KABANATA 12

1.3K 16 0
                                    

Kabanata 12

"NANDIYAN na ang sundo ng Prinsesa... Prinsesa, hindi nga lang nakaupo sa tasa."

Sinamaan ni Kelly ng tingin ang ka-trabaho niyang si Alex. Inaasar na naman kasi siya nito. Simula nang ihatid kasi siya ni Mr. Tolentino sa opisina, iyon na ang lagi nitong sinasabi. Uwian na nila ngayon, at kahit malayo pa lang tanaw na niya si Mr. Tolentino na naghihintay sa kanya. Isang malaking oo, dahil hindi lang siya hinahatid. Siya rin ang sinusundo nito.

Pakiramdam nga ni Kelly ay para siyang bumalik sa pagkabata, iyong panahon na siya ay nag-aaral pa. Pero kahit ano namang reklamo niya, hindi pa rin niya kayang suwayin ang kanyang magulang. Kung ano ang kanilang gusto, iyon pa rin ang masusunod.

"Sana all." Dagdag pa ni Alex.

Mas nadagdagan ang inis ni Kelly. "Pwede ba manahimik ka na lang?" Sinabayan pa nito ng irap nang balingan niya si Alex. Kahit anong iwas niyang hindi sungitan si Alex, mukhang may maliit na porsyento siyang nakuha mula kay Mrs. Tolentino.

"Attitude ka, girl!"

"Ano?" Hamon pa ni Kelly.

Inakbayan naman siya ni Alex. Tsaka natatawa na umiling. "Wala... Ikaw naman. Lagi kang hindi mabiro..." Lambing ni Alex.

Maiinis pa sana si Kelly dahil sa iba na naman na kilos ni Alex nang nahagip ng tingin niya si Mr. Tolentino na hindi kalayuan sa kanila, may munting ngiti ito sa kanyang labi. Kaya ba siya inakbayan ni Alex?

Pang best-actress talaga si bakla! May paninindigan!

"Magandang hapon po, uncle." Bati ni Alex nang tuluyan silang makalapit kay Mr. Tolentino, bago nito kinuha ang kamay at nagbigay galang kay Mr. Tolentino. Tunay ngang best actress, kapag siya ang kaharap. Akala mo kung sinong lalambot lambot, pero kapag iba na ang kaharap akala mo naman kung sinong rebulto. "Magandang hapon rin sa'yo, hijo..." Nakangiting bati pabalik ni Mr. Tolentino, hindi na nawala ang ngiti nito hanggang sa makalapit silang dalawa.

Pinasadahan naman ni Kelly ng tingin si Alex, mas nauna pa kasing lumapit kaysa sa kanya.

Akala mo naman siya ang may tatay, eh?

Napailing na lang si Kelly. Nasa acting mood pa rin kasi si Alex, masyado niyang pinapanindigan.

"Papa, mano po." Agaw pansin ni Kelly kay Mr. Tolentino.

Inalok naman nito ang kanyang kanang kamay. "God bless."

Naglipat lipat ang tingin ni Mr. Tolentino sa kanilang dalawa, dahilan para mangunot ang noo ni Kelly. Nagtataka kung ano na naman ang mayroon. "Bakit po, papa?"

"Bagay." Nakangiting sabi ni Mr. Tolentino, na tinataas baba pa ang kanyang kilay.

"P-Po?" Gulat na wika ni Kelly. Habang si Alex naman ay tahimik lang na nakikinig sa pag uusap ng mag-ama. Iniiwasan nitong magsalita, dahil alam niyang hindi iyon magugustuhan ni Kelly. Lalo na kung may masabi siyang hindi naman dapat.

"Wala." Umiling iling pa si Mr. Tolentino. "Sabay ka na." Baling nito kay Alex na nanatili pa rin na tahimik. "Ah-eh... huwag na po." Nag-aalinlangan pa na sagot ni Alex.

"Sige na..." Pilit pa ni Mr. Tolentino, porsigido talaga na isabay si Alex. "Ayaw ko nang tina-tanggihan ako."

Napakamot na lang si Alex sa kanyang batok. Wala siyang choice kung hindi ang pumayag sa kagustuhan ni Mr. Tolentino. "Sige po."

"'Yon! Haha. Tara na." Masayang pag-aya ni Mr. Tolentino sa kanilang dalawa.

NAISIPAN ni Kelly na buksan ang kanyang telepono. Isa rin iyon sa utos ni Mr. Tolentino, ang hindi siya gumamit ng telepono. Ang dahilan ni Mr. Tolentino nang itanong niya iyon ay panigurado raw kasi na tatawagan siya ni Adam. Napaka-advance talaga ni Mr. Tolentino mag-isip. Syempre, hindi pa sila gaano ka-ayos ng panahon na iyon. Kaya naman, wala siyang naging choice kung hindi sundin ang pinag uutos ni Mr. Tolentino.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now