Chapter 5:PAGKAMUHI

27 3 0
                                    

VIVIAN'S POV

   SOBRA talaga akong nagulat sa bagay na iyon,hindi ko inaasahang may mga bagay ng nakakamangha sa panahong ito at masyadong nakakalito kung paano iyon gumagana

"Eat woman"diretso nyang inilapag sa harapan ko ang pagkain saka kinuha yung bagay na naihulog ko kanina

"Who told you na pwede kang makialam sa mga gamit ko?not because i let you stay here you can do whatever you want"sobrang lamig ng boses nya at halatang nagtitimpi lamang na hindi ako masigawan,siguro ay napipilitan lamang syang patuluyin ako dito dahil alam niyang wala akong ibang mapupuntahan lalo na at wala rin akong dalang pera

"S-salamat sa pagkain at pasensya na sa pangingialam ko sa kagamitan mo,h-hindi na mauulit"walang emosyon nya akong dinapuan ng tingin saka umupo sa kaharap na upuan kaya kumain nalang ako

----

  NAUBOS ko ang lahat ng pagkain na binigay nya at ang nakakamangha doon ay napakasarap nun sa panlasa kaya't halos sumakit na ang tiyan ko sa kabusugan,saka ko lang napansin ang tingin nya sa akin na nakakailang

Yung tingin na para bang isa akong kakaibang nilalang

"Ah-ahm may mali ba sa-"

"Nothing"itinuon nya ang atensyon sa bagay na hawak-hawak nyang naihulog ko kanina

Matapos kong kumain ay napagdesisyonan ko nalang na iligpit ang mga pinagkainan ko,ano na ang gagawin ko?natatakot parin ako sakanya baka sakaling uulitin nya ang pananakit noon

Kunsabagay ay hindi naman nya ako sinaktan kanina pa pero paano kung?labis ang galit nya kay Vivian kaya nakakabahala parin para sa akin dahil kahit naman sabihin kong ibang tao ako ay walang maniniwala sa akin

Ilang minuto akong lutang sa paghuhugas ng pinagkainan ko at pagkatapos ay saka ko lang naalala na napakalagkit na ng pakiramdam ko at kailangan ko nang makapagbihis, siguro ay makikiusap nalang akong humiram ng damit sakanya

Diyos ko!patawarin nyo po Ako sapagkat parang Wala akong delikadesa ngayon,alam ko pong mali na nasa iisang silid ang isang dalaga at binata ngunit wala po akong ibang pagpipilian

tinungo ko kaagad ang sala baka para sabihin sakanya ang kailangan ko kahit nakakahiya man

"I-issiah..."

"What do we have here?"hindi ako nakagalaw sa gulat"Hi Vivian!i'm Marcus Falcon,Issiah's cousin"pakiramdam ko ay natuod ako sa kinatatayuan ko habang nakatingala sa lalaking nasa harapan ko ngayon,unti-unting sumikip ang dibdib ko

"She don't know you asshole"

"Stop Issiah!i know her ofcourse i've seen her in the bar a lot,don't be so possessive!"

"Fuck off!i'm not"

Hindi ko napigilan pa ang luha ko,akala ko hindi ko na sya ulit makikita,agad ko siyang nilapitan at sinapo A
ang mukha niya gamit ang dalawang palad ko

Ang Emmanuel ko....ang aking mahal...

"Emmanuel.."

"What?"

"Seriously?!"

"Wait?what the eff are you saying?"kunot na kunot ang noo niyang nakatingin sa akin"dude you didn't tell me that the new vivian is so....weird"

"Emmanuel...-"

"Hindi nga ako si emmanuel,i'm marcus pfft.... i'm sorry but that name sounds funny"

"So he's the one you're talking about?your new obsession?nice to hear that you won't bother me anymore"iyon lang ang mga sinabi ni Issiah tsaka pumasok doon sa isang silid at iniwan kami

"P-pasensya na-"hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,ang akala ko at katulad ko na nakarating din si emmanuel dito sa hinaharap pero mukhang nagkakamali ako,napaka-imposibleng mangyari ang bagay na iyon at hindi ko alam kung ano talaga ang nangyayari sa akin...

Nasaan nga ba ako?sa ikalawang henerasyon ng aming mga buhay?

