Chapter 2

97 12 3
                                    

Napahigit ako ng hininga dahil parang may nakadagang kung ano sa leeg ko.

Akmang kikilos ako ng may dumagan naman sa mga binti ko.Doon ako napamulat.

Sinilip ko ang mga nakadagan sa katawan ko.Mga braso at binting lumilingkis dito.

May mainit na hangin na dumadampi sa leeg ko.

Nang mapalingon ako dito,sa mga nakapikit niyang mga mata ako napatingin.Pababa sa ilong nitong matangos.

Ang mga labi niya ay mapusyaw na rosas.Naninigarilyo kaya ito?

Infairness,mabango ang hininga nito mula sa nakaawang nitong bibig.

Dahan dahan kong inalis ang mga braso at binti nito sa akin.
Nakakapagtaka lang na nandito ako sa kama ko.Gayong nakatulog ako sa sala kagabi.

Pumunta ako sa kusina,nagpakulo ng tubig.Habang naghihintay dito naghanda na ako ng kape at asukal sa tasa.

Saka umupo at hinintay ang pinakulong tubig.

Biglang lumabas sa silid ko ang lalaking ito.Pupungas pungas itong naglakad patungo sa lababo saka naghilamos.

Kinuha ang towel na nasa balikat ko.Saka ipinunas sa mukha niyang basa.

"Good Morning.."bati nito bago umupo sa katabi kong silya.

"Morning."

Napansin kong sinisipat niya ang kabuuan ng bahay ko.Isa lang naman kasi ang silid dito.Walang divider ang sala at kusina.Katabi ng kusina ang palikuran.

Inshort,maliit lang ang bahay ko.Tama lang sa single na gaya ko.

"Nga pala,anong work mo?"

"Barbero."

"Naks,ibig sabihin niyan magaling ka maggupit."

Hindi ko ito sinagot,bagkus sinalin ang kumulong tubig sa termos.Marahil mamaya ay aalis na 'to.

Pinaghanda ko na rin siya ng kape.Baka may masabi pa.

Inilapag ko ang mga tasa namin sa lamesa.Habang mainit pa ang inumin ko,nagpasya na akong maghanda ng masusuot.

Marine blue polo shirt at light scattered denim pants ang hinanda ko.Paglabas ko napansin kong hawak nito ang phone niya habang humihigop ng kape.

Umupo ako at nagsimulang inumin ang kape ko.Hindi na ito nagtanong o nagkwento.Pagkatapos kong uminom ng kape naligo na agad ako.

Nakatapis ako ng twalya ng lumabas ng CR.Ganoon pa rin ang naabutan ko.Hawak ang phone,mukhang pala FB ang loko.

Habang nagbibihis ako narinig ko ang pagbukas ng motor niya.Nagmadali ako sa pagsasapatos.

"Hatid na kita."sambit nito habang binubuksan ang compartment ng motor.

Inabot sa akin ang extrang helmet na nakasabit sa bandang unahan ng motor niya.

Napaismid ako ng mapansing hindi ako nito pinaghelmet kagabi.Main Road pa naman ang dinaanan namin kagabi.Siraulo talaga!

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa.Sayang 45 pesos ko libre pamasahe na.

Nang makita niyang nahihirapan ako sa pagsuot ng helmet siya na mismo ang nagsuot at nag ayos nito.

Sa daan,swabe naman siya magpatakbo ng motor.Hindi kaskasero o sumisingit sa mga sasakyan.

Tinanong niya ako kung malalate na ba ako.Sabi ko may 30 minuto pa ako.Kaagad niyang niliko sa drive tru ng Mcdo.

"Hindi ka pala nag aalmusal sa umaga.Anong gusto mo?"

"Nasanay na ako.Pero sige order mo na ako."sambit ko dito.Pancakes at hotchoco ang inorder ko.Chicken fillet with rice naman ang kaniya.

Akmang bubunot na ako sa wallet ko ng magbayad agad siya sa counter ng isang libo.

"Huy bayad ko."

"Wag na.Libre ko na sa pangbuburaot ko sayo."hindi ko maiwasang pakititigan ang mga asul nitong mata sa side mirror.

"Sa Tandang Sora mo na lang ako ibaba.Baka may pasok ka pa."

"Doon na mismo sa shop niyo.Hindi pa ko late."

"Ano nga pala trabaho mo?"

"Construction Worker."prente nitong tugon.

"Edi dapat maaga ka nga sa trabaho."

Natatakpan man ng helmet ang mga mata naman nito ay makahulugang tumingin sa akin.

Langya,parang masisiraan ako ng bait sa taong ito.

Kumain muna kami sa gilid ng Mcdo.Saka nagpasiyahang umalis matapos ang 10 minuto.

Sa tapat ng Cosmo,nakita ko si miki na naghihintay sa akin.Himala at maaga ang kuting na ito.

Paghubad ko ng helmet nagpasalamat ako kay Mikael.Nagtanong ito kung anong oras kami nagsasara.

"Depende sa dami ng kostumer pero mga 9 pm talaga.Bakit magpapagupit ka?"hindi pa naman ganoon kahaba ang buhok niya para itrim.

"Hindi tanong ko lang.Ge alis na ako."sambit nito sabay harurot.

Si Miki ang nagbukas ng mga pinto.Sa edad na labing siyam pinasok ko na siya dito sa Cosmo dahil na rin sa gustong makapag ipon nito para sa pagbabalik aral niya.

Ulila sa magulang at tanging sa kapatid niya ito naninirahan.Kapos sa buhay ang magkapatid.Nagulat ako ng una nang magpasa ito ng resume sa akin.Wala mang kaalaman,basta gusto niyang matuto at kumita.Bali siya talaga ang naglilinis sa shop.Pinaeextra ko sa paggugupit minsan.

Tinuturuan ko kasi siya minsan at madalas manood sa mga kasamahan niya dito sa shop maggupit.

"Boss,Porener yun ah?"

"Manggogoyo."

"Di nga?Pero parang may spark."kasalukuyan siyang nag aayos ng mga upuan.Binabrush.

"Spark?Nagkatol ka na naman sa inyo,kaya kung anu ano ang pumapasok sa isip mo."

Iniwan ko na ito saka pumasok sa opisina ko.

Nag inventory lang ako saka tinignan ang mga schedule request online.
May iilan na ng kostumer sa labas pagsilip ko sa glass window.

Maya maya ay may nagpop na message request.

Mikael Wilhem sent you a message.

Binasa ko ang message nito.

Kaagad akong napatingin sa wall clock.Lunch break na pala.

"Nagpa Grab ako,bayad na.Kumain ka.Wag kang maarte."

Napangiti ako.

Gago pero ang thoughtful lang.

DEEPLY MADLY FALL IN LOVE (BXB)Where stories live. Discover now