Chapter 6

4.3K 207 23
                                    

After lunch, ang subject na namin ay math. Mahina pa naman ako pagdating sa mga numero kaya nganga ang grado ko rito.

Simula noong first year, lagi na lang akong line of seven sa math. Nag-aaral naman ako bago ang exam; kinakabisado ko ang mga formula kaso parang nakakalimutan at natatameme na ako kapag exam na.

Trigonometry, iyan ang math namin ngayon. Alam kong hindi pa iyan ang pinaka mahirap pero jusko, masakit sa utak. Lalo pa ngayon na nagbibigay pa lang ang guro namin ng summary ng aming pag-aaralan, nalulula na ako.

"Okay lang iyan friend, masasanay ka rin," ani Marion habang nakatingin lang sa aming guro.

"Kailangan kong masanay..." mahina kong sambit.

Feeling ko, magaling namang magturo si ma'am, e. Mabilis lang talaga siyang magsalita kaya medyo mahirap ding i-absorb ang mga sinasabi niya. Pero wala, e. Kailangan kong mag-adjust.

Pagkatapos ng subject namin na math, medyo nakahinga na rin ako nang maluwag. Umpisa pa lang, makapigil hininga na. Paano pa kaya kapag start na ang aming klase? Baka mangitlog pa 'ko nito.

"Huy, huwag ka ngang ma-stress diyan. May physics pa mamaya kaya good luck sa utak natin," bungad ni Marion.

Pagkalabas ng aming guro, parang nakawala sa koral ang mga kaklase ko. Samantalang si Marion, nag-retouch agad at naglagay ng pabango.

"Sa utak ko ako naaawa, friend. Baka hindi kayanin," ani ko sabay ngini nang kaunti.

"Ay true. Mabuti na lang at wala tayo sa first section kundi kulelat tayo..." segunda ni Marion habang naglalagay ng pulbos sa kaniyang mukha.

"Mahigpit ang labanan doon. Tiyak, walang gustong magpatalo," turan ko.

Mayamaya lang, dumating na ang aming guro sa physics kaya nagmistulang anghel na naman ang aking mga kaklase.

Hindi kagaya sa math namin kanina, mukhang mas maiintindihan ko 'tong subject na 'to dahil light lang magturo ang guro namin. 'Yung way niya ng pagtuturo ay student friendly talaga kaya medyo nakahinga ako nang maluwag dito.

---

Uwian na, hindi naman naging masama ang first day ko dahil nagkaroon agad ako ng kaibigan dito sa school. Mukhang mag-eenjoy naman ako rito...

"Marion, mauuna na ako. Salamat nga pala ulit," sambit ko sa kaniya. Naglalabasan na ang iba kong mga kaklase pero kami, nakaupo pa rin.

"Huwag ka namang ganiyan, friend. Bata ka pa, huwag ka munang sasama sa liwanag," biro niya.

"Loka-loka, mahal ko ang buhay ko 'no," pahayag ko sabay sakbit sa aking bag at saka tumayo.

"Seryoso nga, sabay ka na sa amin ni Timoteo. Taga saan ka nga pala?" aniya.

"Naku, hindi na. Baka makaabala pa ako sa inyo. Taga-sampalok pa 'ko, e. Kayo ba?" wika ko.

"Ay gaga, taga-bayabas lang kami. Hindi naman masyadong kalayuan. So ano? Hala na?" ani Marion.

"Makakatanggi pa ba ako? Oo na, sasabay na..." sambit ko.

"Yes naman," ani Marion. Kinuha na niya ang kaniyang bag at saka tumayo.

"Tara na, baka mainip si Timoteo kakahintay sa atin," aniya at hinila ako palabas ng aming silid.

Ang sarap talaga kapag mayroon kang kaibigan. Thankful ako dahil nakilala ko si Marion na kahit medyo maarte e loka-loka naman pala.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang hindi magtanong kay Marion.

"Paano kayo naging magpinsan ni Timoteo?" bungad ko.

"A, 'yung nanay ko kasi at tatay niya ay magkapatid. Magkababata rin kami niyan. Kahit na makulit at parang magulo 'yon, mabait iyon," pahayag ni Marion.