"Are you alright vivian?"nagulat pa ako nang iniangat nya ang baba ko na agad ko rin na iniwasan

"A-ayos lang ako"sa tingin ko ay isa syang babaero,basi sa kanyang awra na malayong-malayo kay emmanuel na maginoo at bukod pa doon ay kapag ipagkukumpara sila ni issiah,mukhang habulin din ng babae ang isang yun dahil rin sa taglay na kakisigan,

Hindi ko rin masisisi si vivian kung bakit ganun nalang sya kabaliw para sa lalaking iyon pero para sa akin ay wala akong paki

"Are you really okay?"ngayon ay may pag-aalala ng makikita sakanya

"You look red all of the sudden"nanlaki ang mata ko sa hiya,siguro ay dahil ito sa mga iniisip ko!bakit ko ba ipinagkukumpara ang dalawa?!at bakit...hindi na malakas ang epekto ni emmanuel sa akin?

Dahil ba iyon sa ibang katauhan nya?o dahil ang puso ng katawan na ito ay ang nagmamay-ari ay si issiah?

Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan nang umalis si emmanuel..m-Marcus pala,pakiramdam ko ay halos mabibiyak na ang ulo ko sa dami ng aking katanungan

Bakit nga ba nangyayari ang lahat ng ito?isa ba itong parusa?o nagkataon lamang?ano ang koneksyon ko kay vivian bakit ako napunta sa katawan nya kung napakalayo ng aming panahon?bakit yung taong importante sa akin noon ay nakikita ko ulit ngayon?

Malalalim ang aking bawat paghinga dala narin sa mga pinag-aalala ko,para na akong mababaliw sa lahat

"A-ama....kung hi-hindi mo na s-sana ako pilit na ipapakasal sa sakim na lalaking iyon ay hindi ko nanaisin na kitilin ang buhay k-ko..."tuluyan na bumagsak ang mga nagbabadya kong luha kanina pa,napakarami kong pagsisisi sa ginawa ko...ano na kaya ang nangyari sa aking pamilya?naging matiwasay kaya o nagkagulo?

Panginoon ko bigyan mo naman ako ng kasagutan sa lahat,paano nga ba nagsimula bago ako napunta dito?

"The f*ck!bakit ka na naman umiiyak?"madilim ang mukha nyang nakatingin sa akin bago malakas na isinara ang pinto,hindi ko man lang namalayan ang paglabas niya

"A-ahh...wa-wala"napapailing pa ako upang maniwala sya sa sinasabi ko

"You're f*cking unpredictable,stop crying wala pa akong ginagawang ikakasama ng buhay mo"nanlamig ako sa mga katagang sinabi nya,ibig sabihin ay may plano syang sirain ang buhay ni vivian?!kahit na hindi na nga sya ginugulo?ganoon ba kalaki ang galit niya?

Ilang segundo pa ang nagdaan nang umiwas sya ng tingin sakin na nakakunot ang noo

"Pwede mong gamitin ang kwarto ko,change your clothes..."pinasadahan pa ako nito ng tingin saka napakunot-noo"you look like a f*cking mess"

Napakawalang galang nya talaga!baka gusto nya pang dagdagan ang mga sinasabi nya?inis kong pinahid ang luha ko

"S-salamat na-nalang,magpapasundo ako-"

"Tsk!you think you can call them?wag nang matigas ang ulo,just follow my d*mn rules cause you're in my territory"puno ng awtoridad ang boses nya"just be thankful that i accepted you here"

"P-pwede mo naman na sabihin kung napipilitan ka lamang-"umigting ang panga nya at masama ang tingin sa akin pagkatapos ay nilakad nya ang pagitan namin,

Y-yung pigura nya,ang tindig...ang awra at ang....ang kanyang ekspresyon sa mukha...hindi ako maaaring magkamali,may naaalala akong isang tao...taong kinamumuhian ko sa aking nakaraan

Tama....tama na...hindi ko na kaya!bakit ngayon ko lang napansin?b-bakit?

Pilit ko man na nilalabanan ang emosyon pero huli na nang tuluyan nang nandilim ang diwa ko

  

SHE'S FROM THE PASTWhere stories live. Discover now