Chapter 3:KILALA

28 3 0
                                    


Isang linggo na ang lumipas at marami na rin akong natutunan sa pamamaraan ng kanilang pananalita maging sa pananamit ng ibang kababaihan na pakiramdam ko ay masyadong malaswa

Gayun din sa madalas na paggamit nila ng wikang ingles tila ba masyadong naimpluwensyahan ng mga amerikano

Kaya nga sobra ang pasasalamat kong nag-aral ako ng mabuti sa wikang ingles noon kaya nakakaintindi rin naman ako kahit papaano,salamat sa aking guro

"O,nakatulala ka na naman dyan ija"napangiti ako sa biglang pagdating ni nay Edna

"Wala naman po kasi akong magawa e,nababagot lang po ako"binaling ko ang atensyon sa mga rosas na tinanim ko,sa ilang araw na paninirahan ko ay gumawa ako ng isang maliit na harden

"Napakalaki talaga ng pagbabago mo Vivian ija...sa klase ng pananalita mo,sa kilos lalo na sa ugali mo"

"T-talaga po?"

"Napakalayo ng ugali mo noong hindi pa nawawala ang memorya mo"ilang segundo pa akong napatulala bago nakapagproseso ang utak ko

Napakahirap paniwalaan,napakalayo ng aming pag-uugali ngunit pareho kaming nagpakamatay,ano nga bang dahilan ni Vivian upang kitilin ang buhay kung halos nasa kanya na ang lahat

"H-hindi ko rin po alam ang mga nangyari"isang ngiti lang ang isinagot nya

"O,sya sige ija magtatapon pa ako ng basura sa labas,mag-ingat ka dito ha?"nabuhayan ako ng loob sa aking narinig

"Maaari po ba akong sumama?tutulong akong magtapon"

"Ayy naku wag na ija,dito ka lang-"

"Gusto ko pong makita ang labas,nais ko rin na makalabas"

------
"Wag kang lalayo dito sa gate ija ha?babalikan ko lang ang ibang basura"napatango na lang ako sa ilang ulit nitong habilin sa akin,medyo napangiwi pa ako sa pagkailang nang mapansin kong kanina pa nakatitig sakin yung lalaking nangongolekta ng basura

Kasalukuyan akong nakatayo at naghihintay kay nay Edna nang may biglang ay tumunog ng malakas sa likuran ko

"Aahh!!"muntik na akong mapatalon sa gulat bago nilingon ang bagay na iyon

"Magpapasagasa ka ba?"mas nenerbyos ako nang lumabas ang lalaking ayokong makita,si Issiah.

Lumabas ito mula sa sinakyan nyang katulad ng nasakyan ko na nang makarating ako dito sa hinaharap pero iba ang disenyo nun,magkatagpo ang kilay at diretso ang tingin sakin pero may halong pagtataka kasabay ang paghagod ng tingin nito sa kabuuan ko

Pakiramdam ko ay nababastos ako,wala naman sigurong mali sa suot kong 'hoodie' at maluwang na pajama na ipinasuot na lang ni nay Edna sakin,ayaw kong isuot ang mga damit ni Vivian dahil sobrang laswa tignan

"P-paumanhin hindi ko namalayan"napapasulyap pa ako sa mukha nyang napakaseryoso

"I don't know if you really lost your memory or you're just acting for a plan,wag ka nang manggulo ng buhay"pagkatapos nyang sabihin iyon ay sumakay sya ulit sa sasakyan nya at umalis,mas lumuwag ang paghinga ko sa pag-alis nya dahil ang bigat sa pakiramdam

"Akala ko ay aawayin na naman niya ako o sisigawan"mas mabuti nga sigurong nasa loob ako palagi ng bahat para maiwasan sya at tama nga ang sinabi ni nay Edna sa akin,napag-isipan ko nalang na umuwi

Pumihit na ako papasok nang may lalaki akong nakasalubong na tila ba may kausap sa bagay na idinidikit sa tainga

"Oh fuck you dude!don't you dare!"hindi ko alam pero pakiramdam ko ay bumagal bigla ang oras nang sandaling makilala ko ang mukha nito kasabay ang unti-unting pagtulo ng luha ko

"E-emmanuel..."

Hindi ko napigilan ang aking luha dahil sa labis na tuwa at magkahalong emosyon ang nararamdaman ko,hindi ko inaasahang makikita ko ulit ang lalaking minahal ko

"Emmanuel!!"ilang ulit ko syang tinawag ngunit hindi nya parin ako napapansin bagkus ay mabilis ang lakad nya habang may kausap sa bagay na dala-dala nya,sinubukan ko pa sana syang lapitan pero huli na nang diretso lang syang sumakay sa kulay abo nyang sasakyan at tuluyang umalis

"Sandali!!"

Hindi maaari!kailangan ko syang makausap!hindi ako nagdalawang isip na sundan ng takbo ang daan kung saan dumaan ang sasakyan nya,wala akong pakialam kung gaano kalayo ang aabutin ko,ang mahalaga ay makausap ko sya at malaman ang totoong katauhan nya

"E-emmanuel!!!"ilang minuto na akong tumatakbo at tuluyan na rin na naglaho sa paningin ko ang sinasakyan nya,mariin akong napapikit habang sapo ang dibdib ko,halos hindi ako makahinga sa hingal

Pati ang sasakyan nila ay kakaiba sa nakasanayan ko!

Ano na lamang ang gagawin ko ngayon na hindi ko alam kung saan na Ako napadpad

Agad kong pinunsan ang pagbagsak ng mga luha ko"a-ang sama mo!hi-hindi mo man lang ako nakilala"nawawalan na ako ng pag-asa pero hahanap parin ako mg paraan,ngunit paano?saka ko lang napagtanto na napakalayo na yata ng inabot ko at hindi ko na alam kung nasaan na ang daan pabalik lalo na't marami pang ibang direksyon na dadaanan

Ano na ang gagawin ko kung alam kong nawawala ako?

Bakit tila hindi niya ako kilala?

SHE'S FROM THE PASTWhere stories live. Discover now