Chapter 4

80 11 4
                                    

MAHIGPIT ang pagkakahawak ko sa bewang nito.Hindi man ganoon kabilis ang takbo niya,sobrang lamig naman ng hangin ang dumadampi sa balat ko.

Sa ulo na ni Mikael ang daan pauwi sa bahay ko.Pero bago yon dumaan kami sa gotohan.

Wala kasi akong maisip kung ano ang kakainin namin pag uwi.Siya na daw ang bahala.

Umorder ito ng tig-dalawang goto at pares.Sinamahan pa ng nilagang itlog.

"Dito na tayo kumain,para walang hugasin sa lababo mo."

Medyo wais din mag isip.O baka hindi sanay gumawa ng gawing bahay.

"Bakit ang tahimik mo ha?"

Umiwas ako ng tingin.Oo,kanina pa ako tahimik.Pero ganoon naman kaingay sa isip ko.Maraming tanong.

"Wala.Saka anong meron at makikitulog ka na naman sa akin?Pinalayas ka ba sa inyo?"

"Y-yeah.Pasaway daw kasi ako sabi ng landlord ko."

"Edi maghanap ka na lang ng iba.Yung malapit din sa workplace mo.Saan ba site mo?Dito lang din ba sa Q.C?"

"Yep,malapit sa Quezon Ave."

Ganoon naman pala.Pero bakit ako?

Marami naman ata siyang kaibigan.Hindi naman kasi palapost ito sa FB.Nakakapagtaka lang.

Yung profile niya nga pang dummy account.Ewan baka dummy account niya siguro iyon.

Nagsimula na kaming kumain.Masarap yung goto at pares.Binalatan naman ni Mikael yung nilagang itlog sa nilagay sa kinakainan ko.

Sa tagal kong walang karelasyon,hindi ko maiwasang malungkot.Nakakamiss nga naman yung may nag aasikaso sayo.Nag aalaga.

Umuwi rin kami pagkatapos.Kagaya ng kinagawian,naghanda ako ng pamalit niya.

Nagbukas siya ng TV.At nilipat lipat ang channel nito.

"Buti nakaabot!"sabi nito at saka prenteng umupo sa sofa.

Ako naman ay nagpalit at naglinis ng katawan.Paglabas ko nanood pa din siya.Halatang seryoso sa pinapanood.
Humiga agad ako sa kama at kinuha ang libro sa drawer katabi ng kama ko.

Maya maya pa ay wala na akong naririnig mula sa sala.Nasa ikawalo na ako ng pahina nang pumasok sa loob ng silid si Mikael.

Topless ito,nakasampay sa balikat yung t-shirt kong pinahiram.Walang pasabi itong humiga sa tabi ko.

Ako naman ay ibinalik ang tingin sa binabasa."Huy,"

Ibinaba nito ang libro kong binabasa.Kaya inis akong napatingin sa kaniya.Sa pagbabasa kasi ako nagpapaantok.

"Gabi na,pagod na yang mga mata mo."

Kinuha nito ang libro,at ipinatong sa katabing upuan malapit sa kinahihigaan namin.

Tinalikuran ko siya,pero siya namang pagpihit nito sa akin paharap.

"H'wag mo ko talikuran please."

Napahinto naman ako sa pagpiglas.

"OKAY FINE!Mangako ka munang wala kang gagawing kalokohan.Sa sahig talaga kita papatulugin!"

"Ge,basta usap lang tayo."

Minsan iniisip ko na marahil laking kanto si Mikael.Pero siyang yung kanto boy na exotic.Hahaha.

Parehas kaming nakatingin sa kisame.

"Straight ka ba?"pangunguna ko.

"Hindi ko masabi,magulo pa."

Naguluhan din ako.Takte ayoko ng ganito.Mahirap magmahal kapag tuwid pa sa poste yung karelasyon mo.

"Nagtitrip ka ba?Masama maglaro ng damdamin ng iba."

Natahimik si Mikael.Guilty ata.Mukha kasing playboy.

"Hindi ka naman laruan para paglaruan.Saka pwedeng getting to more each other muna ang set up natin."

"Nang ganito?Eh?"

Pinisil nito ang ilong ko.Buti na lang nakapaghilamos ako kanina.Baka mamaya mamantika ang mukha ko.

"Alam kong nag aalangan ka,kasi naman hindi ko kasalanan na ganito ako kagandang lalaki.Kasalanan mo nga kasi pinakabog mo yung dibdib ko."

Tinampal ko naman ang noo nito.

"Aray!Alam mo mapanakit ka.Hindi pa nga nagiging tayo.Nananakit ka na."

"Ewan sayo.Umayos ka nga mahuhulog na ko oh!"

Kaunti na lang ang espasyo ko parang sinakop niya na lahat ng higaan ko.

"Edi yakapin mo ko.Para hindi ka mahulog.Tara nga dito,arte arte mo."

Niyakap niya ako.Ako naman ay todo tulak sa kaniya.Ang lintek dinaan sa laki ng katawan kaya medyo hirap na hirap akong makawala.

Mahirap makipagsapalaran lalo na kung alam mong walang kasiguruhan.

DEEPLY MADLY FALL IN LOVE (BXB)Where stories live. Discover now