Chapter 06 - Awkward Ride (March 15, 2015)

12K 345 23
                                    


Hindi ko ma-absorb ang mga nangyayari. Maraming camera ang nakatutok mula sa nakapaligid na mga tao sa activity area, maging sa mga ibang floor.

Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Si Hunter— who looked really different today compared to his usual stance most days. He almost felt familiar, even just the concern in his eyes. Para akong nababaliw sa dami ng emosyon na hindi ko kayang iproseso ngayon ng sabay-sabay.

Dahil mayroong patay sa likod ko.

Naglakad lang kami palayo as he ushered me towards the seats on the side and allowed me to breathe.

Isang lalaki ang tumalon sa pinakataas na floor ng mall na ito at muntik na kaming tamaan.

No.

Ako lang ang muntik, dahil sa pag-iwas sa'kin ng lalaking ito sa'kin. Pero si Oliver. Oh my Olaf, he didn't get so lucky. Natamaan siya sa balikat. Kasalukuyan siyang inilalagay sa stretcher ng emergency response team habang ako ay nako-konsensya ngayon dahil hindi ko man lang siya maasikaso.

"Your friend's going to be fine. Maraming umaalalay sa kanya so you don't need to be there. The rescuers are doing their best." Sagot niya na parang nababasa 'yung utak ko.

"How?"

"Huh?" Nagulat siya sa tanong ko. Dahil sa lahat-lahat ng tumatakbo sa utak ko, ito pa talaga ang lumabas sa bibig ko.

"Paano?!"

"Anong paano?" He looks as confused as I am.

Umiling na lang ako nang salubungin ko ang titig niya.

Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin o itatanong ko sa kanya. I remember him calling my name, moments before the man jumped. Ginala ko pa ang paningin ko eh, pero wala akong nakitang papatalon sa itaas namin. Kaya imposibleng siya pa ang makakakita nito when I knew for a fact that the wall climbing corner is an another blind spot from the railings. Nasa sulok sila eh. He can't even see what's above us.

But I don't know. The sequence of events kind of blurred on my mind. Nalilito na ako kung ano na ba ang nauna. Gusto kong tanungin si Hunter ng sangkatutak na bakit, paano, at ano. But I know it's rude to question your savior. Dahil alam ko na sa mismong puwesto ko bumagsak ang lalaki na naging dahilan ng pagkaputol ng ulo niya. I can't even imagine the impact. Baka kung sakali, dalawang ulo ang gumulong doon kasama na ang akin.

"Relax, Sari. You're shaking." He draped a jacket over my shoulder. Doon ko lang na-realize na nanginginig nga ako.

Shit.

I really need to calm the fvck down.

Ayokong mamatay ngayon.

I gripped his hand tighter like it was the only support that I needed. The only support that mattered. Putangina. Bakit kailangang mangyari sa'kin 'to?!

"Hi, madam, I am Helen Magnaye... Nasaktan ka ba..."

Nagpakilala sa'kin ang first-aider pero halos hindi ko siya maintindihan. I continued focusing on trying to get a grip on my senses. At habang hindi ako makapagsalita, si Hunter ang naging proxy ko sa pagsagot sa mga tanong.

"She's fine. She's just in a state of shock."

"Kayo sir, hindi ba kayo nasaktan?"

"We're fine. Pero susunod kami sa hospital kung saan dadalhin si?" He looked at me asking to finish his sentence.

"Oliver. Oliver Quiambao." Sagot ko.

Hindi niya alam pangalan ni Olaf. Which brings me back to my questions? Paano niya ba ako nakilala. Bakit niya alam pangalan ko? Why are we like this?

"Yes. We'll follow her friend Oliver." Segunda ni Hunter almost distancing himself from us like a third person. I'm so confused. "Saang ospital ididiretso?"

"Ricardo Fulgencio General Hospital, sir."

I know that hospital. Palagi akong nagpupunta doon. In fact, kahit mahirap mapuntahan 'yun kapag magko-commute, kayang-kaya kong sumunod kahit nakapikit. Pero hindi ko alam, at that moment kung bakit hindi pa rin ako makagalaw.

Iniligpit na ng first-aider ang gamit niya habang binubulungan ni Hunter. God. Habang naglalakad palayo ang first-aider, dahan-dahang binibitiwan ang kamay ko.

"Wait lang Sari, ha?" He said while plucking my fingers out of his hand. One by one.

Shit.

Nakahawak pa rin ako sa kamay niya?! Ganito na ba ako ka-clingy?! Shit. Shit! At sa taong hindi ko naman talaga kilala. I abruptly when I realized what I have been doing

Napayuko na lang ako habang inaantay na mag-usap ang dalawa. Nakakahiya, parang hindi na ako makakatingin sa kanya 'pagbalik niya. I just clasped my handa together as I try to dismiss the fact that a lot of people are looking at me now.

Niyakap ko na lang ang sarili ko as I pray for Oliver. Jusko alam ko naman na hindi ganoon kasama ang lagay niya because he still can smile. But still. The fact that a man landed on him and died? Nakakakilabot!

Tumayo na ako nang makita kong pabalik na si Hunter. Itatanong ko sana sa kanya kung paano kami susunod sa ospital, pero natahimik na naman ako when I felt his fingers, once again, in between mine.

Hinila niya ako palabas ng mall, papunta sa parking kung saan iniharap niya ako sa isang puting kotse. Oh this famous white car na kung tawagin ng mga babae ay white horse.

Suddenly, I remember the rumors. Kahit daw kasi kalagitnaan ng araw — kahit tanghaling tapat— nakikita daw palaging umaalog at yumuyugyog ang kotseng ito. Pagtapos ng ilang sandali, pawisang lalabas ang isang babae.

Hindi ko pa ito nakita ng personal, but the thought is enough to make me shiver. Bigla akong naging conscious sa pagkakahawak ng mga kamay namin.

"Halika na." Aniya nang mapansing napahinto ako sa labas ng kotse niya.

"Why are you doing this?" Finally, I was able to completely ask the magic question.

"You know what, Sari, one rule when we're together, is to never ask me questions. Okay?" Aniya habang tinutulak ako papasok ng sasakyan.

I felt offended. Bakit bawal tanungin?

And bold of him to assume that we're still gonna be together in the future.

But despite my antagonism, hindi pa rin ako nakaangal. I wasn't able to voice it out. Define passive-aggressiveness. Bakit ba minsan hindi natin kayang sabihin ang mga angal natin? Tapos 'pag tayo na lang mag-isa, angal tayo ng angal?

I just tried to look into him. Sinalubong ko 'yung tingin niya. I didn't realize his eyes were of gray. Really gray.

"Seatbelt." Utos niya nang makaupo sa driver's seat and I could've sworn, this will be the most awkward ride ever.

"Seatbelt nga sabi, eh!" Ulit niya nang bumagal ako gumalaw.

Nanginginig na kinuha ko ang seatbelt, grateful that he didn't put it on for me.

"You're gonna be okay, Sana." Hunter muttered under his breath na halos hindi ko na madinig.

Damn.

Did he just say Sana?

*later*

_______

Don't look for H's POV yet. This book can stand on its own for now. I will upload Hunter's Tale again on the other account once I finished editing it. It might be migrated on this account, too, if it felt right already.

Sobrang dami kasing spoilers lang, kung isa kayo sa mga nakabasa noon before, so I'll prolly not gonna upload that anytime soon bec it will explain a lot of things.

Tapos, I'm updating this with "Will You Still Love Me Tomorrow?" which is in 3rd person POV, while this is written in 1st person, so if ever we mix the voices up, please please tell us via comments or you can dm or something!

Thanks,

FG

Next Chapter: Chapter 08 - Boyfriend

Yours (On Hold - Revamping)Where stories live. Discover now