ii. a gamble

321 12 0
                                    

ii. a gamble

"'Nak, ayos ka lang?"

Nabigla ako sa boses ni Mama. Pagkatusok ko tuloy sa manok, tumalsik sya palabas ng pinggan. I sighed. Wala akong gana kumain. Pero mas lalong ayokong pumasok. Hinawakan ni Mama ang isa kong kamay. She smiled at me.

"Kung may problema ka, wag kang mahiyang sabihin sa akin, okay?"

Gusto kong sabihin. Gustong-gusto ko. Iniisip ko din kung ano ang pwedeng mangyari kapag may sinabihan ako. He fucking knows my number. Hindi ko sya ka-close! How on earth would he know? Baka pati address ng bahay ko eh alam nya rin. I can't just say everything that I want. I have to think. 

"Medyo stressed lang po kasi sa school, Ma" I gave a weak smile.

Effective naman ang pag-iinarte ko dahil hinayaan nya lang akong umalis ng bahay at pinabaunan na lang ng tuna sandwich. Habang naglalakad ako papuntang school, naalala ko lahat ng nangyari kagabi. Kinikilabutan pa rin ako. Noong una, akala ko trip trip lang but after what happened, mukhang hindi. Mukhang seryoso sya.

"Shit talaga kapag makakasalubong ko sya ngayong umaga" 

Tumayo ako sa harapan ng stoplight. Hinga ulit ng malalim. Pagkatingala ko, napahawak agad ako sa pole. I saw Ace Abelardo. Punong-puno ng dugo hanggang sa sapatos. May hawak na kutsilyo sa isang kamay at naka-ngisi. Bumilis ang aking heart beat. Kinusot ko agad ang mga mata ko.

Wala na sya. Shit. Ang aga-aga ko naman mag-daydream. At yun pa ang na-imagine ko! Tumawid na ako agad kahit red light pa. Wala namang masyadong sasakyan eh. Times three na ang bilis ng lakad na ginagawa ko. Yung mga nag-uusap na mga ka-schoolmate ko eh nilalagpasan ko na lang at napapatingin sila sa akin.

 "Oh, Kaye!" 

Malayo pa lang ako kinakawayan na ako ni manong guard. I waved back. Lumapit ako sa kanya at parang tangang palingon-lingon sa likod. God, I'm so paranoid. Tinitigan ako ni manong. Umiling na lang ako. Baka madamay pa sya dito.

Dumiretso ako agad sa klase. Medyo marami-rami na rin ang nasa loob. Si Ace pa ang una kong hinanap habang naglalakad papalapit sa attendance sheet sa harapan. Nabangga ko pa ang isa kong kaklase. Inarapan lang nya ako. I looked for my name and signed beside it.

Dun ako umupo sa bandang gitna. Kung sakali mang tatabihan nya ako, wala syang pwedeng gawin. Marami ang makakakita at marami ang makakapansin. Tama, yun na lang ang gagawin ko. Sumalpak ako dun sa pwesto na kitang-kita ng prof. Kinuha ko agad ang phone ko. Walang text o tawag.

Malapit-lapit na ang klase. Wala pang sign na nandito sya. Napa-sign of the cross tuloy ako dito. Sinubsob ko pa ang mukha ko sa armchair. Please, wag syang pumasok. May naramdaman akong malamig sa batok ko. Napaupo ako nang maayos. Tangina, end of the world na ba?

Ramdam na ramdam ko ang isang nakamamatay sa presensya sa likuran ko. May lumitaw na kamay sa right side na may hawak na coke. Hindi ako kumibo. And what he did made things worse. Lumipat sya ng upuan. This time, sa tabi ko na mismo. Nilapag nya yung coke sa desk ko.

Ace (Short Story)Where stories live. Discover now