"Mukha naman talaga siyang mabait pero maloko rin," sambit ko.

"FYI, maloko lang pero hindi manloloko," dagdag ni Marion sabay kindat sa akin.

Napakunot ako ng aking noo dahil tila ba may laman ang tinuran ni Marion. Hindi ko na lamang pinabulaan pa at baka kung anu-ano pa ang masabi niya.

Pagkalabas namin sa aming building, namataan namin ang U4yah na may kasamang apat na babae.

"Hay, landi rito landi roon. Epedemic na yata ang pangangati," sambit ko sa aking isipan.

"Naiinggit talaga ako sa mga babaeng katulad nila, landiin lang ako ni bebe Kairus e masaya na ako," pagsingit ni Marion.

"Gaga ka talaga, mas masarap pa rin sa pakiramdam na mahalin ka ng taong mahal mo. Masasaktan ka lang sa landin-landi katulad niyan," pahayag ko.

"May pinanghuhugutan ka 'te?" ani Marion.

"Tuyot ang lupa, walang mahuhugot," wika ko.

"E 'di diligan," sagot ni Marion.

Nahampas ko siyang bigla sa kaniyang braso dahil sa kagagahang sagot pero mahina lang naman.

"Sadista ka pala, friend. Grabe, a?" aniya habang hinihimas ang kaniyang braso.

"Sorry na, ikaw kasi, e..."

Naglakad lang kami nang tuwid at hindi tumitingin sa mga naglalampungan sa paligid.

"Oh my gash, friend. Humahagod ang pabango ni kras sa aking ilong..." saad ni Marion matapos naming makalagpas kina Kairus.

"Singhutin mo lang para kapag natulog ka mamaya, hindi iyan mawaglit sa iyong isipan," ani ko.

"Ay talaga, nag-stay na ang mabangong amoy na 'yon sa aking ilong," tugon niya.

Habang naglalakad kami palabas ng gate, nagkuwento na naman itong si Marion patungkol kay Kairus.

"Alam mo ba, limang beses na akong nag-send ng friend request kay Kairus pero lagi na lang niyang binubura. Ang sakit sa heart no'n," kuwento niya.

"Kung ayaw niyang tanggapin ang FR mo, hayaan mo na lang. Marami ka pang lalaking makikita sa paligid. Sa ganda mong iyan?" pambobola ko.

"Iyon naman, e. 'Yan tayo, e. Alam ko namang maganda ako pero hindi ako crush ng crush ko..." malumanay niyang sambit. Ramdam ko ang lungkot sa pagkakabigkas niya sa mga katagang iyon kaya hinagod ko ang kaniyang likod.

"Maraming nagmamahal sa iyo, friend. Hindi ka dapat malungkot nang dahil sa lalaki," giit ko.

"Thank you, friend..." Nagyakapan kaming dalawa na tila ba ang drama namin sa moment na 'to.

"Oo nga pala, ano ang pangalan mo sa fb, friend?" tanong niya matapos naming maghiwalay sa pagkakayakap.

"Mori Xette. Kaso, hindi na ako active sa fb, e. Marami akong inaasikaso sa buhay," paliwanag ko.

"Okay lang iyan. Basta, bisita ka minsan sa fb mo kahit twice a week. Add kita mamaya pagkauwi," aniya.

"Sige sige..."

Pagkalabas namin ng gate, bumungad sa amin si Timoteo na nakahalukipkip at tila ba inip na inip habang nakatayo sa tabi ng isang tricycle.

"Ang tagal n'yo naman. Saan ba kayo galing?" bungad nito.

"Sorry na, nasnip. Napasarap lang ang kuwentuhan namin ni Morixette..." sagot ni Marion.

"Gano'n ba? Sige, sakay na kayo."

Tumungo agad si Timoteo sa may tricycle at sumakay roon. Hindi ako makapaniwala na siya ang driver namin.

"Huy, friend, sakay na..." saad ni Marion.

"A, oo..."

Wala na muna akong tanong-tanong kahit na marami akong gustong tanungin sa mga oras na ito. Sumakay na lang ako at saka pinaandar ni Timoteo at aming sasakyan.

No More RhymeWhere stories live. Discover now