KABANATA 15

1.4K 18 0
                                    

Kabanata 15

"HANDA na ba lahat?"

Nasa sala sila Johan at ang anak niyang si Jaylyn. Hinihintay nila na matapos mag-ayos ng gamit si Adam. Ngayon kasi ang alis nito pabalik ng Manila. Kailangan na kasi siya ng kompanya nila. Ayaw pa man ng mag-ina na umalis siya, kung hindi pa man siya handa. Pero si Mr. Dela Fuente na ang nagsabi na bumalik na siya, kaya wala na siyang magagawa pa.

"Sobra na ang binigay kong palugit. Go home, Adam!"

Sobra na nga. Dahil hindi naman kasama sa bakasyon nito ang mahulog... at ang usapan lang talaga nilang mag-ama ay dalawang buwan. Kaya wala na siyang nagawa pa nang sabihin iyon ng kanyang ama, noong huli silang nag-usap. Ang tanging paraan lang para matigil na si Mr. Dela Fuente at makuha na nito kung ano ang talagang gusto niya. Iyon ay ang pagbabalik ni Adam sa totoong mundo na kinabibilangan nito.

Ang bumalik ng Manila at harapin ang nakatakda sa kanya.

"Yes, I think I'm good to go."

UMAGANG-umaga, sira kaagad ang mood ni Kelly. Paano ba naman? Wala kasi siyang pasok dahil linggo. Gusto naman sana niyang magpahinga ng matagal, dahil itong araw lang ang pagkakataon niya para magawa iyon. Ngunit, hindi niya magagawa dahil maaga siyang ginising ni Mr. Tolentino.

"Pa naman... ang aga pa po." Nagmamaktol nitong sabi kay Mr. Tolentino.

"Sinabihan naman kita kagabi, 'di ba?"

Nagpaikot-ikot pa si Kelly sa kama. Hindi pa niya maiwasang mapa-padyak. Kulang na lang talaga ay mahulog siya dahil sa kanyang ginagawa. "Hindi po ba pwedeng sa ibang araw na lang?" Humihirit pa niyang tanong, umaasa na pwedeng magbago pa.

"Hindi!" Matigas na sabi ni Mr. Tolentino. Hindi mababakas sa boses nito ang pag-asa na pwede pang magbago ang desisyon nito. "Kaya bumangon ka na at mag-ayos!"

Napasimangot na lang si Kelly. Alam na alam kasi niyang wala na siyang magagawa pa roon. Kahit pa mas litaw ang kagustuhan niyang ipikit pa ang mata at ituloy ang kanyang pagtulog. Hindi tuloy niya maiwasan na tanungin kung mas importante ba iyon kaysa sa tulog niya?

"Bakit nakasimangot 'tong anak mo?"

Malinaw na narinig ni Kelly ang tanong na iyon ni Mrs. Tolentino. Saktong pagkaupo pa lang niya sa harapan ng hapag kainan, habang busy naman ng kumakain si Mr. Tolentino. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin, nagkibit balikat lang ito sa kanyang asawa.

Bakit hindi mo po sabihin ang totoo papa? Kasalanan mo po ito.

"Kumain ka na lang. Gutom lang 'yan." Komento naman ni Mrs. Tolentino, na para bang iyon ang tanging solusyon para mabago ang mood nito.

Hindi pagkain ang gusto ko, mama. Tulog... iyon lang, sapat na.

Gustong-gusto sabihin iyon ni Kelly pero pinili niyang manahimik na lang at pilit na nilantakan ang pagkaing nakahanda sa kanyang harapan.

"Bakit po tayo nandito, papa?"

Naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Kelly. Kaba, gulat, pagtataka... Hindi niya mawari kung bakit sila nasa harapan ng bahay nila Jaylyn. Pagkatapos kasi nilang kumain kanina ay minadali pa siya ni Mr. Tolentino sa pag-aakala na kung saan sila pupunta. Lingid sa kanyang kaalaman na sa tapat lang pala ng kanilang bahay.

"Maghintay ka na lang." Iritado pang tugon ni Mr. Tolentino.

"Nagtatanong lang naman po."

Naningkit at tumaas ang kilay ni Mr. Tolentino. "May sinasabi ka?"

Mahina na nga iyon, narinig pa.

Umiling na lang si Kelly at ngumiti. "Wala po."

"TARA na."

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now