v. meeting death

230 13 3
                                    

Friday pala ngayon hindi ko napansin. HAHAHA.

*~*~*~*~*~*~*~*~

v. meeting death


Naputol agad ang tawag. I stared at my phone na lumanding sa floor. Boses ni Papa yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Just what the hell is happening?! Bakit umikot na lahat ng mga huling biktima sa akin? Puta. Nabasa ko lang yung tungkol sa the 13th curse na yan tapos ngayon ako na ang naging bida sa lecheng serial murder na to?!


I picked up my phone and dialed the same number that texted me. Iba na to. Ibang iba na.


09166673666

who the fuck are you?


Ilang segundo after magsend ng message, tumunog ulit ang phone ko. He was waiting for my text.


09166673666

you know who i am.


There's only one name that popped on my head. Ace Abelardo. Ano bang ginawa ko sa taong yun at ang laki ng galit sa akin? Yung totoo. Ni halos hindi ko sya nakausap sa apat na taon ko sa college tapos ngayon idadamay nya pa ako sa stupid 13th curse na yan na hindi ko alam kung talagang nag-eexist! I mean, come on. It looks like it came right out of a myth!


Mas umingay sa baba kesa sa dati. I guess they already know what happened to that. Nakarinig pa ako ng gunshot bago mamatay. He killed my father the same way he did to my sister. Sinungaling. May pa-it's not me it's not me pang nalalaman! Oo nga naman. Ano bang ineexpect ko? Magsasabi sya ng totoo? 


He's a goddamn killer and people like him always lie. I have to admit, Ace can mess your mind like a deadly virus. And I have to win before it consumes me. Before I turn into someone like him.


Nag-ayos muna ako ng sarili and slid the brown envelope sa isang shoulder bag na kulay itim. Sumilip ako sa pintuan. Nagtataka ako kung bakit ang dilim at halos walang tao. May mga yabag namang maririnig sa ibang part ng bahay pero dito sa mismong center stairs, eh wala talaga. Weird. Asan yung mga maskuladong bodyguard na nakabantay sa akin kanina?


Anyway, I took this chance to escape. Isang lugar lang ang naiisip ko na pwedeng puntahan. Cassiopeia University. Yung sixth sense ko na ang sasabing kapag pumunta ako dun, magkakaroon na ng sagot ang lahat ng katanungan ko. I don't want to waste time. Kung totoong 13 na tao ang kailangang patayin, pang-eleven na si Papa. Dalawang tao na lang. At paniguradong isa na ako dun.


Ginagawa ko ang lahat ng pwedeng gawin para hindi makagawa ng kahit anong ingay. I wore all black. Nag-mukha tuloy akong secret agent na tumutugis sa isang drug lord. Maliit na butas lang ang kailangan ko para makalas ng pintuan. I took a peek. Kung madilim sa loob, mas lalo na sa labas. Mahamog pa. God. Sa dinadami pa ng pwedeng setting, talagang yung tipong may lalabas na killer out of nowhere?


I shook off my fear. Ako lang ang may karapatang tumalo kay Ace. I won't rest until I see him behind the rails and strapped in a straitjacket. Or better, I want to see him dead.

Ace (Short Story)Where stories live. Discover now