Chapter 3

102 11 3
                                    

Chopsuey,Bbq chicken at fried rice ang pinadala nitong pagkain.

Napapakamot ako ng batok,hindi ko alam kung anong reply ang gagawin ko.

Kaya ang ginawa ko,pinicturan ko muna saka ito sinend sa kaniya.
Nagtatype na ako ng bigla itong magrequest ng videocall.

Nagdadalawang isip ako kung i aaccept ko.Pero mukhang walang balak itong ibaba ang tawag.Kaya sinagot ko na.

Nakabungad itong nakangiti sa akin.

"Kumakain ka na?"

Tanong nito halatang kumakain na dahil hawak niya ang kutsara.

"Kakain pa lang."

Umisang subo ito saka ibinalik ang tingin sa akin.

Ewan kung saan ako masasarapan sa kakainin ko ba o sa taong kausap ko.
Nag umpisa na rin akong kumain.
Buong durasyon ng tawag namin ay kumakain lang kami at pangiti ngiti sa isa't isa.

"Mamaya ulit."paalam niya sa akin.

"Sige.Salamat."

Pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan ay nagtoothbrush naman ako.May VIP costumer ako ngayong hapon.Kaya nag ayos ako ng sarili.

"Boss,nandyan na po siya."kaagad akong sumama kay miki papunta sa VIP area namin.

Noong si lolo pa ang namamahala dito.Nakita ko kung paano kadami ang tao sa lugar na ito.Tawanan at biruan mula sa mga kasamahan niya.Hindi ko makakalimutan kung gaano kasaya ang mga sandaling nakikita ko si lolo na nakangiti habang naggugupit.

Simula ng mamatay ito,pinamahalaan naman ito ni daddy.Until makatapos ako ng kolehiyo.Siya naman ang nagkasakit at nauwi sa maaga nitong pagkamatay.

Dalawa lang kaming magkapatid.Kasalukuyan ngayong nasa ibang bansa si Denise.Si mama naman ay nasa Masbate inaalagaan ang lupa na binili nila ni daddy doon.
Wala na akong ibang maasahan para sa shop ni lolo.

Mabuti naman stable ang kita ko dito.Kaya ipinagpatuloy ko na.

"Dylan!"nabigla ako ng kabigin ako nito at yakapin.Alam kong hindi ako nagkakamali sa nararamdaman ko dito.

Gwapo si Injimar.Yung tipikal na modelo.Moreno,kulay kayumanggi ang mga mata at matangos ang ilong nito na siyang una mong mapapansin.

"May pasalubong ako sayong chocolate at perfume."sinenyasan ang P.A na kunin ito.

"Sir Injimar,upo na po kayo para masimulan na natin."Yakag ni Miki sa kaniya.

"Huy bansot,namiss kita."siya namang kulong sa braso nito si miki,todo reklamo ang huli.

Sinuot ko na ang apron ko saka hinanap ang mga gunting ko at suklay.

Sinimulan ko ng isprayan ang buhok ni injimar na siyang kausap si Miki.
Laking pasalamat kong nandito si kuting dahil kung wala siya,mauuwi sa landian ang session naming dalawa.

Hindi ako manhid sa pinapakita ni injimar sa akin.Pero ayoko lang bigyan ito ng pansin dahil una sa lahat,kilalang tao siya.

Anak siya ng isang senator at isang kilalang batikang artista.

"Oh wala bang pumuporma sa boss mo?"
Napatigil ako sa ginagawa ko.Napatingin ako kay Miki.

"Wala po.Isa pa busy si bossing."

"Mabuti naman saka ikaw ha,mag aral ka na next year.Kinausap ko na si daddy para maipasok ka sa kolehiyo.
"
Laking tuwa ni Miki ng marinig iyon kay Injimar.

"Aasahan ko po yan!"

Matapos kong gupitan si Injimar,niyaya ako nitong kumain sa labas.Subalit tinawagan siya ng manager niya at may event na dadaluhan.

"Sa susunod na lang.Isisingit kita sa schedule ko.Nakakainis sobrang miss kita."

Sa tagal kong pagkakakilala kay Injimar,mabait at dedicated ito sa propesyon niya.Pero hindi ko maramdaman yung dapat kong maramdaman para sa kaniya.

"Ano ka ba?Okey lang saka ipagpahinga mo na lang yung araw na yun.Deserve mo rin ang magpahinga."

Nagpout ito na siyang ikinatawa ko.Parang paslit.

"Tsk,kung pwedeng kidnappin ka at dalhin kita sa isolated island.I will do it!Para lang masolo ka."

"Sira,sige na umalis ka na.Baka mamaya pagalitan ako ng manager mo.Ipasara pa itong shop ko."

Mga alas otso pa lang ay napagpasiyahan na naming magsara tutal ay wala na ring taong nadating.Ako naman din ay nagligpit na ng desk.

"Bossing,may tao pang dumating.Ang kulit sabi ko sarado na tayo.Sabi niya nagpaschedule daw siya sayo."

Namumuryot si Miki ng pumasok halatang gusto na nitong umuwi.Mahirap na kasing sumakay lalo na dito sa bandang Tandang Sora,karaniwang madilim papuntang Circle.

"Sige,mauna ka na.Ako nang bahala makipag usap.Mag ingat ka."

Nagthumbs up pa ito saka nagmadaling kinuha ang gamit.Ako naman ay nilock na ang pinto ng opisina ko.Kakausapin ko na lang yung tao na ipagpabukas na lang kahit agahan ko pa ang pasok.Kung importante talaga.

Bahala na.

Saktong pagharap ko sa main area.Nakita kong prente itong nakaupo sa sofa.Nakatingin kung saan.

"Ginawagawa mo dito?"

Tumayo ito at nag unat.Napansin kong may bitbit itong bag.
Naka plain white t-shirt ito at pantalong medyo kupas ang kulay.Si Mikael yung tipong idikit mo sa maraming tao ay mapapansin mo agad.

"Uwi na tayo."

"HUH?!"

Lumapit ito sa akin,sobrang lapit ng mukha niya.Dahil may ilang pulgada ang taas nito sa akin.Hindi ko maiwasang abutin ng tingin ang asul nitong mga mata.
Napapikit ako bigla ng ipagdikit niya ang mga noo namin.Ngayon dama ko ang init ng hininga niya.

"H'wag kang bingi.Baka halikan kita."

DEEPLY MADLY FALL IN LOVE (BXB)Where stories live. Discover now