King's Prince

20 3 0
                                    

Year 2007

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Year 2007

Graduation namin ng elementary. Kasama ko sila mama at papa. Dapat masaya ang araw na 'to dahil ang alam ko talaga magiging first honor ako. Pero bumagsak ang pangarap ko nang dahil sa lalaking masayang umaakyat sa stage hawak-hawak ang diploma niya. Marami pang nakasabit na medalya dahil masyado siyang pabida sa mga school activities.

Mas lalo pang nagpuyos sa inis ang kalooban ko dahil tumingin pa siya sa'kin at benelatan ako.

"Madapa ka sana."

Lumalakas na ang tibok ng puso ko nang pababa na siya ng hagdan. Tinuwid ko ang upo at inangat pa ang ulo para makita ang pagkahulog niya. Nasa huling baitang na siya. Handa na ang malakas kong pagtawa. Pero muling bumagsak ang pag-asa ko. Nagtuloy-tuloy si King maglakad at lumapit sa mga magulang niya.

Year 2008

Inis na inis na naman ako dahil kaklase ko ang King Villareal na 'yun. Sinabihan ko na noon si Mama na ilipat ako ng ibang school pero masyado raw mahal kapag bibiyahe ako ng malayo. Kaya kahit na labag sa loob ko, wala na rin akong naikontra pa.

"Kailangan natin ng class president this school year. So anyone who wants to nominate themself?"

This is my time to shine. Alam kong hindi ino-nominate ni King ang sarili niya dahil mahimbing pa siyang natutulog sa likod. Handa na akong sumikat ulit. Handa na akong maging number 1 ulit. Handa na akong maging karapat-dapat na maging top sa school. Hindi katulad ng lalaking 'yun. Kung hindi tulog, absent naman.

"Ako na po ma'am!" masiglang sambit ko.

"I nominate myself."

Dahan-dahan kong binaba ang kamay at lumingon sa likuran. Nakangisi siya sa akin habang mayabang na naglalakad papunta sa harapan.

"Hindi mo ko mauungusan Prince. Prinsipe ka lang hari ako." Nilagpasan niya ako. Bagsak ang mga balikat kong nagpapadyak na bumalik sa likuran.

Year 2009

"Nakakainis!" Sinipa ko ang nakita kong bato. Nasa basketball court ako. Palakad-lakad habang nagpupuyos na naman sa inis ang kalooban ko, "Lagi na lang si King na 'yun ang pinipili nila maging class president!"

Siya na nga noong first year pati ba naman second year? Baka kunin din niya ang third at fourth year.

"Watch out!"

Huli na nang makita ko ang papalapit na bola ng basketball papunta sa direksyon ko. tumama sa ulo ko ang bola hanggang sa matumba at maging dalawa ang paningin ko sa taong lumapit sa'kin.

"Isinigaw ko na nga eh. Ang bingi mo kahit kailan!" Papalayong bulto ni King na lang ang naaninag ko.

Peste talaga ang lalaking 'yun! Humanda siya sa'kin. Maghihiganti ako.

Seasons of Love: Twelve Days of ChristmasWhere stories live. Discover now