Chapter 11

3.3K 164 13
                                    

Nahihiya akong makipagkuwentuhan kay Zerex kasi ang amo ng mukha niya kapag malapitan. Gusto ko siyang makitang sumayaw dahil halimaw daw 'to sa dance floor sabi ni Marion.

Mabuti na nga lang at tinawagan siya ng kaniyang kasama at kailangan na nilang mag-ensayo kaya agad siyang nagpaalam sa akin.

"Morixette, saka na tayo maghuntahan. Kailangan ko na kasing bumalik sa practice, e," ani Zerex matapos kausapin 'yung tumawag.

"Naku, walang problema. Okay naman na ako kaya huwag mo na akong intindihin," sambit ko.

"Sigurado ka, ha?" pangungulit niya. Tumango naman ako bilang tugon.

Maayos naman na ang pakiramdam ko. Hindi naman na masyadong kumikirot ang aking braso kaya hindi ko na kailangang mag-inarte pa.

"Hayaan mo, babalik na lang ako mamaya kapag may time," pahabol niya bago siya tuluyang lumabas ng clinic.

Para sa akin kasi, ang unang impresiyon ko sa U4yah ay mayayabang, hambog, at mga feeling hari dito sa school. Pero ngayong nakilala ko na ang dalawa sa kanila, tila ba nagbago bigla ang pananaw ko.

Agad ko namang tinext si Marion na nagdito ako sa clinic pagkaalis ni Zerex. Mas nakakahiya sa kaibigan ko kapag nadatnan niyang si Zerex ang kasama ko rito. Baka masabunutan ako ng gaga kong kaibigan nang dahil sa paghuhuramentado.

Nahiga na muna ako saglit para makapagpahinga. Ipinikit ko na muna ang aming mga mata para makabawi ng lakas.

---

Nagising ako sa pagkakaidlip dahil sa ingay na aking naririnig. Si Marion, kausap ang nurse.

"Ang daming kuda talaga ng kaibigan ko," sambit ko sa aking isipan. Nagbulay-bulay muna ako habang nakatingin sa may puting kisame.

"Friend! Gosh, ang gaga mo talaga! Anyare sa 'yo?" bungad ni Marion pagkatungo sa akin.

Dali-dali siyang umupo sa hinihigaan ko at kunwari'y sinusuri ang benda ko sa kanang braso.

"Loka, narinig kong tinanong mo na 'yan sa nurse kanina kaya huwag mo nang itanong ulit sa akin," pantutuya ko sabay ismid sa hangin.

Mayamaya, humalukipkip siya at wari mo'y nagtampo.

"Concern lang naman ako sa kalagayan mo. Alam mo ba, alalang-alala kami ni Tim sa 'yo dahil akala namin ay hindi ka pumasok. Ni wala kang abiso kaya akala namin ay na pa'no ka na..." pahayag niya.

"Yiee, na-tats naman ako roon nang slight," saad ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at niyakap ang aking kaibigan.

Pagkahiwalay namin sa yakap, agad naman siyang sumagap sa akin ng balita.

"So ano na? Sino 'yung lalaking nagdala sa 'yo rito?" pang-iintriga niya sa akin.

Hindi naman ako nakasagot agad kasi nakatingin siya sa akin nang mapang-usisa. Tiyak na hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi sa kaniya ang totoo.

"Oy, magsalita ka. Sabi ni Ate Nurse, guwapo raw, e..." hirit niya pa. Isang ngiti ang pinakawalan ko bago ko siya sinagot sa kaniyang tanong.

"Pagdating talaga sa mga guwapo, buhay na buhay ka. O siya, si Zerex 'yong nagdala sa 'kin dito," turan ko.

"Homay! Hindi mo agad sinabi sa akin para naabutan ko siya!" paghuhuramentado niya habang pinapadyak ang mga paa sa sahig dulot ng kilig.

Isang batok ang iginawad ko sa aking kaibigan para matauhan. "Gaga ka talaga!" sambit ko habang natatawa sa kaniya.

"Ikaw ha, hindi mo man lang nai-share sa akin si Fafa Zerex. Selfish ka na, friend?" pantutuya niya sa akin. Hinampas ko siya sa braso gamit ang aking kaliwang kamay dahil sa kaniyang kalantungan.

