Chapter 32

554 57 13
                                    

Pagkasakay namin sa tricyle, agad kong ikinuwento kay Marion ang mga naganap kanina.

"Kaloka ka, girl. Hindi kita kinakaya," sambit ni Marion na may kasamang paimpit na tawa.

"Naku, araw-araw na ba 'kong gagawa ng ninja moves? Si labidabs naman kasi, e..."

Matapos kong sambitin 'yon, nagkatinginan lang kami ni Marion. Ilang saglit pa, napahagalpak kami ng tawa.

"Iyan, ganiyan ang nagagawa ng pag-ibig," komento niya. Halos magkandaihit kami ng tawa habang nasa biyahe.

"Ang ligaya n'yo masyado, pakihinaan nang kaunti ang pagtawa," pagsingit ni Tim.

"Ay sorry na," turan.

Habang nagpupunas ako ng luha dahil sa katatawa, naalala ko bigla 'yung imbitasyon ni Joash para sa birthday ng Mommy niya.

"Guys, sabi nga pala ni Joash punta raw tayo sa kanila para sa birthday celebration ng Mommy niya. Go ba kayo?" bungad ko.

"Mukhang malabo, pass ako. Alam n'yo naman, kailangan kong maghanap-buhay para sa pamilya," tugon ni Tim.

"Hindi pa 'ko sure kung wala akong lakad sa Sunday. Inform na lang kita sa Sabado," ani Marion.

Bahagya akong nalungkot dahil kung sakali mang hindi rin puwede si Marion, mag-isa lang akong pupunta. Nakakahiya pa na naman lalo na kung wala akong ka-close ro'n. Isa pa, sayang din ang opportunity na 'to. Baka heto na ang pagkakataon para mapalapit ang loob sa 'kin ni Joash.

"Huwag ka nang malungkot d'yan, girl. Nakanguso ka pa, para kang batang inagawan ng kendi," untag ni Marion.

"Paano naman kasi..." Biglang tinakpan ni Marion ang aking bibig kaya napatigil ako sa pagsasalita.

"Mukhang alam ko na kung ano ang magpapasaya sa 'yo. 'Yon ay kung hindi ka nagmamadaling umuwi," aniya. Tinanggal na niya ang kanyang kamay sa 'king bibig para makapagsalita ako.

"Hindi naman ako masyadong nagmamadali. Bakit? Ano ba 'yon?" tanong ko dulot ng kuryosidad.

"Sama ka muna sa 'min saglit. Ituturo ko sa 'yo kung saan ang bahay nila Joash. Keri ba?" saad ni Marion.

Nagningning bigla ang aking mga mata nang marinig ko 'yon. Ayaw talagang magpaawat ng tadhana, malalaman ko na kung saan nakatira si crush!

"OMG, kering-keri! G talaga 'ko riyan," masigla kong sambit.

---

Habang nasa biyahe pa rin kami, kung ano-ano lang ang pinag-usapan namin ni Marion. Dahil sa kadaldalan niya, hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa barangay nila.

Una naming nadaanan ang papunta kina Tim. Hindi ko nakita ang bahay nila dahil itinuro lang sa 'kin ni Marion 'yung eskinita papasok sa bahay nila Tim. Makalipas ang ilang minuto, bahay naman nina Marion ang nadaanan namin.

"Iyan ang bahay namin," ani Marion habang nakaturo sa isang sementadong bahay.

Okay naman ang bahay nila, malawak pa ang space nila sa may gilid pero ginawa nila itong taniman ng gulay. Siguro malaki lang ng kaunti ang bahay nila sa classroom namin. Tiyak na mapapaganda pa nila 'yung bahay nila kung maglalagay man sila ng second floor saka kapag napinturan na ang bahay nila.

"Huwag kang mag-expect nang bongga, hindi kami mayaman," ani Marion. Isang ngiti lamang ang itinugon ko sa kaniya.

Kamukatmukat, nakarating na kami sa bahay nila Joash. Itinuro sa 'kin ni Marion ang isang mint green na up and down na bahay.

"Wow, ang cute ng bahay nila Joash," sambit ko.

Hindi naman mansion ang bahay nila pero masasabi kong nakakaangat sila sa buhay. Malaki lang nang kaunti 'yung bahay nila kina Marion base sa tantiya ko. Ang pinagkaiba lang, may second floor ang kina Joash.

No More RhymeWhere stories live. Discover now