01

8.9K 225 11
                                    

Nakatulala lang ako sa hangin habang hinihimig ko ang aking sarili. Tumatahip ang malakas na hangin at lahat iyon ay nasasalo ng aking balat.

kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi ko parin makalimutan ang lahat.

Hindi parin mawala sa isip ko ang mga nangyari. Mapait akong napangiti dahil sa kagagahan ko noon.

"Ate!! Come here!!"

Sigaw ng aking kapatid, at sa huling sandali pa ay mapait akong napangiti dahil sa katangahan, kagagahan, at kapusukan ko noon.

"Coming!" Sigaw ko din at pumasok na ako sa loob at dumiretsyo sa may sala. Doon ko nakita si Heiji.

May hawak siyang ice cream sa kabilang kamay, habang ang cellphone ko naman ang nasa kabila. Napaarko ang kilay ko habang nakatingin sa kaniya.

"Bakit, Ji?" Tanong ko at lumapit ako sa kaniya.

Ngumiti naman siya saakin at iniabot ang cellphone ko, kinuha ko naman iyon at may caller.

Nagtataka akong tumingin kay Ji pero abala na itong kumakain ng ice cream.

"Hello?" Itinapat ko na ang cellphone sa tenga ko at tumayo.

Lumayo ako sandali kay Ji dahil nanunuod siya ng cartoons na full volume pa, baka hindi kami mag karinigan ng tao sa kabilang linya. Unknown number pa baka importante.

"Hello."

Ulit ko ng wala man lang sumagot sa kabilang linya, napaarko nanaman ang kilay ko tsaka ko tinignan ang call I.d, unregister iyon na siyang ipinag tataka ko.

"Cristlea.."

Parang binundol ng sobrang lakas ang aking dibdib dahil narinig ko ang boses na iyon, buo at mala batas parin hanggang ngayon, kahit ilang taon na ang lumipas at ilang taon na ang dumaan ay nanatili parin siyang makapangyarihan at pilit ibinabaon sa limot ang lahat.

"Hello Old man,"

Pag tatawag ko sa kaniya pabalik, without any reations in my voice, plain and blankly. I used to do this, mas mainam ng mag panggap dahil baka masaktan nanaman ako sa mga salitang lalabas sa labi niya.

I heard him laugh pero hindi kagaya ng ibang tawa na may saya, pananabik at may pinagmulan. Ang tawa niya ay blanko, may laman at mababakasan mo ng awtoridad.

Hindi naman kami ganito noon. We're sweet and happy. Not until the day that crash my whole being. Itong nangyari limang taon na ang nakakalipas.

Sinira nun ang lahat, mga pangarap na pinag hirapan kong buuin, karangyaan at mala prinsesa na may kaharian ay biglang nag laho na parang bula dahil sa nagawang pagkakamali.

"How are you Cristlea."

He doesnt ask me. Wala na sa bokabularyo niya ang kamustahin ako. Isa lang iyong salita na walang mababakasan ng pagmamahal kundi simpleng salita na wala ng halaga.

"Im fine. Bakit ka tumawag?" Tanong ko na dahil panigurado naman na may kailangan nanaman siya kaya siya tumawag.

Besides, hindi na niya ako pag-aaksayahan pa ng panahon kung wala siyang kailangan pa saakin. Tumawa ulit siya ng kagaya kanina, hindi mo padin mababakasanan ng kahit konting saya.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now