ACT 12

68 4 0
                                    

ACT 12:


ME: Hindi ko naman gustong saktan si Catherine.


LIFE: Oo nga. Lahat naman ng manlolokong tulad mo e walang balak saktan ang minamahal nila.


ME: Ginawa ko lang naman yun kasi...!


LIFE: Kasi ano? Tukso? May gusto kang patunayan? Naaatim mo pa talagang magsalita ng ganyan kahit mamamatay ka na? Wala nang silbi ang excuses ngayon.


ME: Nagsisi na 'ko sa ginawa ko.


LIFE: Yeah. Sa pamamagitan ng pagpapakamatay. Matalinong bata. Napatawad ka na rin naman n'ya e, hiniwalayan ka na n'ya, 'di ba?


ME: Ano bang dapat kong gawin noon?


LIFE: Wala nang kwenta ang hindsight ngayon. Well, hindi mo naman na kailangang magpakamatay kasi malapit ka na rin namang mamaalam.


ME: Binalak kong mag-suicide. Palpak. Dinala ako sa ospital para masolusyunan 'tong laslas na 'to sa braso ko. At okay na. Check up na lang bago ako palabasin at iuwi. Ta's, bigla-bigla, may makikita silang bukol sa utak ko?


LIFE: Depressing, huh?


ME: Sobra, hahaha. Nakakatawa.

Conversation with LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon