Chapter 6:NAKARAAN

31 3 0
                                    

       "Ama hindi ko po matatanggap na maipakasal sa lalaking hindi ko mahal!"hindi ko napigilan ang mapahagulhol sa iyak,kasalukuyan kaming naghahapunan na pamilya at nabanggit ni ama ang tungkol sa kasal na inaalok ng pamliyang Monterial

Hindi ko man lang kilala kung sino ang lalaking iyon at bukod pa roon ay mayroon akong kasintahan

"Naipagkasundo na ang inyong nalalapit na kasal at wala ka nang magagawa doon"pinal na saad ni ama na tuluyang ikinagulat ko,agad akong dinaluhan ni ate

"Tahan na,wala tayong magagawa bulak sapagkat papalubog na ang ating hacienda...tanging ang pamilya monterial lamang ang makakatulong sa atin"

"Ate Rosal...alam ng lahat na nagmamahalan kami ni emmanuel!ama pakiusap.."malakas na inihampas ni ama ang kamay sa lamesa sanhi ng pagkatahimik naming lahat

"Iyon na ang aking desisyon!paniguradong isa tayo sa matatapak-tapakan ng monterial kapag hindi natin maibibigay ang nais nila,makakatulong din ang yaman nila sa atin!walang maitutulong sayo si emmanuel kaya pumayag ka nalang!huwag ang sarili mo lang ang isipin mo!isipin mo rin kaming pamilya mo at ang mga tauhan nating mawawalan ng hanapbuhay!"

Umalis nalang ako upang makahinga ng maluwag,nasasakal na ako sa lahat ng pangyayari...hindi ko nga kilala ang lalaking mapapangasawa ko,kailangan itong malaman ni emmanuel!ngunit ang hirap ng sitwasyon dahil kakaalis nya lamang papunta sa kamag-anak nyang nasa malayo

Tila nakikisama sa akin ang panahon,basta ko nalang pinaulanan ang sarili ko baka sakaling mabawasan ang problema ko

"Ano ang pumasok sa isip mo at nagpaulan ka binibini?nais mo bang magkasakit?"nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon,masama ang tingin nito sa akin...matangkad sya at ngayon ko lang sya nakita

"Ano ba ang pakialam mo?kung madali lamang ang mamatay ay mas nanaisin ko iyon!"kita ko ang pag-igting ng panga nito

"Pumasok ka na sa loob binibini baka magkasakit ka"may diin ang bawat pagbigkas nito na parang nagtitimpi"hindi mo nanaisin kapag ako ang magalit"

"S-sino ka ba?!"hindi maitatangging isa syang makisig na binata at hindi sya mukhang trabahante dito sa aming hacienda

"Pumasok ka na binibini"kalmado ang pagkakasabi nya pero tila may halo iyong pagbabanta para sa akin

"Sinasabi ko ngang mas gusto ko dito eh!"mas naiinis ako sa presensya nya,akma na akong aalis nang bigla nitong hinablot ang braso ko at pinaharap ako sakanya,nanlaki ang mata ko sa lapit ng aming pagitan

"Bitawan mo ako!isusumbong ko ito kay ama!"hindi man lang sya natinag at ngumisi lang

"Napakatigas ng ulo mo binibini,gaano mo kamahal ang emmanuel na iyon at handa mong labagin lahat"napaawang ang labi ko sa gulat,ibig sabihin

"I-ikaw!"

"Ako nga ang iyong nakatakdang mapapangasawa,kalimutan mo na si emmanuel kung nais mo pang mabuhay sya...dahil akin ka lang...isinusumpa ko ito na kahit kamatayan susundan kita"

"Na-nababaliw ka na..."

"Wala na akong ibang mapiling paraan kundi dahas,kung iyon ang daan upang mapasaakin ka"

KASALUKUYAN

  Unang bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni nay edna,nasaan na naman ako?

"N-nay?"

"Naku ija!pinag-alala mo kaming lahat"napakunot-noo ako,inalalayan nya akong bumangon saka ako napatingin sa paligid

"Ano po ang nangyari?"

"Haay bata ka,inihatid ka ni Issiah dito sa hospital dahil nawalan ka ng malay ija"

"S-si Issiah?"agad akong napailing sa lumulukob na takot sa kalooban ko...si issiah,hindi ako makapaniwala sa tadhana...bakit parang ibinabalik nya lahat?ano na ang gagawin ko?



SHE'S FROM THE PASTWhere stories live. Discover now