postlude

346 14 9
                                    

postlude

Ang dilim. Yun ang tanging naka-register sa utak ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pagkatapos ng nangyari. Pero damang-dama ko pa rin ang lakas ng impact matapos akong itulak ni Julius. Change of plans? Anong ibig sabihin nun? Si Ace ang plano nyang patayin?

I can feel and hear my own heartbeat. Ibig sabihin, nabuhay ako. Nabuhay ako kahit tadtad ng bugbog ang katawan ko at maraming tama sa katawan. Hindi ako sigurado kung dapat ba akong matuwa na nabuhay ako. O malungkot dahil alam kong wala na akong babalikan.

The moment I knew who my father really is, nag-iba na ang tingin ko sa buong mundo. Para bang walang kwenta ang dalawampung taon kong existence lalo na't puro kasinungalingan lang naman ang alam ko.

"Diyos ko! Gumigising na sya!" I heard someone screaming.

Sino yun? Hindi ako pamilyar sa boses. "Doc! Doc! Gumigising na sya!" 

Nayayanig ang lupa at mas lalong dumami ang naririnig kong ingay. Unti-unting napapawi ang dilim na nakabalot sa akin. Isang nakakabulag na liwanag ang sumalubong sa akin. Napapikit ako nang ilang ulit bago tuluyang mag-adjust ang mga mata ko.

Tumingin ako sa kaliwa't kanan. Puro kulay puti. Mayroon ding mga taong may puting maskara sa mukha. Ace... Bigla akong nagka-adrenaline rush. Si Ace! Mabilis akong napabangon at may ilang pares ng kamay ang humawak sa akin.

"Miss Aguilar! Kumalma po kayo!" Sigaw ng isa sa mga humawak sa akin.

"Asan ako?! Sino kayo?!" Sigaw ko rin habang nagpupumiglas.

Bumukas ang pintuan at napatingin ako kung sino ang pumasok. My eyes grew wide. Isang lalakeng matangkad at naka-tuxedo ang dumating. At first glance, akala ko si Sir Spade pero naalala kong... wala na pala sya.

"Miss Karlandra Aguilar" Tawag nya sa akin.

Tumigil ako sa pagpupumiglas kaya binitawan na rin ng mga taong nakahawak sa akin. Sumenyas yung naka-tuxedo na lumabas sila. Maya-maya lang, kaming dalawa na lang ang natira sa loob. Umupo sya sa tabi ko. 

"I knew you'll stop when you see me" Ngumiti sya. Ngayon naman kahawig nya si Ace. "Nikolai Sandoval. Pinsan ni Ace at Spade Abelardo" 

Inexted nya ang isang kamay sa akin. Tinitigan ko lang sya. "Anong kailangan nyo sa akin?"

He stopped for a couple of seconds. Umubo sya bago magsalita, "Your father is dead. May dalawang tama ng baril. Isa sa dibdib at isa sa ulo. Basically, since you're his only daughter, sayo mapupunta lahat ng kayamanan nya. Particularly, Cassiopeia University"

May emphasis ang pagbanggit nya sa university na para bang alam ko na ang gusto nyang sabihin. Marami syang nilabas na papel at nilapag ito malapit sa akin. "When Spade died, sa akin napunta ang case na to. I'm here for one thing only" Nilabas nya ang isang papel. "This is the will of the school. Asa iyong kamay kung ano ang gagawin dito"

"Burn it" Walang pag-dadalawang isip kong sagot. Napakurap pa sya sa sinabi ko but he still managed to smile. "Burn the entire school to the ground. Tapos hukayin nyo para masiguradong walang matitira sa ilalim ng lupa"

"Sigurado ka ba? After all, you stayed in this university for four years" 

Isa-isang lumitaw ang mga taong namatay nang dahil sa Carnage Festival. Alam kong tama ang ginagawa ko. I know that one day magkakaroon ng descendant na possibleng may sakit rin sa utak but before that, gusto kong mawala na ang lahat ng bagay na konektado sa festival. I want that person to be properly treated. 

Ace (Short Story)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang