ACT 8

121 6 0
                                    

ACT 8:


ME: Wala nang dumaraan. Nagawa na natin ang gusto natin.


ME: Mag-usap na tayo ng maayos. Unang tanong ko sa'yo: Bakit napakahapdi mo sa balat ng puso?


LIFE: Kilala ako ng tao bilang kung paano ako ginawa ng mga taga-nakaraan. Lahat ng simpleng desisyon, lalo na ang mga mali, lahat—pawang nag-ipon-ipon at nabuo bilang isang malaking tipak ng batong kailangang akyatin ng lahat.


ME: Kasalanan namin?


LIFE: Kasalanan mo. Tigilan mo na ang ilusyong 'pag mali ay sa lahat, 'pag tama ay sa iisa.


ME: Oo na. Pero bakit mahapdi ka sa balat ng puso?


LIFE: Parte na 'yan ng buhay. Let me rephrase it: Hanggat nakararamdam ka ng hapdi, buhay ka pa.

Conversation with LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon