Chapter 20 - Surprise (November 10, 2016)

6.9K 255 58
                                    

Dinidiligan ko 'yung ibang mga halaman ko sa likod-bahay nang sumigaw si auntie Dory.

"Sana!"

Shit. Nagpapakuha nga pala si auntie ng tanglad. Ikukuha ko na sana siya sa mga tanglad na tanim ko kaso bigla kong naalala na hindi ko pa pala nadidiigan tapos ayun, bigla ng nag-iba 'yung ginagawa ko at tuluyan ko ng nakalimutan 'yung inuutos sa'kin.

"'Eto na po!" Sigaw ka bago mabilis na pumutol ng tatlong dahon at tumakbo pabalik ng bahay.

Nagluluto na si Auntie Dory sa kusina at agad kong ibinigay ang tanglad.

"Ito na po."

"Ano 'to?" Tinitigan ni auntie 'yung binigay ko. Tumaas tuloy kilay ko dahil hindi ko maintindihan kung hindi niya lang talaga ma-recognize 'yung binigay ko sa kanya o kinukwestiyon niya bakit ko binigay 'yun.

Malamang, eh humingi siya kanina.

Kaso kanina pa 'yun. Feel na feel ko pa 'yung pagdidilig sa likod eh.

"Ah. Hindi ko na kailangan nito. Chicken na daw gusto ng mga pinsan mo. Kaya nagprito na lang ako ng manok." Tumingin siya sa mga anak niya na lahat hawak ang cellphone habang nakaupo lang sa sala.

Nakarinig ako ng katok.

"Ay! 'Yun pala. Tinatawag kita kasi, may kumakatok."

Gusto kong magdabog.

Ang dami-daming tao eh. Mas malapit pa sila sa pinto kaysa sa'kin. Pero ako pa talaga 'yung uutusan? Hindi naman sa nagrereklamo ako na sumunod ng utos. Ang akin lang eh nakakahiya naman sa kumakatok.

Jusko naman!

Kaya imbes na sumagot pa, I just saved my time and run towards the door.

"Sandali lang!"

Pero paglapit ko sa pinto, bigla akong natigilan. Sino pa ba ang kumakatok sa pinto ngayon? Lahat ng mga kaibigan nitong mga pinsan ko, basta-basta na lang pumapasok sa loob ah. Kahit nga si Oliver, nagtetext na lang para labasin ko siya. So ano 'to? Census? Nagaalok ng insurance?

O baka naman...

Hindi-hindi... Umiling ako.

I don't know why Hunter's face flashed into my mind.

Naguluhan tuloy ako sa sarili ko. Siguro nagaalala lang ako kay Minelli.

Kumatok na naman ang nasa labas kaya sumigaw na naman si auntie Dory.

"Ano? Sana, 'di mo pa rin bubuksan pinto?"

"Eto na nga po..." I whispered habang dahan-dahan kong binuksan ang pinto, it creaked so much na parang nasa horror movie ako.

"Olaf?!"

It's Oliver. He's in crutches.

"Were you disappointed?"

"No, no! Of course not!"

Na-concious tuloy ako sa mukha. Mukha ba akong disappointed?

"Nakalabas ka na pala! Hi, tita!" Bati ko kay tita Jessa Dora na nandoon din pala. "Bakit hindi kayo kumatok? Bakit kayo nandito? Dapat tita sinabihan mo ako na lalabas na pala 'tong makulit na 'to."

"Sino 'yan?!" Narinig kong sigaw ni auntie Dory mula sa loob 'nung tumambay na lang ako sa pintuan.

"Si tita Jessa po. At si Oliver. Saglit lang po auntie ah." Agad kong sinara ang pinto.

Nakakalungkot lang din na nakalabas na si Olaf lahat-lahat sa ospital, ni hindi man lang nila nalaman na kami 'yung nasangkot sa aksidente sa East Mall. So instead of retelling an impasse, pinili ko na lang din manahimik tulad ng dati. Dahil sa pagkakakilala ko kila auntie Dory, ako lang din naman ang mapapagalitan kahit na wala akong kasalanan.

Yours (On Hold - Revamping)Where stories live. Discover now