Chapter 1:SIMULA

123 5 0
                                    

Bulak/Vivian's Pov


  "Are you that desperate that you attempt to drown yourself?!!"

Para akong napipi sa gulat dahil sa lalaking galit na galit ngayon,dagdag pa ang kakaiba nyang damit na bago sa aking paningin.

Ang naaalala ko lang ay nagpakamatay ako sapagkat nais akong ipakasal ni ama sa lalaking hindi ko mahal.

"S-sino k...ka?"hindi man lang ako makabigkas ng matino dahil narin sa nerbyos at sa ekspresyon ng lalaking galit ngayon na mukhang papatay na ng tao,mas nagulantang ang buong sistema ko nang hilahin niya ako patayo na halos ikasubsob ko sa dibdib nito

"Stop acting!!this is what you want right?!to get my attention!ilang beses mo na itong ginawa Vivian!no matter how many times you would beg me to f*ck you,i WON'T-"lumalabas ang litid ng ugat sa leeg nya tanda ng matinding galit

Tinitiis ko na lamang ang sobrang higpit nyang pagkakahawak sa palapulsuhan ko

"S-sandali lang ginoo!maaari mo bang alisin ang pagkakahawak sa akin?hindi ko naiintindihan kung bakit sobra ang iyong galit.Dahil sa pagkakaalam ko ay wala akong masamang ginawa at h-hindi kita kilala"

Tinignan nya ako na puno ng pagtataka at kalaunan naman ay biglang tumawa ng malakas

"I've change my mind b*tch,i'll play your games then"pagkatapos nyang banggitin ang katagang iyon ay marahas nya akong hinila at naramdaman ko nalang na mapusok nya akong hinahalikan,yung tipong nakakasakit ang bawat pagkagat nya sa aking labi,ginamit ko ang buong lakas ko upang makalayo sakanya pero pinipigilan nya ako

Isang malakas na sampal ang ginawa ko dahilan ng pagkatigil niya

"Anong karapatan mong halikan ako?!isa kang pangahas!"

"That's what you want first of all!are you playing with me?!"

Tuluyan nang nandilim ang paningin ko,nalilito ako kung nasaan ako at sino ang lalaking nagnakaw ng unang halik ko,hindi ko alam kung bakit ako nabuhay pang muli dahil mukhang sa buhay kong ito magdudusa na naman ako









NAKARAAN---



MULA sa pinagtataguan kong malaking punong mangga ay narinig ko ang mga boses ng tauhan ni ama,siguradong mapaparusahan ako sa pagtakas ko subalit hindi na ako natatakot,ngayon ko mismo pinaplano ang kamatayan ko


"Talasan ninyo ang mga mata nyo!siguradong nasa paligid lang ang binibini!"sinilip ko sila sa hindi kalayuan,marami sila at siguradong kapag nahanap nila ako ay ipapakasal na kaagad ako,humigpit ang pagkakahawak ko sa isang patalim na lihim kong kinuha galing sa isa sa aming tauhan bago mariin na pumikit

'Oras na mamamatay na ako hindi na ako mapipilitang pakisamahan ang lalaking hindi ko mahal'

"Bilisan ninyo ang inyong mga kilos kung hindi ay tayo ang mapaparusahan!!"

Mabigat ang aking bawat paghinga at ilang segundo pa ag buong lakas ko itong ibinaon ang matulis na punyal sa aking dibdib

"P-patawad ma-mahal k..ko"tuluyan na akong nawalan ng lakas habang iniinda ang sobrang sakit na nararamdaman at ramdam ko rin ang masaganang pag-agos ng dugo

"Ang binibini!!!tulong!nagpakamatay ang binibini!"iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang nandilim ang aking pananaw






KASALUKUYAN---




"EMMANUEL!!"malakas ang kabog ng dibdib ko habang inaaninag ang paligid

Isang kakaibang silid na kulay puti at bago rin sa aking paningin ang kakaibang kagamitan na nakikita ko sa paligid,malayong-malayo ito sa nakasanayan ko.

"Unica hija!thanks god gising ka na"napunta ang tingin ko sa umiiyak na babae na bigla nalang yumakap sa akin"tawagin mo agad si doc. Gardona,faster Edna!"
Tarantang lumabas ng silid yung babaeng may katandaan na

"N-nasaan po ako?at sino po kayo?b-bakit buhay pa ako?"

"Anak ako ito okay?si mommy mo ofcourse!"halatang pinapasigla nya ang boses nya at wala na akong nagawa nang pinaharap niya ako,maganda siya at halata narin na may kaedaran ito

"Patawad p-pero hindi kita kilala"napayuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko,bakit ibang tao ang nakikita ko?bakit kakaiba ang kagamitan?nasaan nga ba ako?posible kayang nasa america ako ngayon?sa mga narinig ko ay kakaiba daw ang mga kagamitan sa america at likas na mas mabilis ang takbo ng kanilang ekonomiya kaysa sa pilipinas,pero imposible naman na ipadala ako ni ama sa lugar na isinumpa niya

Maya-maya pa biglang pumasok ang isang lalaki na nakasalamin ngunit kakaiba ito kesa sa salamin na aking nakita noon,puti ang kasuotan nito


"Doc bakit parang na amnesia ang anak ko?!look at her,she looks so confused?!"may ginagalaw lang iyong lalaking tinawag na doc saka ako hinarap,marami pa syang tinanong na nakakalito lang sa akin bago nya kinausap yung ginang na nagpakilalang ina ko


"I'm sorry mrs. Montemayor pero matindi yata ang pagkakabagok ng ulo ng anak nyo kaya sya nagkaganyan,she had lost her memory pero oobserbahan parin namin sakaling magkaroon ng pagkakataon na makakaalala sya,ang nakakapagtaka lang ay nacheck na namin lahat pero walang ibang deperensya sa katawan nya except sa maraming sleeping pills na nainom nya"


Naaawa ako sa ginang ngayon na halos himatayin na sa mga naririnig,ibig sabihin ay may nagmamay-ari sa katawang ito bago ako nabuhay,ngunit kung nabuhay ako sa katawan niya nasaan na siya?napakaraming katanungan sa isip ko pero walang sagot

"G-gusto ko nang umuwi"iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko

Sumasakit na ang ulo ko sa mga sinasabi ng ginang lalo na't ang dami-dami nyang ipinaliwanag sa akin na sya ang aking ina,mayaman raw kami at marami pa syang binanggit na pangalan pero sa lahat ng binanggit nya ay isang nagngangalang ISSIAH FALCON ang nakaagaw ng aking atensyon

"Sino po sya?"biglang hindi nakasagot ang ginang saka dumaan sa mukha nya ang awa,pakiramdam ko ay malaki ang parte ng lalaking iyon sa katawan na ito

"Masaya akong nakalimutan mo rin sya sa wakas hija,nang dahil lang sakanya ay tinangka mong magpakamatay!"

Nanlaki ang mata ko sa gulat,posible kayang yung lalaking una kong nakita nang namulat ako sa mundong ito si Issiah Falcon?ang lalaking kinababaliwan ng nagmamay-ari ng bago kong katawan?

SHE'S FROM THE PASTOù les histoires vivent. Découvrez maintenant