"Walang akin, friend. Kung gusto mo, sa 'yong-sa 'yo na siya," pagbibiro ko.

"Gaga, hindi ko siya inaangkin. Masaya na 'ko sa patikimkim," aniya sabay kagat labi at tila ba tumitirik pa ang mata.

Napahagalpak ako sa tawa dahil sa kalokohan niya. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong kurutin siya sa tagiliran.

"Ouch naman, tuwang-tuwa ka masyado. Para kang kinikiliti sa kikiam," giit niya habang inaayos ang sarili.

"Grabe, a. Medyo lang naman," saad ko at nagkandaihit kami sa katatawa.

---

Pagkatapos ng kulitan namin, pumasok na si Marion sa susunod naming klase. Excuse naman na raw ako sabi ni Ate Nurse kaya puwedeng hindi na ako pumasok. Pinapauwi na nga ako kaso ayaw ko pa, sasabay na ako kina Marion mamaya.

Tiyak na pag-uwi ko sa bahay, mapapagalitan ako. Hindi rin sila titigil hangga't hindi ako nauusisa. Pero kahit na ganoon, natutuwa apa rin ako kasi nag-aalala sila sa akin. Ang sarap sa feeling na mayroong nagmamahal sa 'yo bilang pamilya kahit hindi mo sila kadugo.

Wala pang lunch break pero nakaramdam na ako ng gutom. Hindi ko naman hahayaang gutumin ang aking sarili kaya pinilit kong tumayo at maglakad patungong canteen.

Pagkarating doon, wala namang masyadong tao. Mga estudyante nagpaalam lang na lalabas para kunwari e mag-CR pero sa canteen tutungo. Marami akong kilalang ganiyan.

Pizza burger lang ang binili ko at alam kong hindi ako makakakain nang ayos kapag heavy meal pa ang binili ko. Isa pa, malaki rin ang natipid ko dahil kinse pesos lang ang aking nagastos.

Pagkabili, naglakad na ako pabalik sa clinic. Sarap na sarap pa ako sa pagkagat at panguya ng aking kinakain habang naglalakad sa daan.

Akmang papaliko na ako sa clinic nang may makita akong estudyanteng nalaglagan ng ID dahil humahangos sa pagtakbo. Nakasukbit pa ang kaniyang bag sa likod kaya halatang kakapasok niya lang.

"Kuya! Kuya! Nalaglag 'yung ID mo!" sigaw ko. Dali-dali kong dinampot ang ID para iabot sa nakalaglag.

Paglingon ko sa may ari, tila ba umawit ang mga anghel sa kalangitan. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Unang pumukaw sa aking atensiyon ay ang singkit niyang mga mata. Nakasuot siya ng salamin na walang grado, 'yung tila pamporma lang pero bagay na bagay sa kaniya. Syaks!

"Maraming salamat," aniya pagkakuha sa akin ng kaniyang ID sabay pakawala ng isang banayad na ngiti. Tila ba natulala ako sa kaniyang karisma.

Nakadalawang hakbang na siya palayo sa akin pero hindi ko pa rin maialis ang aking paningin sa kaniya. Ilang saglit pa, huminto siyang muli sa paglalakad at bumalik sa akin.

"Miss, may ketchup ka pa sa labi," aniya bago nagtatakbo palayo.

Parang sirang plaka na nag-uulit-ulit sa aking tainga ang malamig niyang boses. Natauhan na lang akong bigla matapos kong mabitiwan ang aking kinakain.

"Ay tanga, sayang 'yung pagkain ko!" saad ko sa aking sarili.

Nanghinayang akong bigla at saka wala pa namang five minutes kaya kinuha ko ang pizza burger kong nalaglag sabay pagpag. Maraming tao ang nagugutom kaya hindi dapat magsayang ng pagkain.

Sarap na sarap pa ako sa pagnguya hanggang sa maubos ko ang aking kinakain. Naalala ko ang sinabi ng lalaki kanina na may ketchup ako sa labi kaya naman tinanggal ko rin 'yon agad gamit ang aking kamay.

Para akong idinuduyan sa ulap dahil sa nangyari kanina. Bakit ba ganito? Unti-unti ko silang nakakadaupang palad? Syaks!

"Joash..." mahina kong sambit sabay yakap sa katabi kong unan.

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon