CHAPTER 1

150 11 6
                                    


Isang stripe white blue tee shirt at maong na pantalon,tinernuhan ko na lang ng nike kong sandals.
Pumunta ako sa bahay ng kaibigan kong si shane.Birthday nito at inimbitahan ako.Ang kaso hindi ko alam na marami rami din palang mga tao.

"Uy,buti naman at nakarating ka.Miss na miss kita Dylan kung alam mo lang.Masyado kang busy sa parlor mo."

Tinarayan ko ito at saka simpleng kinurot ang braso.Kung alam niya lang din miss na miss ko na siya.
Matalik kong kaibigan si shane simula pa noong high school.

Ngayon isa na siyang lisensyadong dentista.Yakag ako nito papasok sa kanilang bahay.Sa sala may ilang kalalakihang nakaupo sa mismong sofa.

"Guys,si Dylan nga pala.BFF ko!"masayang pakilala nito sa mga bisita niya.

Inipit ko ang buhok kong tumatabing sa aking mukha.Inabutan naman ako ng katabi ko ng basong may alak.

"Medyo hard yan pre,wait kuhanan kita ng pangchaser mo."

Nginitian ko lamang ito.Nawawala si shane,marahil inaasikaso ang iba nito bisita.

Ako yung tipong taong mahiyain sa una pero kapag nakakasama ko na ang mga ito nang matagal.

Kalaunan,nakikisakay na ako sa kasiyahan nila.

Akmang iinumin ko na ang tagay.Nang may kumuha ng baso sa kamay ko.

Napatingin ang mga katabi ko sa kaniya.Huli na ng sundan ko ng tingin ito.

Nasalo ng mga mata ko ang mga titig niya.May kaseryosohan ito.Pero nakakalunod ang kulay asul na mga mata nito.

Porener?

Maganda ang katawan nito,sa braso pa lang namumutok na ang manggas ng damit niya.At kung iisipin,sa manggas ng bewang ng kaniyang damit tila may itinatago itong pandesal.

Wala kang ibang masasabi kapag tumitig ka sa mukha nito.Kundi gwapo.

Matangos ang ilong at ang mga labi ay tila nang iimbita.

"Uy ano yan?.."

Dala ang baso ng fruitsalad,pasimpleng ngumisi si shane sa akin.

"Kael,BFF ko yan.Baka gusto mo makilala.Single pa yan pamingle mingle din.Char!"

Minsan ang sarap sabunan ng bunganga ni shane sa pagiging madaldal nito.Wala pa ring kupas.

"Dylan nga pala."pakilala ko.

"Mikael"

Hindi ko maiwasang mapapiksi ng maramdaman ko ang init sa palad nito.Nakakapaso.

"Tong' dalawang ito,ginawa pang matchmaker ang party ko!Hala sige maiwan ko na nga kayo"

Umupo siya di kalayuan sa akin.Bale may isang tao ang pumapagitna sa amin.Which is better,nung hawakan ko pa nga lang kamay niya may something na.Paano pa kaya na makatabi ko pa siya?

Highschool,alam ko na sa sarili kong hindi ako straight.Nandoon yung pagkakataong naguluhan ako sa sarili ko ng una.Pero kalaunan tanggap ko na rin.Yun nga lang,hindi ko kayang magladlad kagaya ng iba.Basta kung saan ako kumportable,tama na yon.

Pansin kong hindi na sila nagtatagay at tamang kwentuhan na lang.Yung iba daw kasi sa kanila mga nakakotse pa.

Mga kalahating oras pa ako nakihalubilo,at naisipang magpaalam kay shane.Ihahatid pa sana ako nito palabas ng subdivision,pero tumanggi ako dahil sa marami nga itong bisita.Nagsabi na lang ako na magtatryke ako at tatawagan ko siya agad kapag nakauwi na ako.

Sumang ayon naman ito,nagsimula na akong maglakad.Ilang bloke pa bago makarating sa guard house.Hindi naman nakakatakot maglakad,dahil maliwanag ang paligid mula sa mga kabahayan.

