ACT 16

81 6 2
                                    

ACT 16:


[Final act]


[Matapos tumakbo kung saan-saan, napadpad si ME pabalik sa bench kung saan nakita niya si LIFE; Isang petal na lang ang nakadikit dito]


ME: Haha. Ang pangit mo.

LIFE: Naka-reflect ako sa buhay mo. Pangit ang buhay mo.

ME: Haay. Akala ko makikita ko ulit s'ya bago man lang ako mamatay. Useless effort.

LIFE: There's no such thing as a useless effort.

ME: Wow, nagiging positibo ka na ngayon.

LIFE: Not really. But when the days go dim at nakikita mo iyon, you tend to be more optimistic than the usual.

ME: Huh? Bakit kung magsalita ka para kang tao?

LIFE: Kung ano ang gusto mo 'kong magin, iyon ako.

ME: Sige nga, maging si Catherine ka nga.

LIFE: May sarili siyang buhay. Hindi ko kayang maging sino mang nabubuhay na.

ME: Ang gulo mo.

LIFE: Sino 'yun?

ME: Nasaan?

LIFE: 'Yung nakatayo lang sa poste.

ME: Ha. Walang useless effort.


[Tumakbo si ME patungo sa babaeng naka-spotlight sa poste]

LIFE: Bilisan mo. Thirty-two seconds na lang.

ME: Catherine!

CATHERINE: S-Sam?! Ano'ng ginagawa mo dito? 'Di ba dapat—

ME: [Yumakap] Sorry, Catherine.

CATHERINE: Ano ba?! Bitawan mo 'ko!

ME: [Bumitaw]

CATHERINE: Bumalik ka na sa ospital. Magpahinga ka.

ME: Mamamatay na 'ko.

CATHERINE: A-ano?! Tumigil ka! Bumalik ka na!

ME: [Lumapit, at yumakap kay CATHERINE]

Mahal na mahal kita.


[Nalaglag na ang huling petal ni LIFE]


CATHERINE: [Tinulak si ME; Nakatulala lang sa nakabagsak na katawan ni ME; Malalim ang hinga. Ilang saglit ng lumipas...]

Sam? [Nilapitan si ME]

Sam? [Hinawakan ang pisngi ni ME]

S-Sam? [Nanginginig ang labi ni CATHERINE, pinapasadahan ng tingin ang mukha ni ME.]

Sam! [Binuhat niya si ME at naglakad sa pinakamabilis na kaya niya]

'Wag kang bibitaw, Sam.

[Nakitaa siya ng ibang nagja-jogging at tinulungan siya. Ginawa nilang lahat para mas mapabilis ang pagbalik ni ME sa ospital, at ginawa lahat ng mga doktor aat nars ang makakaya nila. Pero, huli na ang lahat.]


~END~

Conversation with LifeWhere stories live. Discover now