Chapter 13-VIVIAN

18 2 0
                                    



     PUTING damit ang napili ko yung hindi masyadong kita ang dibdib,napahikab ako sa pagkabagot saka napatingin sa labas

Napaawang ako sa Ganda ng tanawin,napakataas ng kinaroroonan ko ngayon dahil maliit na sa paningin Ang mga sasakyan sa ibaba

Medyo madilim na,ano ba kasi ang ginagawa nya?kinurot ko ang daliri ko

"Ano ka ba bulak dapat maging masaya kang wala sya sa paligid"inis na ani ko sa sarili,naagaw lang ang atensyon ko sa ilang beses na katok na agad kong pinagbuksan

"Ah...m-may kailangan kayo?"dalawang babae,ang isa ay pilipina at ang isa ay banyaga?

"We're here to bring your food maam"napaawang ang bibig ko sa mga pagkaing dala nila,baka sya na naman ang nagpadala nito?

NAUBOS ko lahat ng mga pinadala nya,pakiramdam ko ay puputok ang tyan ko sa kabusugan,kasalukuyan akong nakahiga sa malambot na kama habang nagiisip ng kung anu-ano

Nagagawa ko na ang mga gusto kong gawin bilang isang babae hindi tulad noon na dapat mahinhin ang bawat kilos namin,gusto kong tumalon talon sa tuwa saka ko nakapa yung binigay ni Heru kanina

Ilang sandali ko iyong tinitigan bago pinindot ngunit wala namang nangyayari?gusto ko rin ang maliit na tinig kapag pinipindot iyon ng ilang beses

Bang!


Natuod ako sa kinauupuan nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Issiah...teka bakit si Issiah?!

"What the f*ck do you want?!"

"H-ha?bakit ikaw ang nandito?"medyo nagulat pa sya sa tanong ko bago walang pasabing umalis at  pabagsak na isinara ang pintuan,napakurap ako ng ilang beses bago pinindot iyon ng maraming beses

Agad kong pinagbuksan ang kumakatok,ngayon ay si Heru na ang nandito

"You need anything maam?"

"Wala naman,paumanhin sa abala hehe sinubukan ko lamang itong binigay mo"hindi pa sya nakasagot sinara ko kaagad ang pinto

Napagpasyahan kong manood ng palabas,natuto akong magbukas ng tv nung nasa bahay pa ako,nang may mapili na akong mukhang maganda ay komportable na akong umupo sa kaharap na malaking upuan,ilang beses ko pang pinaglaruan ang pagpindut-pindot sa bigay ni hero

Bigla na namang bumukas ang pintuan at isang masamang tingin ang natanggap ko

"Anong ginagawa mo d-dito?"may ibinubulong pa sya sa sarili at pakiramdam ko ay mura iyon

"STOP pressing that f*ckin button!you understand?!"

"Pero diba sabi ni Heru sya ang makakarinig ng dala ko?bakit ikaw ang nandito?"pagod nya akong tiningnan

"Whatever just,wag mong pindutin"napunta ang tingin nya sa tv saka medyo tumaas ang sulok ng labi

"You're watching horror huh?"

"A-anong horror?"hindi nya ako sinagot bagkus ay padabog pang isinara ang pinto

HINDI ko na pinansin ang sinasabi nya at itinuon nalang Ang aking atensyon sa pinapanood,hindi ko nalang rin pinakialaman pa yung lagi kong pinipindot

Ilang minuto ko nang  pinapanood ang palabas at pansin kong medyo nakakatakot iyon lalo na sa  nakakatakot na tunog,napapahigpit pa ang kapit ko sa upuan tuwing nabibigla ako sa sigaw ng nasa palabas,maya-maya pa ay halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan nang pabaliktad na gumapang yung babaeng aswang sa hagdanan,rinig na rinig ang mga buto nito habang baliktad ang duguang mukha na nakatitig mismo sa direksyon ko

"Aaaahhh!!!!"napatalon ako sa upuan at ang malas pa doon ay napasalampak ako sahig,ininda ko na lamang ang sakit at dinampot ang lalagyan ng bulaklak na maabot ko sa maliit na mesa

"Waahh!!"sakto rin na pagharap ko ay nakangisi ito saka ko binato ng hawak-hawak ko,napaupo ako sa panghihina dala narin sa nerbyos,ramdam ko rin na naluluha ang mata ko sa takot at parang galing sa pakikipagkarera ang puso ko

Napatingin ako sa napakalaking tv at nagiiba-iba na ang kulay nito,wala narin yung multo roon saka ako nakahinga ng maluwag

Bang!

"What....the f*ck happened here?!"dali-dali akong napatayo,halos hindi maipinta ang reaksyon ni Issiah pati na si Heru na nakanganga sa likuran nya,may dalawa ring 'staffs' na gulat rin ang reaksyon,pinipigilan ko lang ang sarili kong umiyak

"Explain this sh*t woman!"maawtoridad nyang sabi na nakaharap na sa akin,tuluyan na akong napahikbi sa harapan nya

"P-patawad ka-kasi yung multo ka-kanina sa h-hagdanan nakakatakot!"marahas kong pinahid ang walang tigil na pag-agos ng luha ko gamit ang palad"pa-papunta na kasi sya sakin-"

"Uhm...i-isa lang naman po iyong palabas,walang dapat ikatakot"naaawa na mukhang natatawa ang ekspresyon ni Heru habang sinusulyapan ang sirang tv

"Patawad talaga--pinagtatawanan mo ba ako?"huminga sya ng malalim at mariin na pumikit na nagpipigil ng kung ano,medyo napahilot pa sya sa kanyang sentido

"This is st*pid!-"nagbabaga ang mata nya sa galit"what should i do to you?!you're a headache...you're making me INSANE woman!"napapikit ako sakaling saktan niya ako,mali pala ako mas nakakatakot pa sya sa multo

SHE'S FROM THE PASTWhere stories live. Discover now