PROLOGUE

447 16 6
                                    

"BOSS,nandito po ulit siya."

Saglit akong napatingin sa kaniya.Binalik ang mga mata sa magazine na binabasa.

Ewan ko ba at bakit ako ang kinukulit niya.Sa loob ng dalawang linggo walang tigil itong napunta sa shop para abalahin ako.

"S-sige susunod ako.Siguraduhin niyong nabunot niyo na ang lahat ng gamit sa saksakan."

Magsasara na rin kasi kami.Kinuha ko na ang handbag ko at saka lumabas ng pinto.Inabot ni Miki ang susi sa akin bago ito nagmadaling umalis.

Nagkandatisod pa bago lumabas ng pinto.Malamang may date na naman ito.

Paglabas ko ng pinto nakita ko agad ang lalaking nagtataglay ng kaasulang mata.Napapailing itong lumapit sa akin at kinuha ang mga susi sa kamay ko.Siya na mismo nagsarado ng mga pintuan at gate.

Naamoy ko naman ang cologne nito.Ang fresh lang ng dating.Nakamaong itong jacket at sandong itim na panloob.Nakapantalong pamasok pa rin siya.

Marahil dumiretsyo siya dito galing sa site.

Sinundan ko ng tingin ito papunta sa motorsiklo niya.Nang mabuksan ang makina,binato niya sa akin ang isa niya pang helmet.Siraulo!

Buti na lamang at nasalo ko ito."Ano?Sakay na.Buhatin pa ba kita?Ano ka chick?"

Ang sarap sanang pukpukin ito sa ulo gamit ng hawak kong helmet niya.Walang reklamo akong sumakay at inayos ang helmet kong suot.

Kaagad niyang kinuha ang mga kamay ko at ipinulupot sa bewang niya.Nakapa ko agad ang matigas na pandesal na kung tawagin.Ahem!

Pasalamat siya at may tumubo siyang ganito sa sikmura niya.Kung wala?baka gawin kong sponge para lamutakin ang taba nito.

Pinagsiklop ko na lamang ang mga kamay ko.Ayoko namang asarin na naman ako nito na nanghihipo sa kaniya.

Bago makauwi dumaan muna kami sa ihawan.Para bumili ng isaw,adidas at barbeque.Libre lahat ni kumag.Sahod na yata kaya lakas manglibre.

Nagulat akong nagpatiuna pa ito sa pagpasok ng bahay habang ako naman ay nagtatanggal pa ng sapatos.Walanghiya talaga di ba?

"Bilisan mo na,baka hindi ko maabutan si Cardo."sabi nito habang sinasalansan ang dalawang plato at mangkok sa lamesa ko.

Well,feel at home na talaga siya sa bahay ko.Elib na talaga ako sa kaniya.

Binuksan ko na ang TV para magtigil ang bunganga niya.Ewan ko ba hanggang ilan ang buhay ni Cardo.Nagdaan na ang taon heto at buhay pa siya.Daig pa ang siyam na buhay ng pusa.

Tinali ko muna ang buhok ko.Matagal tagal ko rin itong pinahaba.Ngayon ay abot hanggang balikat ko na ang haba nito.

"Hoy!tara na!ang tagal mo naman!"

Kung makasigaw ito daig pa na siya ang may ari ng bahay.Kapal..grrr.

Pagkalabas ko ng kwarto ko natigil ito sandali sa pagsasalin ng tubig sa baso at napatingin sa akin.

Teka,may dumi ba ako sa mukha?

Pasimple kong pinunasan ang mukha ko sa towel na nakasabit malapit sa akin.

"B-bilisan mo na,kumain na tayo."

Tila nasasamid na boses nito.Pagkatapos kong maghugas ng kamay saka kami nagsimulang kumain.Habang nanonood panaka naka ang tingin sa akin.Ano bang problema nito?

Sinamaan ko ng tingin ito ng matiyempuhan kong mapatingin siya sa akin.

"Wag kang magtatali ng buhok mo sa trabaho."

Pinang ikutan ko lang ng mata ito.Ano bang problema niya kung magtali ako ng buhok.Maissue talaga!

"Kung ayaw mong pumasok ng hindi maayos ang lakad mo."dagdag pa niya.

Parang mabibilaukan ako sa lalaking ito.

Siya si Mikael ang lalaking sobrang topakin,pikunin,mapangbuska,tulog mantika pero saksakan ng gwapo.

Higit sa lahat,ang sarap mahalin.

--
A/N:Awit!!Hahaha..




DEEPLY MADLY FALL IN LOVE (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon