iv. the past and the present

236 13 6
                                    

Napost ko na yung 'imaginary character' nina Ace at Spade. Back read na lang kayo sa chapter 1 at chapter 3 :) I'll leave Kaye to your imagination.

Taeyong (of SM ROOKIES) - Ace Abelardo

Jaejoong - Spade Abelardo

*~*~*~*~*~*~

iv. the past and the present

Mag-iisang linggo na akong hindi pumapasok sa school. Andito ako ngayon sa bahay ni Papa. Siya mismo ang sumundo sa akin nang malaman niyang nag-stastay ako kila Lola. Kumpara naman sa social standing ko, mas mayaman si Papa. May mga CCTV siya sa bahay, sinusuguradong hindi na siya mawawalan ng isa pang anak.

Si Mama hindi nakauwi para makiramay sa libing ni Faye. Si Papa, ni sinag ng araw hindi niya hinahayaang matamaan ako. As in lahat ng kurtina nakasara. Tapos ginawa pang bulletproof yung bintana sa kwarto ko. 

"Goodmorning, Kaye" Bati sa akin ni Papa. 

Hindi naman siya sobrang yaman. Businessman kasi kaya kahit papaano, may pera si Papa. And trust me, basta para sa mga anak nya, he's willing to spend no matter how much. Lalo na nang makarating ang nangyari kay Faye. He was devastated. Gusto nga nyang i-demanda ang school ko dahil sa lack of security. Kung hindi ko siguro pinigilan, baka nasa Supreme Court na ako ngayon.

"Goodmorning din po" I smiled.

Umupo ako sa tabi nya at sinabayan siyang kumain. Nakakayamot din pa lang hindi ka pwedeng maglakad man lang kahit saglit sa labas. Pano pa kaya kung ikwekwento ko ang tungkol kay Ace? Baka on the spot, idedemanda nya ang pamilyang Abelardo.

Speaking of the devil, hindi na nya ako tinetext at hindi ko rin nararamdaman ang presensya nya sa social media. Kapag napipicture ko siya sa utak ko, automatic na nagdidilim ang lahat. Kusang nag-dridrift ang thoughts ko sa pinakamadilim na parte ng utak ko.

Gusto niya makipaglaro diba? He said he wants to gamble. Then fine, I'll gamble everything I have.

"Pa, pwede ba akong lumabas ngayon? May gusto kasi akong bilhin sa National..." Bungad ko at napatigil si Papa sa pagkain.

"Anak, isang linggo pa lang ang nakakalipas. Who knows kung hinahanap ka ng taong pumatay sa kapatid mo? I can't risk your safety" 

"Pa, 8 kilometers away ako sa school. Okay lang ako"

"Karlandra Reverie, this topic is not open to discussion. You will stay here hangga't hindi ko pa sinasabing pwede kang lumabas. Naiintindihan mo?" 

I pouted. Ang hirap talaga pilitin kapag ayaw ng tao. I finished my meal faster than my dad. May pasok siya kaya maya-maya lang eh umalis na din. Kung tatanggalin mo lahat ng katulong at security guards, ako na lang ang matitira sa bahay. Saya diba?

Gusto ko nang umalis sa lugar na to. I can't do anything if I stay here. Wala akong malalaman and I won't be a step closer in finding justice. Walang magagawa ang mga police. Biruin mo, sampu na ang namamatay but they still don't have a damn idea about anything?

Ace (Short Story)Where stories live. Discover now