38

4.6K 81 25
                                    

🔺IM INNOCENT🔺
***


Araw na ng pasok ni Heiji kaya nagmamadali na akong bumangon at naghanda ng pagkain namin.

Pumapasok parin ako bilang isang Secretary ni Friosty pero dama mo naman na hindi ako nagiging secretary.

Kinukuha niya ang mga papeles na gagawain ko then siya na ang gagawa at uutusan niya lang ako na umupo sa couch sa loob ng office niya tsaka titignan na parang isa akong diyamanteng ayaw niyang mawala sa paningin niya.

Cheesy ha! Dahil nga nagmamadali na ako ay nagluto na ako at ng makatapos ay naligo na din ako. Ginising ko na din naman ang bata at pinakain muna bago paliguan.

Nagmamadali na din kaming dalawa dahil baka malate siya sa school. Nakalabas na kami at magaabang na sana kami ng cab sa kalsada ng pumarada ang Isang itim na kotse sa harapan namin.

Bumaba naman ang salamin non and our eyes met. It was Froisty. What a great timing, napailing nalang ako at tumingin sa kaniya.

"Get in. Baka malate pa ang bata." Saad niya kaya pinagbuksan kona ng pinto ang bata sa likod ng sasakyan at ako namna ang sumakay sa Passenger seat.

"Alam kong ngayon ang pasok ng bata and napadaan lang ako so naisip ko na daanan na kayo." Paliwanag niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Talaga lang ha." Please insert a sarcasm in my voice.

"Malayo ang building mo sa apartment namin at kung dadaan ka naman sa ibang establishment ay hindi mo namam madadaanan ang daan papunta sa bahay namin. Come on baby, talagang sinusundo mo lang kami." I uttered and smirk.

Nakita ko naman ang pagtaas ng labi niya at napailing. "You got me baby." Natatawa niyang sambit.

Nag kibit balikat naman ako at proud na tumingin aa gray niyang mga mata.

"Ahuh, ako paba." I said again and wink. Napailing nalang siya tsaka hindi na nagsalita kaya mabilis lang kaming nakarating sa school ni Heiji.

Pagkaparada ng sasakyan sa gilid ng kalsada ay lumabas na ako ay inalalayan ang bata na makalabas.

Inayos kona muna ang kwelyo niyang nagusot pati ang buhok niya. Ngumiti naman ako sa kaniya at tinapik ng mahina ang ulo niya.

"Behave okay! Huwag kang magpapakatigas ng ulo kay teacher ha." Paalala ko sa kaniya.

"And also, eat your lunch and mirienda later, ayoko makakita ng tira jan sa lunch box mo ha." Pahabol kopa.

"Yes po Ate. Ate kiss ko." Saad niya kaya nag kneel down ako at hinalikan niya ako sa pisngi. Napangiti nalang ako at kumayaw ng makaalis na siya sa harap ko.

Tinignan ko pa siya hanggang sa makapasok sa loob ng gate at tsaka pa lang ako tumayo at pumasok sa loob ng sasakyan.

Nakita ko naman kaagad ang maaliwalas na mukha ng gwapo kung boyfriend. Pumasok na ako sa loob at tsaka umayos ng upo.

Napatingin naman ako sa kaniya bigla ng kuhain niya ang kamay ko ay idala iyon sa labi niya para halikan.

"Ano nanaman yan ha. Di ka nagsasawa sa kamay ko mapupudpud yan." Saad ko. Mahina naman siyang tumawa at hindi pinansin ang sinabi ko.

Hindi na din naman kami kumibo pero komportable kasi sa silence na bumabalot saaming dalawa. Hindi mabigat at hindi rin awkward.

Mabilis lang niyang minaobra ang sasakyan at nakarating na kami sa building niya. Hindi kami dumadaan sa front way. Sa basement kami dumadaan para iwas chismisan na maganap.

Pumasok na kami sa loob na hindi niya padin tinatanggal ang hawak sa kamay ko. Nakasanayan na niya yan kaya hinahayaan ko nalang din naman.

"Bakit ba kasi inilagay mo pa sa loob ng office mo ang table ko? Pwede naman kasi sa labas e." Saad ko ng makapasok na kami sa loob ng opisina niya. Pumunta naman siya sa table niya at humalukipkip habang nakatingin saakin.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now