Chapter 25

1.8K 90 72
                                    

"Ay, ang slow naman nito. 'Ge, enjoy ka lang sa pagkain d'yan," wika ni Kairus.

Hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi niya. Minabuti kong kumain na lang muna. Ang sarap kayang kumain kapag masarap ang mga nakahain.

"Alam mo, gusto kita..." saad ni Kairus.

Halos mabilaukan ako matapos kong marinig 'yon mula sa kaniya. Agad akong uminom para gumingawa ang aking pakiramdam. Ano na naman kaya ang pumasok sa isipan ng lalaking 'to?

"Kairus, baliw ka ba? Huwag ka ngang bumanat ng ganiyan, hindi bagay sa 'yo," pagtataray ko.

"Hindi ako nagbibiro, totoo 'to. Hindi ko alam pero baliw na yata ako sa 'yo..." seryoso niyang sambit.

Nakatingin lang siya sa 'kin. Kita ko sa kaniyang mga mata ang sinseridad ng mga pinakawalan niyang kataga. Hindi ako makapaniwala, siya ba talaga 'to?

"Sa pagkarami-rami ng babae sa mundo, hindi ko alam kung bakit ako ang na-trip-an mo. Kaya kung ginu-good time mo lang ako, pwes, hindi nakakatuwa," pahayag ko.

Tumayo ako para maglagay ng tubig sa aking baso. Nakakainis, ayokong tumingin sa kaniya dahil alam kong sasabihin niyang it's a prank! Na nag-jo-joke lang siya. Ayoko namang magpadala sa bugso ng aking damdamin.

"Sa tingin mo, bakit hinaharot at binibiro ng isang lalaki ang isang babae?" aniya.

Hindi pa rin niya iwinawaksi ang kaniyang titig sa 'kin. Hindi ako sanay, para akong matutunaw sa titig niya. Pagkaupo ko, saka ko sinagot ang kaniyang tanong.

"Natural na sa mga lalaki 'yon lalo na kapag wala silang magawa sa buhay," tugon ko.

Bumalik na kong muli sa pagkain. Ayokong lasapin ang mga sinasabi niya, baka mahulog ako sa kaniyang patibong.

"Hindi, mali ka. Ginagawa ng mga lalaki 'yon para magpapansin sa babaeng gusto nila. Masaya kami kapag nakukuha namin ang atensiyon n'yo," paliwanag niya.

Bahagya akong napatigil sa pagkain. Ayokong tumbukin ang nais niyang ipahiwatig. Nag-iiba ang atmosphere dito sa kusina, siguro, dapat ko ng ibahin ang topic.

"Asus, tama na nga ang mga ka-jelly-han na ganiyan. Hindi bagay sa 'yo. Mas mabuti pa kung kuwentuhan mo na lang ako patungkol sa mga kaibigan mo," ani ko.

"Alam kong ayaw mong maniwala pero nakakainis, e. Maski ako, hindi ko alam kung bakit nagustuhan kita. Hindi ka naman kagandahan, hindi rin sexy. Ewan ko ba, mapagbiro talaga ang tadhana," ngingisi-ngisi niyang sambit.

"Tama ka riyan, loko-loko ang tadhana. Kaya mas mainam, tigil-tigilan mo na 'ko. Hindi rin naman kita gusto. Ang yabang mo kaya tapos sobrang hangin pa. 'Yung tipong guwapong-guwapo ka sa iyong sarili na tila ba wala nang makahihigit sa kaguwapuhan mo," saad ko.

"A, ganoon pala ang tingin mo sa 'kin. Huwag kang mag-alala, magiging boyfriend mo rin ako," wika niya sabay kindat sa 'kin.

"Ang kapal talaga ng mukha. In your dreams!" anas ko sabay belat sa kaniya.

"O baka naman kasi may gusto ka sa mga kaibigan ko? Si Vint ba? Zerex? O Joash? Mukhang interesado ka kasing makilala sila kaysa sa 'kin," turan niya.

"Hala, grabe, a. Kung ano-ano pinagsasabi mo riyan," sagot ko.

Hindi naman niya siguro nahalata kung sino ang crush ko. Bakit ba kasi patungkol pa sa kaibigan niya ang nasabi ko kanina? Iyan tuloy, kung ano-ano naiisip niya.

"S'yempre, nagseselos ako. Ang pinag-uusapan natin ay patungkol sa ating dalawa tapos papasukan mo ng iba. Hindi dapat gano'n," aniya.

