ACT 5

151 4 0
                                    

ACT 5:


LIFE: Maiba tayo. Alam mo pa ba 'yung Ebola?


ME: Hmm. Medyo matagal-tagal na rin n'ong huli kong marinig 'yan e.


LIFE: Narinig kita isang beses, nagtataka ka kung bakit nawawala bigla 'yung mga nakakatakot na mga bagay tulad n'on.


ME: Ah. Oo...isang beses.


LIFE: Ganoon lang talaga ako siguro. Mabilis lumipas. Parang 'yung isyu din kay Napoles at kay Binay. May naalala ka bang balitang nagtagal ng isang taon?


ME: Wala. At wala naman akong pakialam kasi sa mga balita, puro patayan lang naman tsaka kasamaan ng tao pinapakita.


LIFE: Exactly. Pati Maguindanao massacre nawala na sa Pop media. Pati ikaw nawalan na ng pakialam, to think na isa ka ring taga-media. Mga kapatiran mo ang pinatay. Ano nang pinagkakaabalahan mo ngayon? Wala. Puro ka si Catherine.


ME: 'Wag mo na lang siguro akong pakialaman. Lubayan mo na ako.


LIFE: Mag-ingat ka sa sinasabi mo. Baka mapabilis natitira mong oras sa mundo.


ME: Heh. May mas bibilis pa ba sa anim na buwan?

Conversation with LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon