Chapter 37

507 48 18
                                    

Kumaripas ako ng takbo palayo kay Kairus dahil alam kong gagantihan ako no'n.

Nakarating ako sa pool na pambata. Nakakatuwa dahil may fountain ito sa bandang gitna at may disenyo na parang payong. Magiliw na naglalaro ang mga bata.

Wala talaga akong balak mag-swimming. Magdadala sana ako ng extrang damit para in case man na mabasa ako, mayroon akong pamalit. Ang masaklap, dahil sa excitement ko kanina nang dumating sina Ate Kailee, nakalimutan ko tuloy.

Naupo lang ako sa may gilid at isinawsaw ang aking mga paa sa tubig. Ang sarap sa pakiramdam, nakaka-relax. Habang nagmumuni-muni ako, isang batang lalaki ang lumapit sa akin at binasa ako.

"Hala, pasensiya na, miss, ang talaga ng alaga ko," paghingi ng paumanhin ng isang babae. Tila ba siya ang yaya ng bata.

"Okay lang po 'yon," nakangiti kong sambit.

Agad na lumayo ang dalawa. Mabuti na lang at kaunting basa lang ang nagawa nito sa damit ko. Makalipas ang ilang minuto, napagpasiyahan kong maglakad-lakad na muna.

Habang naglalakad, napadaan ako sa cottage na puro kalalakihan. Ilang saglit pa, sinipulan ako ng isa sa kanila. Mukhang manyak si kuya kaya dali-dali akong naglakad palayo.

Huminto ako sa isang bench para maupo muna. Sa tabi nito, mayroong isang malaking estatwa, human size figure na iron man. Kamukatmukat, isang lalaki ang lumapit sa 'kin.

"Hi Miss, puwede bang magpa-picture saglit?" tanong nito.

Um-oo naman ako dahil tinuturo niya ay picturan ko siya kay Iron Man. Pagkakuha ko ng phone niya, tumayo na siya ro'n at nag-pose.

"Thank you," saad nito pagkakuha sa 'kin ng cellphone niya.

"Walang anuman," nakangiti kong tugon.

Ilang sandali pa, bigla niya 'kong niyapos. 'Yung kaliwang kamay niya ay nakapaikot sa aking beywang. Pilit ko itong tinatanggal pero mas malakas siya sa 'kin.

"Sabi na nga ba at nakikipaglandian ka na naman sa kung sino-sinong babae, e," singhal ng isang tinig mula sa aming likuran. Agad namang tinanggal ng lalaki ang kamay niya sa beywang ko.

"Miss, nagkakamali ka, hindi ko nilalandi ang jowa mo. Nagulat na nga lang ako nang ipalupot niya ang kamay niya sa beywang ko," pahayag ko.

"Huwag ka nang magmaang-mangan! Ginusto mo rin 'yon, hindot ka!" singhal ng babae. Sa sobrang gigil niya, sinampal niya 'ko nang malakas sa aking kang pisnge.

Sa lakas no'n, parang umugong bigla ang ulo. Napahawak na lang ako sa aking pisngi dahil tila ba namanhid ito. Nilapitan siya ng lalaki para awatin ito sa ginagawang pag-eeskandalo.

"Hindi pa 'ko tapos!" asik pa nito at dali-daling nagpumiglas sa pagkakahawak ng jowa niya. Ayaw niyang magpaawat at sinugod ako.

"Ahh!" pagpalahaw ko ng sigaw.

Biglang hinablot ng babae ang buhok ko at pinagsasabunutan ako. Hindi siya nakuntento sa gano'n lang kaya kinaladkad niya habang nakasabunot pa rin sa buhok.

Makalipas ang ilang minto, binitiwan niya rin ako. Sumakit ang anit ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Pagtingin ko sa paligid, dinala niya ako sa pool na wala masyadong tao.

"Nakikita ninyo ang babaeng 'to? Higad 'yan! Nilalandi ang jowa ko!" pagsisigawan niya. Napunta tuloy sa akin ang atensiyon ng karamihan. Napayuko na lang ako dahil naririnig ko ang mga pamba-bash nila sa 'kin.

Nanlaki bigla ang aking mga mata nang makita ko ang nakasulat sa sahig na 10 ft. Hindi ako sanay lumangoy kaya delikado ako rito.

"Ang dapat sa hitad na kagaya mo ay mawala sa mundo!" giit nito at walang ano-ano'y itinulak niya 'ko sa tubig.

"Ahh! Tulong!" sigaw ko habang nagkakampay sa tubig.

Hindi ko alam kung paano lumutang kaya ilang sandali lang ay tiyak na lulubog ako. Puro tawanan at kantiyawan lang ang naririnig ko sa kanila. Ni isa, walang nais tulungan ako.

Nakalunok na 'ko ng tubig kaya hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Nang pakiramdam ko'y unti-unti na 'kong lulubog, isang lalaki ang biglang humawak sa akin at iniangat ako. Gayon na lamang ang pasasalamat ko sa kaniya.

Nang umangat ang ulo ko sa tubig, bumungad sa 'kin ang mukha ni Kairus na alalang-alala.

"Kairus..." naiiyak kong sambit.

Hinaplos niya lang ako sa ulo at saka niyakap. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol na lamang ako habang nakayakap sa kaniya.

Pagkaahon namin sa tubig, iniupo lang ako ni Kairus sa isang gilid habang patuloy ako sa paghikbi. Tahimik ang paligid, ni isa ay walang umiimik.

"Mga gago ba kayo? Magtatawanan lang kayo riyan habang nakikita ninyong may nalulunod?" singhal niya. Nakaduro siya sa mga tao na nandoon. Ngayon ko lang nakita si Kairus na galit na galit.

Walang sumasagot ni isa sa kanila. Maski 'yung mag-jowa kanina na kagagawan nito ay natameme. Nakakatakot naman kasi talagang magsermon si Kairus, nanlilisik talaga ang mga mata niya.

"Sabi kasi ng babaeng 'yan, malandi raw kasi 'yung babaeng iniligtas mo," sambit ng isang babae habang nakaturo sa babaeng lumapastangan sa 'kin.

"May pruweba ka ba?" nanggagalaiting tanong ni Kairus sa babaeng ginyera ko.

"Oo! Nakita kong nakapulupot ang kamay ng jowa ko sa beywang niya!" matapang na sagot ng babae habang nakahalukipkip.

Sinamaan ni Kairus ng tingin 'yung jowa ng babae. "Totoo ba? Nilalandi ka ni Morixette?" tanong dito ni Kairus.

"Walang kasalanan dito 'yung Morixette na tinutukoy mo. Ako ang kusang yumapos sa kaniya," pag-amin ng lalaki. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi siya nagsinungaling.

"Miss, pasensiya ka na. Ikaw napagbuntunan ng galit ng girlfriend ko. Kaya ko lang naman ginawa 'yon para makipaghiwalay siya sa 'kin. Hindi ko naman akalain na hahantong sa ganito ang lahat," turan ng lalaki.

Nakita kong napakuyom ng kamao si Kairus at bigla niyang sinapak 'yung lalaki sa mukha. Napatumba sa sahig ang lalaki at pumutok ang kaniyang labi.

"Hindi ganiyan ang tamang asal kung hindi mo na mahal ang jowa mo!" anas ni Kairus. Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa lahat.

"Lahat kayo na nandito, mananagot kayo sa batas! Idedemanda ko kayo!" sigaw ni Kairus.

Dahil sa takot, lahat ng tao rito ay nagsialisan. Kami na lang ni Kairus ang natira. Dahan-dahan siya lumapit sa 'kin at saka pinunasan ang luha ko sa mukha gamit ang kaniyang kamay.

"Tahan na, nandito na 'ko. Wala nang mang-aapi sa 'yo," malumanay niyang sambit.

Napayakap na lamang ako sa kaniya dahil sa pagliligtas na ginawa niya sa 'kin.

---

Pagkabalik sa cottage, kinuha ni Kairus ang tuwalya niya sa bag at saka ibinalot sa 'kin.

"Sa susunod, huwag ka nang lalayo sa 'kin," aniya. Isang ngiti lang ang aking itinugon.

"Kairus, maraming salamat," masaya kong sambit. Nginitian niya lang din ako.

Mayamaya, dumating sina Ate Kailee at Agatha. Mukhang laban na laban sila dahil mistulang nagbabad sila sa tubig.

"Naku, kung hindi lang prosthetic 'yang mga binti mo, tiyak na nakipagbardagulan ka na sa mga maaarteng babae ro'n," saad ni Ate Kailee.

"True, saka buti na lang nakapagtimpi ako," turan ni Agatha.

"Oh? Ano'ng nangyari sa 'yo, Morixette? Bakit mugto 'yan mata mo? Pinaiyak ka ba ng kapatid ko?" nag-aalalang sambit ni Ate Kailee nang maibuhos niya ang atensiyon niya sa 'kin.

"Ay, hindi po, nadala lang ako ng emosyon sa pinapanood ko kanina," pagsisinungaling ko.

"Napagdiskitahan siya kanina. Buti na lang, dumating ako," pag-amin ni Kairus.

"Sino ang umapi sa 'yo? Sabihin mo at reresbakan namin," ani Agatha.

"Naku, hindi na. Okay na, naiganti na 'ko ni Kairus," nakangisi kong sambit.

"Maaasahan naman pala 'tong kapatid ko, e," ani Ate Kailee na wari mo'y minamasahe ang balikat ni Kairus.

No More RhymeWhere stories live. Discover now