KABANATA 49

1K 18 0
                                    

Kabanata 49

"WHAT can I do for you, hmm?"

Halos manigas si Kelly sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya nagawa na kumilos kanina, kaya alam niyang malapit na sa kanya si Adam.

Tumikhim siya bago niya lakas loob na hinarap ang kanyang Boss. "Sir," Pormal niya sabi.

Naningkit ang mata ni Adam at tinaasan siya ng kilay. "That is not what I heard from you."

Napalunok si Kelly, pero nilabanan pa rin niya ang tingin ni Adam. "Bingi ka ba, sir?" Sarkastiko niyang sabi. "Ang sabi ko po kanina ay sir." Halos ipagdiinan pa niya ang salitang 'Sir'.

"Fine! Then don't expect me to do what you want." Matigas na tugon ni Adam bago siya mabilis na tinalikuran.

Marahas na napabuntong hininga naman si Kelly. Sa mga oras na iyon, gusto niyang sumigaw dahil iyong inis at galit niya naghahalo na.

"B-Baby," Sumusuko niyang wika. Tila kahit yata anuman na sitwasyon, wala siyang panalo.

Gusto niyang palakpakan ang kanyang sarili dahil muli niyang nakuha ang atensyon ni Adam nang humarap iyon sa kanya. Iyon nga lang natigilan siya dahil hindi na galak ang pinapakita na reaksyon nito, wala ng buhay ang kanyang tingin na pinapakita.

"I know you need something from me and I know also that you are forced to do that," Seryosong sambit ni Adam, malayong malayo na ang kanyang ekspresyon kanina. "So, say it. What is it that you want me to do?" Nanatili pa rin na matigas ang ekspresyon ni Adam. "Para matapos na tayo!"

Napayuko na lang si Kelly at wala sa sariling napakagat sa kanyang labi. "S-Sorry, huwag na lang." Pagbawi niya, halos ikabasag iyon ng kanyang boses. Mabilis na siyang tumalikod at sa pinakamabilis na paraan din ang kanyang naging lakad.

Hindi nakaligtas sa kanya ang paninikip ng kanyang dibdib at iyong pag landas ng luha sa kanyang mata. Bago pa man may makakita sa kanya, mabilis na niya iyon pinahid.

Kaso natigil siya sa paglalakad ng maramdaman niyang may humapit sa kanya. Naging mabilis ang tibok ng kanyang puso dahil doon, nagpupumiglas pa siya pero hindi siya hinayaan ni Adam na gumawa ng paraan para makawala sa kanyang bisig.

Binitawan lamang iyon ni Adam nang tumigil na si Kelly sa pagpupumiglas. Walang naging lakas si Kelly nang pinaharap siya ni Adam, maingat nitong inangat ang kanyang baba.

Ganoon na lamang ang pandidilim ng mata ni Adam nang makita namumula ang mata ni Kelly. Hindi galit para rito kung hindi galit para sa kanyang sarili. Hindi kalaunan ay lumamlam din ang kanyang ekspresyon. "I-I'm sorry," Masuyong sambit ni Adam, puno iyon ng sinseridad. "I didn't mean to make you cry, baby. Forgive me, please..."

Hindi matukoy ni Kelly sa sarili kung ano ang dapat niyang sabihin sa mga oras na iyon. Nagawa na lang niyang yumuko sa harap ni Adam.

Muling siyang napaangat ng tingin nang hawakan ni Adam ang kanyang baba. Gusto nito na laging nagkakasalubong ang kanilang mga mata. Maingat na pinahid ni Adam ang kanyang luha, kahit naman alam niyang natuyo na iyon.

Napapikit na lang si Kelly nang makita niyang papalapit ang mukha ni Adam sa kanya, halos nagpigil din siya ng hininga dahil doon.

Naramdaman na lang niyang dumampi ang labi ni Adam sa magkabilaan niyang mata, tsaka sa kanyang noo.

Sa halik na iyon masasabi niya na sobrang gaan, ibang klase ang pinaparating noon sa kanya.

"I'll come with you, whatever your reason is."

TAHIMIK na nakasakay sa tabi ng driver seat si Kelly, diretso lamang ang tingin sa daan. Hindi naman dahil baka mawala sila, pero iyong ideya na hindi niya alam kung paanong nangyari na lang iyong sitwasyon kanina sa kanilang dalawa ni Adam.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now