"Sorry na. Pero wala talaga akong gano'n na intensiyon. At sorry rin kasi hindi kita gusto. Marami pang babae riyan na mas worth it kaysa sa 'kin. Pasensiya na kung kailangan ko 'tong gawin. Ayokong umasa ka sa wala," pahayag ko.

Batid kong nalungkot siya at tila lumamlam ang kaniyang mga mata. Tila nawalan na siya ng gana matapos marinig ang mga sinabi ko.

"Sa lahat ng babae, ikaw lang ang umayaw sa 'kin. Ang daming nagpapantasya sa 'kin, mga nangangarap na maka-chat ako, mabigyan ko ng atensiyon... pero ikaw na binigyan ko ng effort simula noong magkatagpo tayo, binasted lang ako. Nakakatawa," malumanay niyang sabi at nagpakawala siya ng isang ngiti.

"Iba ka nga talaga sa mga babaeng nakilala ko. Pero tandaan mo ang sinabi ko sa 'yo noon... hindi matatapos ang school year na 'to nang hindi nagiging tayo," untag niya sabay kindat sa 'kin.

"Sige lang, diyan ka lang naman magaling, puro salita... kulang naman sa gawa," pambabanas ko.

"Aba, huwag mo kong hinahamon. Hindi kita uurungan," sambit niya.

"Tse, basta," paismid kong tugon.

Bahagyang nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin kaya kumain na lang ulit ako. Ilang saglit pa, nagligpit na si Kairus ng kaniyang pinagkainan.

Malapit na akong matapos sa kinakain ko nang biglang may yumakap sa 'kin mula sa aking likuran.

"Huy, Kairus! Tigil-tigilan mo nga ako!" singhal ko.

Pilit kong tinatanggal ang nakapulupot niyang bisig sa aking beywang nang bigla niyang inilapit ako kaniyang mukha saka ako ginawaran ng halik sa aking kanang pisngi.

"Kairus!" nanggagalaiti kong sabi. Agad niya akong pinakawalan at tatawa-tawa sa aking likuran.

"Ang manyak mo! Nakakainis!" giit ko habang magkaharap kami. Kinukuskos ko ang aking pisngi gamit ang panyo ko.

"Choosy pa, buti nga pisngi lang. Paano pa kaya kung sa labi?" pang-aasar niya pa.

"Buwiset kang kumag ka!" turan ko.

Kinuha ko 'yung baso kong naglalaman ng tubig at akmang isasaboy ko 'yon sa kaniyang. Mukhang natunugan niya ang gagawin ko kaya napigil niya ang aking kamay.

Gayon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata matapos kong mabitiwan ang hawak kong baso. Mabilis 'yong nalaglag at nabasag sa may sahig. Napatakip na lamang ako sa aking bibig.

"Bakit may nabasag? Anong nangyari?" bungad ni Ate Kailee. Agad silang nagtatakbo rito sa kusina ni Agatha.

"Pasensiya na, Ate. Naghaharutan kasi kami ni Morixette kaya nabasag 'yung baso," paliwanag ni Kairus.

"Akala ko naman kung ano na. Kayo talagang mga bata, ang hihilig magharutan. O siya, ipawawalis ko na lang 'yan kay Manang.

---

Natahimik ako matapos kong makabasag ng baso. Nakakahiya. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon, tumambay na lang ako sa may sala at pinanood sila Agatha na nagkakasiyahan. Umakyat na rin si Kairus sa kuwarto niya kaya wala nang nambubuwiset sa 'kin.

"Uy, mayroon siyang na-mi-miss," biro sa 'kin ni Agatha.

"Naku wala 'no. 'Yong lokong kumag na 'yon, hindi ko siya ma-mi-miss!" giit ko.

"Si Kairus ba 'yan? Yieee. Bagay naman kayo,e," pang-aasar ni Agatha.

"No no no talaga..." ani ko.

---

Alas otso pasado na kami natapos. Marami pang natirang pagkain kaya may pabalot sa 'min si Ate Kailee. Sa dami ng pagkain, baka umabot pa 'to hanggang lunes.

Akala ko mamamasahe ulit kami pauwi ni Agatha. Mabuti na lang at may dalang sasakyan 'yung isa niyang kaibigan kaya may maghahatid na sa 'min hanggang sa bahay.

"Happy birthday ulit, Ate Kailee! Maraming salamat!" sambit ko sabay beso sa kaniya. Nagyakapan naman sila ni Agatha bago magpaalam sa isa't isa.

Akmang sasakay na 'ko sa may kotse nang makita kong may nakasilip sa may bintana sa may taas. Alam kong si Kairus 'yon...

No More RhymeWhere stories live. Discover now