Chapter 5

107 11 5
                                    

"AKO NA NGA"

Kinuha nito ang kutsilyo sa kamay ko.Siya na ang naghiwa ng mga patatas at carrot.

Araw ng linggo,araw din ng pahinga.
Kahapon naglaba kami ng kaniya kaniya naming damit.Ganoon na lang ang tingin ng mga kapitbahay ko sa amin.O baka kay Mikael lang.

Nakasando lang kasi ito at naka boxer lang.Tipikal na pambahay para sa mga pinoy.Habang nagbabanlaw ito,nagpapakabasa rin sa tubig.

"Baka magkasakit ka sa ginagawa mo.Magpalit ka na,ako na bahalang magsalang sa dryer niyan."

Tumayo naman ito sa kinauupuan niyang maliit na bangkito.Saka pinagpag ang kamay nitong may mga bula.

"Sarap mo sigurong mag alaga,swerte mapapangasawa mo."winisikan ko ito ng tubig sa mukha.

Masyadong mabiro.Hindi ako nag aasam nun'.Masyadong mataas.
Mahirap ng lumagapak.Isa pa hindi rin kapani paniwala ang bagay na iyon sa mata ng iba.

Ginagawa lang biro ang ganitong relasyon.

INILAGAY ko na ang gulay.Matapos kong igisa ang manok.Mechado ang napagdesisyunan naming ulamin.Bale hanggang gabi na kapag may tira.
Nagpaalam si Mikael na may bibilhin lang sa tindahan.Dala pa nga ang phone nito.Mga anim na bahay para sa Sari Sari Store ni Aling Igme.
Madalas kong pagbilhan.

Bale luto na yung kanin at ulam na lang ang hinihintay kong maluto.Matapos ay maghahanda na ako ng mga pinggan.

Mga trenta minuto rin bago bumalik si Mikael.May dalang soda bottle na litro.

"Luto na ba?"tanong nito ng makalapit sa akin.Tinikman ang ulam.

Hindi ko alam kung pinang iinitan ako dahil sa panahon o sa ginagawa ni Mikael sa akin.

Masyado siyang malapit at tila ginigitgit ako sa gazebo.

"Hmm.Masarap ka naman pala magluto."amoy ko yung hininga nitong may pagka mint.Baka kumain na naman ng menthol candy.Hilig niya itong gawin.

Nakasanayan niya raw magdala lagi nito dahil madalas sobrang busy niya sa trabaho.Nakakalimutan niya ng kumain.

"G-ganon?Tara ayusin na natin yung mesa."sa pag iwas ko nakarinig ako ng mahinang pagtawa.

Siya naman ang kumuha ng baso at pitsel isinalin ang soda dito.Tulungan kami sa gawaing bahay.Yun nga lang kailangan ko siyang sermunan minsan.

Sa gabi,tila sardinas kaming dalawa sa sa hindi kalakihan kong kama.Mahilig niyang idantay ang mga braso at binti niya sa katawan ko.Animo'y unan.

Nang matapos kaming kumain,siya ang nagligpit ng pinagkainan at naghugas.Ako naman ay naupo lang sa sala.Pinagmamasdan lang siya.
Nang makita na tapos na siya sa gawain,mabilis akong nag iwas ng tingin.

"Sama ka?"

Umupo siya sa tabi ko.

"Saan naman yan?May pasok na bukas kung gigimik tayo."

Hindi naman ganoon kalakihan ang kinikita ko.Pero sasapat para makapagpasweldo ng tao.

"Basta.Mamayang alas otso tayo alis."
Natulog kami mga bandang alas dos ng hapon.Sakto lang din gising namin ng mag aalas quatro.Konting scroll sa phone at nood ng tv saka napagpasyang maghanda ng susuotin.

Ayaw naman sabihin ni Mikael kung saan ang punta namin.

Black shirt suot ko pero may design itong tiger na neon color.Tas scattered pants sa pang ibaba.White converse ang pinares ko.Nakatali ng kalahati ang buhok ko.

Pagkalabas ko ng kwarto bihis na rin ang loko.Nakashirt din ito.Puti tas may nakasulat na 'Badass Angel' may pagkagothic ang font.

Dark brown ang kulay ng pantalon niya tapos nakaleather shoes ito.Bakat ang mga namumutok niyang braso at dibdib sa damit niya.

Lumapit sa akin ito kaya naman bigla na naman akong nag alangan.Kasi heto na naman yung mga tingin niya sa akin.Nakakaintimida.

Naramdaman ko na lang ang pagtanggal ng tali nito sa buhok ko.Subalit ang mga mata namin ay nakapako sa isa't isa.

Para akong nanalamin sa kulay asul nitong mga mata.

"You know what,right now i wanted to pound you and crawl over your body.Pero alam kong malabo pa na mangyari yun ngayon.Kaya wag kang titingin sa iba."

Parang daang metro ang tinakbo ng dibdib ko ng iwanan niya ako sa sala.
Nakakapanlambot ng tuhod.
Sa isang hotel casino sa makati kami nagpunta.Nakakapagtaka lang dahil hindi naman kami sinita ng guwardiya.Basta diretsyo lang kaming pumasok.

Marahil palagi si Mikael dito.Hindi ko naman ugaling mang usisa.
Sa 17th floor kami nagtungo.Pagbukas pa lang ng elevator kaagad na bumungad ang mga naglalaro nitong liwanag.

Maingay at mausok.

Medyo nag alangan akong pumasok.Dahil sa nakikita ko ngunit nakita kong naglakad na si Mikael kaya naman naglakas loob na rin ako sa pagsunod sa kaniya.

Maingay at sa karamihan ng mga tao siyang dami rin ng alak sa paligid.
Ikinakalma ko ang sarili ko sa pamamagitan ni Mikael.Sa likod nito nakapako ang mga mata ko.

Ramdam ko ang pangangatog ng katawan ko.At ang manipis na hangin na nalalanghap ko.

"Hi!wanna dance?!"isang babae ang sumulpot sa harap ko.Kaagad nitong hinawakan ang mga kamay ko.

Hindi ako party goer,simula kasi ng mangyari yon.Parang hindi na ako sanay sa mga ganitong kasiyahan.Sa t'wing nakikita ko ang dami ng tao at gaano kasikip ang paligid.

Nakakaramdam ako ng takot.Para bang mauubusan ako ng hangin.

"Relax okay?!Saka were here to have some fun."may butil butil siya ng pawis saka niyang noo.

Dahil na rin siguro sa magaslaw niyang pagsayaw.Kung anong ligalig niya sa pag galaw,ako namang natuod lamang at napapatingin sa paligid.
Pawang maingay,magulo at nakakahilong liwanag sa paligid.

"Drink it"

Inabot niya sa akin ang bote ng alak na ibinigay sa kaniya ng kung sino man.Napatingin ako sa berdeng bote ng alak.

Napansin niya ang pag aalangan sa mukha ko.Gusto kong maglakas ng loob inumin ito sa harap niya.
Doon ko napagtanto,na may mga mata ng nakatingin sa akin.

"Drink it!"

"Pare alak lang yan!"

"Iinom na yan!"

Nanginginig ang mga kamay kong inilapit ang alak sa aking bibig.
Sa amoy pa lang,bumabaligtad na ang sikmura ko.

Akmang iinumin ko na ang alak ng biglang may humawak sa kamay ko upang pigilan ako.

Natatakot na napaatras ang babaeng nasa harap ko.

Napatingin ako sa kung sinong pumigil sa akin.Seryoso ang mga tingin nito.

"Just one sip,everything will changed"

DEEPLY MADLY FALL IN LOVE (BXB)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα