i. the daredevil

411 10 0
                                    

i. the daredevil

Flash report: 4th year college student ng Cassiopeia University, natagpuang patay. Suspek, hindi pa rin nahahanap.


Bigla akong kinilabutan habang nililigpit ang mga nagkalat na manila paper sa lamesa. Hindi ko alam kung anong mas nakakakaba. Yung may namatay o yung hindi pa nahahanap ang suspek. At kung di ako minamalas, sa Cassiopeia University lang naman ako nag-aaral. Partida, malapit na ang alas otso ng gabi. Ito na ang pang pitong krimenna naganap sa school. Mayroong two choices. It's either mabubuhay ka pero baliw ka na or worse, you'll end up dead and missing.


"Pakshet. Kailangan ko nang magmadali" Slinide ko papasok ng bag ang isang brown envelope. "Baka ma-aksidente pa ako nito jusko"


Pagkalabas ko ng hallway, nagmistulang isang horror movie ang buong school. Madilim. Tas umaambon pa sa labas. At yung hangin, malakas. Sobrang lakas. I cringed when I felt the wind on my skin. Putspa naman. Bakit ba kasi ngayon pa akong maraming gagawin? Naman.


"Keep calm and pray, Kaye. Keep calm and-puta!" May narinig akong nagbukas at nagsara ng pintuan. Shit. Nahulog sa sahig lahat ng dala ko. Nagmamadali akong pinulot ang mga iyon. "Isa na lang" Saktong pagkaabot ko sa isang papel, may ilaw na tumama sa mukha ko. "Tangina!"


"Hoy, ba't ka nagmumura dyan?" Maygahd. Si manong guard lang pala. "Gabi na ah. Ba't andito ka pa? Isasara ko na sana yung gate eh"


Dumoble ang kaba ko. Edi kaunting push na lang pala at magsosolo camping na dapat ako sa school. Malaman ko lang na mag-isa na lang pala ako dito, kusang nag-aappear ang mga krimen na nangyari sa school. May ni-rape. May nilambitin sa leeg. May kinuryente. At hinding-hindi mawawala ang pinaka-karumal dumal na krimen sa lahat, massacre. Isa't kalahating buwang nasuspend ang klase dahil doon. What's worse is never nahanap ang mastermind. Whoever that person is, isa syang bloody genius.


"Nako, manong! Buti naman at naisip mong mag-ronda. Hay, I owe you my life. Aatakihin ako sa puso dito"


Buti na lang may flashlight si manong. Kahit papaano, lumiliwanag at nababawasan ang takot ko. Pano kung nandito pa rin ang killer? Pano kung binabantayan nya na pala ang bawat kilos namin ni manong? Pano kung si manong ang killer? Napailing ako bigla. Ano ba. Magpasalamat ka na nga lang kay manong at naligtas ka nya sa nag-aambang 10 hours of darkness dito.


"Gabi-gabi kayong dalawa na lang parati ang huling umaalis. Nako, pag nadisgrasya kayo, ako ang mananagot!" Kami? May isa pa?


"Sino naman yun, manong?"


"Ayewan ko! Basta yung mukhang masungit tas parang galit sa mundo"


Huh? Sino naman yun?


"Osya, uwi ka na agad naiintindihan mo? Wag kang lalapit sa ibang tao. Tas kung meron mang lalapit, sigaw ka agad. Nako, graduating ka pa man din"


Kakilig naman tong si manong. Masyadong concerned. Pero nang matanaw ko yung gate, mas ginusto ko na lang magstay dito sa school. Malapit-lapit lang ang bahay ko kaya nilalakad ko na lang. Paminsan may tricycle. Pero madalas wala. Define kamalasan. Kaye Aguilar.

Ace (Short Story)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang