KABANATA 5

2.6K 21 1
                                    

Kabanata 5

KANINA pa pagulong-gulong si Kelly sa kanyang kama. Anong oras na pero hanggang ngayon hindi pa rin niya magawa na makatulog. Sino ba naman kasing makakatulog ng mahimbing, 'di ba? Kung hindi siya maka move-on sa naging pag-uusap nilang dalawa ni Adam.

*Flashback*

"Kelly, can I court you?"

Natigilan si Kelly. Halo-halo ang kanyang emosyon na nararamdaman. Hindi naman bago sa kanya ang ganitong usapan. Noong nag-aaral naman siya ay may mga iilan na sumubok manligaw sa kanya pero wala namang nakapasa dahil hindi pa pwede. May priority siya noon at iyon ang makapagtapos ng pag-aaral. Hindi niya masyadong pinagtutuunan ng pansin ang mga ganitong usapan. Simula kasi nang nagtatrabaho na siya, pinatigil na niya ang magulang niya sa trabaho nila.

"Uhm..." Hindi siya makahanap ng tamang salita.

"It's fine, I can wait Kelly." Putol ni Adam sa kanyang sasabihin. Doon lamang siya nakahinga ng maayos. Mukhang naka-halata ang binata na isang mahirap na tanong ang kanyang binitawan.

"Sorry." Nakayukong aniya.

"Don't be sorry... Masyado lang siguro akong mabilis." Pagpapagaan ng loob ni Adam. Hindi kailangan na humingi ni Kelly ng tawad sa kanya. "Don't worry, I can patiently wait for you... whenever you're ready."

*End of Flashback*

Nang matapos ang pag-uusap nilang iyon kanina. Ipinagbuksan siya ng pinto ni Adam, bago siya tumuloy sa loob ng kanilang bahay. Hindi na niya nakausap pa ang mga magulang niya, dahil sinadya niyang i-abot lang iyong pasalubong na binili ni Adam para sa kanila. Hindi na siya nagtagal pa at tinungo na agad niya ang kanyang kwarto para makapagpahinga na.

Sa pagdaan ng ilang oras na kanyang pag-iisip sa naging usapan nilang dalawa ni Adam. Hindi niya namalayan na unti-unti rin siyang nakatulog.

"AKO ang nahihilo para sa iyo. Pwede ba tumigil ka riyan!" Naiinis na saway ni Jaylyn kay Adam. Kasalukuyan siyang ngumunguya ng pasalubong na dala ni Adam para sa kanya.

"I think, I did a wrong move." Wala sa sariling sabi ni Adam, halatang halata ang pagka-aburido sa kanyang itsura. Habang patuloy pa rin sa paglalakad lakad. Kulang na lang ay libutin niya ang buong bahay, mula una hanggang ikatlong palapag.

Pagkapasok pa lang kasi niya kanina ay nadatnan niya si Jaylyn na naghihintay sa kanilang sala. Kaya niya sinasadya ang pagkakataon na makausap si Jaylyn dahil tulad ni Kelly. Babae rin ang kanyang pinsan at malaki ang posibilidad na maintindihan o mabigyan siya ng advice base sa kanyang problema.

Naningkit ang mata ni Jaylyn. "Sinasabi ko na nga—."

"It's not what you think!" Pagputol agad ni Adam. Alam niyang sa punto na iyon, iba na ang nasa isip ng kanyang pinsan. Isang bagay na sigurado siyang sobrang labo niyang gawin.

"Eh ano?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Jaylyn.

"I asked her if I could court her."

Narinig naman ni Adam ang pagak na tawa ni Jaylyn. Sa himig pa lang ng kanyang boses, puno iyon ng duda. "Ahk ahk..." Dahil sa pag tawang iyon nabulunan tuloy siya. Paano ba naman kasi, punong puno ang bibig niya. Tapos sina-sabay niya pa ang pagsasalita animoy hindi kumain.

"Karma." Nakangising ani ni Adam. Nakatanggap naman siya ng irap sa kanyang pinsan na panay ang himas sa kanyang lalamunan.

Nang makabawi si Jaylyn. "Wala naman kasing drinks 'tong dala mo." Reklamo niya.

"Buti nga, dinalahan pa kita. Wala sana akong balak!" Nang-aasar ang tinig ni Adam. "Hindi ka pwede uminom ng softdrinks, 'di ba?"

"Oo na! Huwag mo nang ipamukha sa akin." Inis na tugon ni Jaylyn. Bawal kasi siya sa softdrinks dahil acidic siya. Well, minsan sumusuway pa rin naman siya pero tuwing sumasakit ang kanang tagiliran at nahihirapan siyang huminga. Doon lamang siya titigil. Hindi na natuto, eh!

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now