Isang Tasang Kape sa Umaga ng Ating Unang Pasko

41 2 0
                                    

DEDICATION:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DEDICATION:

To 2021– a year of personal beginnings that hopefully will have their positive endings.

DESCRIPTION:

It's never easy taking the next step in a romantic relationship, but you can always talk it out with your partner... maybe, over a cup of coffee.

Isang Tasang Kape sa Umaga ng Ating Unang Pasko

Part 1. Present.


"Matutunaw na iyan sa katititig mo," pabulong na biro ng best friend ni Arbie na si Jean habang inihahanda nito ang mga ingredient ng next batch ng coffee cake na ibe-bake nila para sa araw na iyon. Ang matamis na amoy ng cake at ang matapang na amoy ng kape mula sa mga kasalukuyang nasa oven ang siyang nangingibabaw.

Napansin kasi ni Jean na kanina pa siya nagnanakaw ng tingin sa mag-iisang taon na niyang boyfriend na si Kenneth Velasco, isang editor sa isang independent publishing company na may warehouse office malapit sa kanilang coffee shop na Cafe Caffeinated.

Kasalukuyan itong nakaupo sa isang table kasama ang dalawa nitong katrabaho. Nakalatag sa harapan ng mga ito ang kani-kanilang laptop at mga notebook at planner na maya't maya nilang binubuklat upang may tingnang impormasyon o kung ano pa man.

Kanina pa dumating ang mga ito, bago mag-lunch break. Maliban sa panakaw na yakap at halik nito sa kanyang noo nang magkasalubong sila sa CR ng coffee shop ay hindi na sila nakapag-usap pa. Ilang minuto na ring napansin ni Arbie na hindi nag-aangat ng tingin si Kenneth mula sa pagtitipa nito sa laptop. Malamig na rin siguro ang tasa nito ng black coffee, karaniwan nitong ino-order kapag gusto nitong mag-focus sa trabaho, na hindi man lang yata nito masyadong nainom dahil sa sobrang pagka-busy.

Batid ni Arbie na dahil iyon sa paparating na Christmas Holidays, kaya tambak ang trabaho ng mga ito at ngayon nga ay nagkukumahog na mabawasan man lang ang mga iyon kahit papaano bago dumating ang dalawang linggong bakasyon.

"Shut up, Jean." kunwari ay naiinis niyang saway sa kaibigan, kahit na ang totoo ay medyo nahihiya rin siya dahil nahuli nitong natutulala na naman siya sa boyfriend niya. He's not used to wearing his emotions on his sleeves but with Kenneth, parang napapadalas mangyari ang gayon. And people around him have started noticing and teasing him about it.

Being his longtime bestfriend, since Junior High pa, kabisado na ni Jean ang timplada niya. Tinaasan lang siya nito ng kilay at hindi pinansin ang kanyang bad mood. Naaliw pa nga ito habang pinagmamasdan ang kanyang reaksyon.

"Hindi ka pa ba nagsawang titigan si Prince Charming mo kaninang umaga bago pumasok sa trabaho?" tanong nito, isang opening para simulan ang pambubuska sa kanya.

Pero taliwas sa inaasahan nitong asar-talo at medyo namumulang ekspresyon, natahimik si Arbie. Nagtaka si Jean. Nang ilang segundo na ang lumipas ay sumeryoso ang kanyang mukha. "Arbie? What's wrong?"

Seasons of Love: Twelve Days of ChristmasWhere stories live. Discover now