ACT 13

71 4 0
                                    

ACT 13:


ME: ...ah. Naalala ko. Hindi ko pa pala nasasabi kay Catherine na mahal ko s'ya. Naiintindihan ko na tuloy yung frustration nung mga namamatayan. Yung mga nagsasabing dapat hindi pakawalan ang pagkakataong sabihing mahal natin ang mga mahahalaga sa buhay natin.


LIFE: Nasa huli ang pagsisisi, 'no?


ME: Oo nga e. Malapit ko nang pagsisihan ang lahat. Ilang buwan na lang, huli na ang lahat. Gets mo? Haha.


LIFE: Joke ba 'yun?


ME: Teka...yung isa mong petal, nalaglag...


LIFE: Huh?

Hala ka...


ME: Count down ba 'yan? Ilang buwan na lang natitira sa'kin? Anim pa rin ba?


LIFE: Hindi buwan...oras na lang. Anim na oras na lang...


ME: ...joke ba 'yan? Haha...

Huh?


LIFE: Mapagbiro ako...pero hindi pagdating sa kamatayan.

Conversation with LifeWhere stories live. Discover now