KABANATA 35

994 15 0
                                    

Kabanata 35

"PAKI-ABOT nga ako niyang papel Kelly, kung tapos ka na," Wika iyon ni Alex nang hindi man lang binalingan ng tingin si Kelly. Kasalukuyan kasi siyang may inaayos na papeles na kailangan niyang matapos ngayong araw.

Tuwing hapon kasi kailangan nila iyon na matapos dahil ipapadala pa nila sa kanilang amo. Kapag kasi may mga papeles na kailangan na pirmahan talagang tinatapos nila, kaya minsan nahuhuli silang dalawa ni Kelly na umuwi dahil sa kanila iyon ipinagkakatiwala ng kanilang amo. Idadaan pa nila iyon sa mismong bahay ng kanilang boss.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong iwan ni Kelly ang anak sa yaya nitong si Lyn. Simula naman noon, hindi pa man nagkaroon ng problema. Hindi naman sa ipinagdadasal niyang magkaroon ng problema sadyang para kay Kelly talagang nakakapagtaka.

Hindi niya lubos maisip na ganoon pala madaling makuha ang loob ng kanyang anak. Hindi na rin siguro siya magtataka sa puntong iyon. Kung tutuusin, pagdating sa ganoong usapan. Hindi niya iyon maikakaila, dahil alam niyang isa siya sa mga taong madaling makuha ang loob. Hindi niya kailanman iyon maitatanggi, noon. Pero para sa kanya, matagal nang lumipas ang panahon na iyon. Matagal na rin niyang binago ang pag-uugali na iyon.

"Kelly..." Sa puntong iyon binalingan na siya ni Alex. Ngunit nakapalumbaba pa rin si Kelly tila ang lalim ng kanyang iniisip, parang naglalakbay. Sobrang layo na ng kanyang narating sa kanyang pag-iisip.

Nang wala pa ring makuhang sagot si Alex, nilapitan na niya si Kelly. Nagawa pa nitong umupo sa upuan sa harapan nito. Ngunit, hindi man lang gumalaw o kumurap man lang si Kelly. Hindi niya pa rin napapansin si Alex.

"Kelly!" Pag-uulit ni Alex, medyo nilakasan pa niya ang kanyang boses. Sapat na iyon para marinig ni Kelly, iwinagayway pa niya ang kamay sa harapan nito. Ngunit, wala pa rin talaga. Napabuntong-hininga si Alex, bago pumalakpak nang malakas.

"S-Sunog s-saan? Saan? Bakit hindi pa tayo umaalis? Tara na, iyong a-anak ko!" Napabalikwas si Kelly, at taranta pang kung ano-ano ang lumabas sa kanyang bibig. Ngunit, natigilan siya at doon lamang niya nakuha na kumalma nang makita na pinagtitinginan siya ng katrabaho nila.

Lahat nang mata nakatutok sa kanya, nagtataka kung anong nangyari sa kanya.

Nang mabaling naman ang kanyang tingin kay Alex, sapo-sapo nito ang kanyang mukha at umiiling-iling pa.

Nanlumo si Kelly, nanghihina siyang napa-upo at mariin na lang na napapikit. Doon lang siya nagising, dahil sa kahihiyan na nararamdaman para sa kanyang sarili.

Ano bang nangyari sa iyo, Kelly?! Nakakahiya ka!

"Gusto mo bang umuwi na lang at magpahinga?" Tanong sa kanya ni Alex, pagkatapos ng medyo mahabang katahimikan.

Nag-angat naman si Kelly ng tingin kay Alex. Ilang beses siyang umiling. "Hindi!" Halos pasigaw pa niya iyon na sinabi. Mabilis naman niyang tinakpan ang kanyang bibig. "Ibig kong sabihin, hindi. Ayos lang ako, bakit naman ako uuwi? Wala namang problema, ha," Depensa niya sa sarili.

Kumunot naman ang noo ni Alex. "Ang dami mong sinabi, masyado ka pang defensive. Tinanong lang naman kita kung gusto mong umuwi at magpahinga na lang. Masasagot lang naman ng oo at hindi iyon. Kulang na lang papunta ka nang pagsagot ng essay, eh." Hindi maiwasang punahin ni Alex ang sinabi ni Kelly, halata kasi na wala pa rin iyon sa kanyang sarili.

Sumama naman ang timpla nang mukha ni Kelly. "Bakit kasi tinatanong mo pa kung gusto kong magpahinga? Hindi pa naman uwian, tanghali pa nga lang, oh!" Sabay sulyap pa niya sa orasan. Malapit pa lang na mag-alas dose ng tanghali.

"Wala ka kasi sa sarili mo!" Giit naman ni Alex. "Kanina ko pa pinapaabot iyong papeles kung tapos ka na sa ginagawa mo, pero hindi mo ako pinapansin."

Humugot nang malalim na hininga si Kelly. Napailing na lang siya nang magbalik sa kanyang isipin ang nangyari, ilang oras lang ang nakalipas. "Pasensya ka na, may iniisip lang ako," Paghingi ni Kelly ng paumanhin. Dinampot niya ang papeles at inabot iyon kay Alex. "Eto na, balik ka na sa upuan mo. Para magawa mo na iyan at hindi na tayo abutin pa nang gabi." Ayaw man ni Kelly nang ipagtabuyan si Alex, ngunit ramdam niyang gustong magtanong ni Alex sa kanya. Kulang na nga lang iwasan niya iyon ng tingin, dahil halatang-halata sa mata nito na gusto niyang magtanong. Ayaw niyang tanungin siya, dahil hahaba na naman ang kanilang pag-uusap at mayroong parte kay Kelly na ayaw niyang sabihin ang kanyang dahilan.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now