Pero kinabahan ako ng may nakamotorsiklong dumaan sa tabi ko.At huminto ito sa harapan ko.
Hindi naman riding in tandem kaya bakit nga pala ako matatakot.

Nagpatuloy ako sa paghakbang na tila hindi pinapansin ang presensya nito.

"Hoy.."

Napahinto ako ng hindi lumilingon.

"Hoy..."

Ako ba o may iba pa siyang tinatawag.Nakakahiya kasi kung lilingon ako tapos hindi naman ako ang tintukoy niya.

"Hoy..kapag hindi ka pa lumingon,hahalikan kita!"

Aba't dito pa sila gagawa ng eksena.Subalit akmang maglalakad na ako ng makarinig ako ng mariing pagmumura at reklamo.Doon na ako napalingon.

He cupped my face,and the next thing happened?

Naramdaman ko ang mga labi nitong
nakadampi sa labi ko.

Marahan lang ang pagdampi niya sa mga ito.

Nang bitawan niya ako saka ako natauhan sa ginawa niya.Daig ko pa ang nalasing hindi sa alak kundi sa halik na dulot niya.

"Tara,balita ko taga kampo ka.Sabay na tayo."

Hawak niya ang isang kamay ko.At ako naman ay parang wala sa sariling nagpapatianod sa kaniya.

Nakikita ko na lang ang sarili kong nakahangkas na sa kaniya.

Nakahawak ako sa balikat niya ng simulan niya na ang pagbuhay sa motor niya.

"Dito ang hawak.Baka mahulog ka pa sa iba."ewan ko kung tama ang dinig ko o baka mali lang ng sagap ang pandinig ko.

Habang bumibyahe,amoy ko ang pabango niyang humahalo sa amoy ng alak.Subalit kung anong presensiya ng ilong ko yun naman ang kalutangan ng utak ko.

Parang nag hang sa hangin ito.
Nagtanong tanong pa ito sa akin kung tama ang lugar na tinatahak niya.Taga malate pala siya!

"Hindi mo na dapat ako hinatid.Out of way ka pala.Ang layo ng tinakbo mo.Bayaran ko na lang yung pang gas mo."

Ang kaso hindi ako pinapansin nito.Sinisipat ang bahay ko.Inutusan pa akong buksan ang gate.

"Delikado kung uuwi pa ko.Hindi mo naman siguro ako papatulugin sa labas ng bahay mo?"

Nauubusan ng hangin ang utak ko.

Kasing kapal ng goma ng gulong niya ang mukha niya.Ninakawan na nga niya ako ng halik,ngayon naman papasok sa bahay ko ng walang alinlangan.

Pinagbuksan ko na siya ng gate para maiparada nito ang motorsiklo sa maliit na garahe ng bahay ko.
Pagbukas ko ng pinto,kaagad akong tumuloy sa kwarto ko.Kumuha ng mga pamalit.

"Heto ang damit magbihis ka.Kuhanan lang kita ng unan at kumot."sambit ko.

Iniwan ko siya sa sala para maghilamos at magtoothbrush.Pagkatapos kong magpalit ng damit naabutan kong wala sa sala si Mikael.Nasaan na siya?!

Pagkasilip ko sa kwarto,naabutan kong nakahiga siya sa kama ko.

"Hoy!!bumangon ka nga dyan!"

Hinila ko ang paa nito ng hindi ito gumagalaw sa pagkakahiga.

"Hindi ako sanay humiga sa sofa."

Parang mapipigtal ang mga ugat ko sa inis.Hinila ko ang unan na kinasisiksikan ng mukha niya.
Padabog akong lumabas.
Nilabas ko na lang ang extra kong electric fan.Ako talaga ang mag aadjust sa bisita ko.Mukhang wala rin talaga siyang balak umalis sa kama ko.

Kasalukuyan akong natingin sa FB.Biglang may nagpop up sa notification ko.

Friend request.

Nang tignan ko ito.Ang walanghiyang prenteng natutulog sa kwarto ko.

A/N:Weekly updates for this.Walang exact day basta kapag sinipag Go!

DEEPLY MADLY FALL IN LOVE (BXB)Where stories live. Discover now