Chapter 17

2.7K 106 37
                                    

Matapos ang klase namin kay Miss Trinidad ay kaagad namang nagdiwang ang mga kaklase ko. Wala kasi ang guro namin sa History kaya vacant tuloy kami ngayon ng isang oras.

As usual, nagkumpulan ang mga magtotropa sa isang sulok. Ang grupo ng mga kaklase kong tsismosa ay mukhang may bagong pagpipiyestahan na naman. Ang ilan ay nagpunta sa canteen at mayroon ding mga dumukmo para matulog. Buti nga't nakakayanan pa nilang umidlip kahit na ang iba naming kaklase ay nagtatatakbo rito sa loob at naghaharutan.

"Girl, heto na nga ang chika..." bungad ni Marion matapos makapaglagay ng pulbos sa kaniyang mukha.

"O sige, simulan mo na," tugon ko sabay ayos sa aking silya palapit sa kaniya.

"Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis, e. Paano ba naman kasi, 'yung huling kalandian ni Kairus... wala na sila," maligalig niyang panimula.

"E 'di okay naman pala. May chance ka na ulit, o. Dapat kang magsaya, ano bang kinaiinis ng butse mo roon?" ani ko.

"Girl, ang tsismis... may nakahuli raw sa dalawa na may ginagawang milagro sa CR. At heto pa, nabitin daw si Kairus dahil nasa kalagitnaan pa lang sila ng pagpapasarap nang biglang may makakita sa kanila kaya natakot itong si girl. Sa sobrang takot nito, nag-drop na siya sa school natin at lumipat na ng ibang school. O 'di ba? Nakaka-stress?" litaniya pa ni Marion habang sapo-sapo ang ulo.

Dahil sa kinuwento niyang iyon, hindi ko mapigilang hindi mapagigagal sa aking kinauupuan. Ang bilis ng puso ko na tila ba parang may kasalanan akong nagawa. Oo, alam kong ako ang nakakita sa milagrong ginagawa nila pero hindi ko naman iyon sinasadya at wala rin naman akong pinagsabihan ukol do'n. Syaks, ang bilis talaga ng pangyayari... sadyang may pakpak talaga ang balita.

"Huy, wala ka bang sasabihin? Violent reaction? Suggestion? Recommendation?" dagdag pa niya matapos akong sikuhin sa braso. Nagbalik naman ako sa aking ulirat matapos no'n.

"Ay, kawawa naman pala si girl, na-tsismis agad. Kung gano'n nga, wala naman na tayong magagawa kaya huwag mo nang stress-in ang sarili mo. Dapat nga e magsaya ka at kalimutan na ang tsismis na 'yan. At saka malay mo, hindi naman pala totoo 'yan..." pahayag ko.

"Hindi ko kasi matanggap girl... sa sobrang tagal ko ng pinagpapantasyahan si bebe Kairus ni minsan, hindi man lang ako nabigyan ng chance para mahawakan man lang siya. Buti pa si girl, natikman niya na ang mapulang labi ni Kairus. Muntik na nga niyang maangkin ang katawan ni Kairus, nabitin lang. Kaya thankful ako sa kung sinuman ang nakahuli sa kanilang dalawa, baka mabigyan ko pa 'yon ng sampaguita..." aniya.

"Sampaguita talaga, prend?" tatawa-tawa kong tugon.

"Yes, sampung piso lang naman iyon sa mga batang nagtitinda sa kalsada. At least, nakatulong pa ako sa kanila," saad niya sabay taas ng kanang kilay.

"Panalo ka riyan, girl." Nagtawanan lang kami sabay apir matapos kong sabihin 'yon.

"Pero ang baboy naman kasi talaga... CR lang? Walang budget para mag-rent ng motel?" sambit ko.

"Alam mo namang estudyante pa lang tayo at umaasa pa tayo sa magulang kaya hindi pa natin afford 'yung gano'n. 'Yung iba nga e pakubo-kubo na lang o 'di kaya sa may bukid---"

"Ewww," tugon ko sabay hampas sa braso niya. "Grabe na ang pinag-uusapan natin, Marion. Nagiging bastos na ang ating bibig," dugtong ko pa.

"Naku, hindi ka pa nasanay. Grabe na talaga ang generation natin, magugulat ka na lang sa mga nangyayari. Mas magandang stay updated para hindi nahuhuli sa balita," wika niya.

No More RhymeWhere stories live. Discover now