ACT 14

66 5 0
                                    

ACT 14:


LIFE: Uhm...okay ka lang?


ME: Okay? Tanga ka ba?!


LIFE: Gagamitin mo ba ang huling oras mo para sigawan ako?


ME: Hindi ba pwede? Oras ko 'to! Gagamitin ko 'to sa paraang gusto ko!


LIFE: Well...ayaw kong maging spoiler, pero wala nang kwenta kung sisigawan mo pa ang mawawala na sa'yo.


ME: ...


LIFE: Tapos na breakdown mo?


ME: Minahal n'ya 'ko, 'no?


LIFE: Hindi.


ME: Paano mo ba nasabi?


LIFE: You convinced me. Binalak mo pa nga akong tanggalin sa'yo kasi kumbinsido kang hindi ka n'ya mahal. Flawless din ang logic mo. Ba't ka nga naman n'ya iiwan kung mahal ka talaga n'ya?


ME: Foolish talk. Nakipaghiwalay s'ya sa'kin, oo, pero kitang kita ko 'yung sakit na nakabaon sa mga mata n'ya. Nag-sorry pa s'ya kay Ember sa pagkakasampal n'ya.


LIFE: Yeah. She's strong. Manloloko ka na nga lang, sa kapatid pa n'ya.


ME: Napaka-sweet din n'ya...hu...


LIFE: 'Wag kang umiyak. Huli na ang lahat.


ME: Gusto ko s'yang mayakap.


LIFE: Ha?


ME: Hindi pa naman huli ang lahat. May limang oras pa 'ko mahigit. Kailangan ko s'yang mahanap.


LIFE: Saan mo naman s'ya hahanapin?


ME: Ewan. Basta, hahanapin ko s'ya.


LIFE: Teka, isama mo na 'ko!

Conversation with LifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang