Chapter 12 - Grey (July 02, 2015)

12.8K 396 121
                                    

Shit. Shit.

Alam mo 'yung naalimpungatan ka tapos may nagawa ka na hindi mo namamalayan? 'Etong 'eto 'yun!

Yakap-yakap ko siya at kanina ko pa siya gustong butiwan. Pero wala na siguro akong mukhang maihaharap kapag ginawa ko 'yun. Kaya heto ako, parang tukong nakakapit sa leeg niya.

"Sarina." He whispered my name. Naramdaman ko tuloy ang mainit na hangin sa leeg ko which almost gave me the shivers.

Agad tuloy akong napabitaw.

And there. He gave me the most smug face I've ever seen.

I wanted to run. I wanted the earth to swallow me, pero nanatili akong nakapako sa kinatatayuan ko, halos hindi makatingin.

Wag kang magtanong... Wag kang magtanong kung bakit ko ginawa 'yon dahil hindi ko rin alam...

Parang gago kasi 'yung panaginip. Sobrang walang logic. Doon kasi, parang may concern ako sa kanya. Kahit sa totoong buhay naman, alam kong wala kaming pakialam sa isa't-isa. I know he saved me, pero hindi sapat para sobrang G na G ako na yakapin siya dahil lang namatay siya sa panaginip ko?!

My God Sarina ano bang tumatakbo sa isip mo.

May mga bagay kasi na parang makatotohanan sa panaginip while you're experiencing it. 'Yung kahit nga bigla-bigla na lang nagbabago 'yung lugar o 'yung taong katabi mo, okay lang kasi panaginip lang 'yun. And in your dreams, when you're not lucid, you don't question how and why it happened. Because it just did.

"Uhm... uhm..." I was the one who broke the silence.

But I noticed, he wasn't even paying attention to me. Na parang nabasa niya ang utak ko at hindi nagtanong. He is in fact, feeding the stray dogs.

Ghad.

And with the amount of scraps, parang kanina pa kumakain ang mga aso.

Dito lang talaga parang nagising. Hindi kaya nandito lang siya para magpakain ng stray dogs? I checked the surroundings. Baka naman kasi organization pala ito ng mga nagaalaga sa mga aspin? 'Yung parang nakikita ko sa youtube na nagse-save ng mga abandoned animals? Baka marami pala sila dito at nagkataon lang na dito natapat ang isang ito.

Bakit ba kasi bigla na lang akong tumakbo tapos niyakap ko agad siya?! 'Ni hindi ko kinonsider na hindi naman talaga kami magkakilala at hindi close para magbisitahan sa bahay. Pero bakit kasi nandito siya!? Bakit dito pa sa tapat namin.

"Saglit lang." Aniya bago pa ako maglakad ng dahan-dahan palayo.

"H-ha?"

"Yayakap-yakap ka tapos aalis ka agad!"

I felt my head swell with heat and embarrassment. What comeback can I possibly say after this?

Pero parang tanga, nagantay pa rin ako habang tinatapos niya ang pagpapakain aso. May kinuha pa siyang maliit na lalagyan sa kotse niya at malaking galon ng tubig, para painumin din ang mga ito.

Suddenly, I recognized one of the dogs. 'Yun 'yung humabol sa'kin 'nung bata pa lang ako, 'nung bago pa lang ako dito kila tita. Si Boy Bawang! Sobrang tapang nitong asong 'to ah! At ngayong tumanda-tanda lang kaya medyo huminahina at hindi na nanghahabol.

Matagal na kaya niya pinapakain 'tong mga aso dito sa'min?

Maya-maya'y na-hugas din siya ng kamay mula sa tubig na dalda-dala bago humarap sa'kin.

"So?"

"A-anong so?"

Hindi ko alam kung paano ko pa rin nagagawang tumayo dito kahit gustong-gusto ko nang bumalik sa loob.

Yours (On Hold - Revamping)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon