Chapter 11-Katanungan

21 2 0
                                    

HINDI ko maintindihan ang nararamdaman ko,lubos akong naguguluhan sa sinasabi ni manang...alam nyang galing ako sa nakaraan?ngayon na may nakakaalam na,ano na ang gagawin ko?

"Parehong dahilan sa pagkitil ng buhay ay pag-ibig"nanlaki ang mata ko

Paanong...ngayon na Ang pagkakataon!baka makatulong si Manang sa akin

"M-may alam ka po ba kung a-ano ang nangyayari?ba-bakit?inaamin ko hindi ako ang kinikilala nilang vivian p-pero walang pinagkaiba sa aming hitsura at...b-bakit?paano ako napunta dito sa hinaharap-"malalim itong napabuntong hininga saka napailing

"Iyan ang hindi ko pa makita binibini- "

"Pero kailangan ko ng sa-sagot pakiusap!"hindi napigilan ang luha ko,maaring sya ang paraan para malaman ko ang nangyayari sa akin

"Sa susunod nating pagkikita baka may kasaguta-"napabaling ang atensyon namin sa pagbukas ng pinto

"What the eff?!what happened?!and you...you can go,cleaning is enough"

"Yes sir"napaawang ang bibig kong napatingin kay manang,aalis na sya!

"Te-teka sandali kailangan pa natin mag-usap!"

"Pasensya na maam marami pa akong trabaho,mag-iingat ka sa bawat galaw mo"tuluyan ng umalis si manang at wala man lang akong nagawa,naiinis ako kay issiah ngayon na kunot-noong nakatingin sakin

Akala mo naman walang nagawang kasalanan!panira talaga!

"Pabalikin mo si manang dahil mayroon pa kaming dapat pag-usapan"

"Shut your mouth Vivian,you don't know her"diretso ang tingin nya sa akin tila ba wala syang paki,totoo nga naman...

"Kung ganoon ay gusto ko ng umuwi sa amin"pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisnge ko"a-ano ba kasing kasalanan ko sayo..."kita ko ang biglaang pagdilim ng mukha nya na para bang may natanong akong mali

"Lorraine needs to see a psychologist because of you"malamig nyang saad bago lumapit sa akin"Your lost memory doesn't f*cking count cause you left a big trauma to her and now she said that it's because of you haunting her in her dreams to make her f*cking stay away from me,which leave her no choice but to cheat with another assh*le!"puno ng galit ang mukha nya habang mariing nakakuyom ang kamao tila ba pinipigilan nya lang ang sarili,napalunok ako ng ilang beses...napakabilis nyang magsalita ng ingles at konti lang ang naiintindihan ko ngayon

"Hi-hindi kita maintindihan,Hindi parin makatarungan ang ginawa mo sa akin!"inis nyang hinilamos ang palad sa mukha

"F*ck!what am i going to f*king do to you?!"hindi ko sya maintindihan!ano ba ang ibig nyang sabihin?iba ang isinagot nya sa mga katanungan ko,ilang beses pa syang napabuga ng hangin bago tumingin sakin

"i'll f*cking go get something and behave or else,NAIINTINDIHAN MO AKO?"

Mariin nya akong tiningnan na ikinainis ko,ang kapal nyang magdesisyon para sakin hindi ko sya sinagot bagkus ay inirapan ko pa sya

"I know that expression,don't you dare do something stup*d-"

"Eh kung ibalik mo na lang ako sa pamilya ko!hindi naman kita pinapanagot sa-"

"They already know you're with me"

"A-ano?!"nanlaki ang mata ko sa gulat"Gusto ko-"

"I told them it's business matters"

"H-hindi!"hindi ako maaaring magtagal sakanya!


TATLONG araw,oo tatlong araw na nya akong hindi pinapauwi dahil dapat raw na siguradong magaling na ako,napakag*go nya!nakipagsosyo sya sa negosyo nila mommy para lang may palusot.

SHE'S FROM THE PASTWhere stories live. Discover now