White Christmas

31 2 0
                                    

Anong kaya mong gawin para sa minamahal mo? Kaya mo ba siyng patawarin kung magkakaroon siya ng kasalanan na alam mong makakasira sa inyo? Kakayanin mo bang patawarin ng buong buo para lang sa pag ibig?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Anong kaya mong gawin para sa minamahal mo? Kaya mo ba siyng patawarin kung magkakaroon siya ng kasalanan na alam mong makakasira sa inyo? Kakayanin mo bang patawarin ng buong buo para lang sa pag ibig?

Kung ako kasi ang tatanungin? Hindi ko alam. Hindi ko siguro kakayanin. Hope ang pangalan ko, at ito ang kwento ko.

Hope's Point of View

"Forgiveness, what about this word?" Tanong ng Professor ko na nagtuturo sa harapan. "How do you define the Forgiveness."

Napakamot ako sa ulo ko nang marinig iyon. Malamang isa na naman ako sa tatawagin para magpaliwanag ng pagkahaba haba tapos english pa!

Nakahinga naman ako nang maluwag nang hindi sa akin nabaling ang mata niya. Ayoko munang sumagot.

Hindi dahil sa tinatamad ako. Kung hindi dahil may naaalala ako sa salitang "Forgiveness" o "Pagpapatawad". Paano ka nga ba magpapatawad ng isang tao na bukal sa iyong puso? Kailangan ba talaga ng regalo? Effort? O kailangan lang malaman kung sincere siya sa paghingi ng tawad?

Yan ang madalas ko kasing tinatanong sa mga kakilala ko. Pero iba-iba sila ng sinasabi, iba iba rin sila ng affirmation . Kaya kahit anong paliwanag nila eh hindi ako malinawan.

"Mr. Hope! Tulala ka na naman!" Ang malakas na pagsaway niya sa akin. Bigla siyang kumuha ng stick at ibinigay sa akin iyon. Palihim na lang akong nakasimangot dahil doon. Alam ko na ang ibig sabihin nito, tsk!

"It's better to listen first sa itinuturo ko bago sa unnecessary things and thoughts na nasa utak mo," ang dagdag niya pa. "Okay, dahil hindi ka nakikinig. Please define the Forgiveness in your own word."

Napairap na lang ako bago tumayo at ibuka ang bibig.

"Forgiveness is a gift," ang nasabi ko nalang na ikinatango niya. Nahalata ko naman ang pagtingin ng lahat sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Kinuha ko ang journal ko at tinignan kung may schedule ba ako this week.

Nakita ko ang date na December 1, 2018. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ito yung unang araw ng disyembre kung saan ko siya nakilala.

December 1, 2015 (6:00 pm)

Naaalala ko pa noon kung saan kasa-kasama ko ang mga pinsan kong may planong mangaroling. Gagamitin kasi namin ang mga makokolektang pera para makapagpatayo ng kubo malapit sa likod bahay namin kung saan madalas kaming natambay.

Biglang nagstrum si Mark ng gitarang gagamitin. Siya ang may hawak ng instrument dahil mahilig siya sa mga ganito. Siya rin yung mas matanda sa aming magpipinsan at may idea ng caroling.

Napangiti ako ng marinig ang pamilyar na tono na itinutugtog niya kahit na intro pa lang.

"Santa tell me—" napatigil siya sa pagkanta ng hindi sinasadyang mapiyok ito. Bigla kaming nagtawanan lahat dahil sa nasaksihan. Maganda na sana pero boses niya ang problema.

Seasons of Love: Twelve Days of ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon