mention that he's consistently going thru my DMs every day. Hindi naman kami oras oras nag-uusap pero sa isang araw may chat talaga ang lolo niyo!

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon