Seasons of Love: Twelve Days of Christmas

218 9 2
                                    

INTRODUKSIYON

Mula sa mga nabuong alaala ng kolaborasyon ng Carols of Love at Season of Rainbows ay isang panibagong kolaborasyon ang siyang susubok na magbahagi sa inyo ng mga makukulay na kwento na siyang magbubukas sa inyong isipan at puso, na siyang magbabahagi sa inyo ng aral at pagpapaunawa.

Sa pinagsamasamang pagsisikap, sipag, at puso ng mga manunulat na nagkaisang buuin ang espesyal na koleksiyong ito ng mga kwento sana nawa'y magawa niyong buksan ang inyong isip at puso na sa mundo ng mga bahaghari ay hindi nawawala ang diwa ng Pasko. Sa mundo ng mga bahaghari ay may tunay na pagmamahal na hindi natin basta lamang dapat na ginagawang katatawanan o di naman kaya'y husgahan.

Ang pag-ibig ay tulad ng panahon, darating ito ng hindi natin nalalaman, darating ito na hindi sinasabi kung sino nga ba ang darating para sa atin, wala itong pinipili, wala itong nakikitang katauhan, hindi ito humuhusga, sa halip tulad ng panahon ang pag-ibig ay dapat na niyayakap, tinatanggap at sinusulit habang nariyan, may panahong mabilis na lilipas, ngunit may panahong magtatagal.

Kaya naman mula sa pamosong awitin na Twelve Days of Christmas bilang aming inspirasyon, lumikha kami ng mga kwentong na siyang magpaparamdam sa inyo ng lungkot, saya, pag-asa, inspirasyon, motibasyon, at init ng pagmamahal.

Nawa'y inyong pakinggan ang himig ng puso ng bawat karakter sa mga kwentong dito ay nakapaloob.

AUTHORS' NOTE:

Ang lahat ng kwento sa koleksiyong ito ay orihinal na likha ng mga may akda, ito ay isinapubliko/nilimbag ng mga kabilang na may akda sa kanikanilang account upang marami ang dito ay makabasa. Ano mang pagkakahalintulad sa pangyayari, lugar, pagkakakilanlan at iba pa ay hindi sinasadya at pawang nagkataon lamang.

Kung ang mga kwentong ito ay sa tingin niyo'y sumasalungat sa inyong paniniwala o nalalaman, nakikiusap kami na isara mo na lamang ang librong ito at humanap ng mababasa na babatay sa iyong panlasa. Ito ay nilikha para sa mga may malawak na pang-unawa, umuunawa, at nais pang umunawa.

Seasons of Love: Twelve Days of ChristmasWhere stories live. Discover now