07

4.2K 138 4
                                    

"Good morning Sir."

Nagkanda tapilok-tapilok pa ako ng dahil sa pagkamamadali na makapunta sa CEO'S OFFICE.

Sobra din ang kaba ko dahil sa galit na boses ni Sir kanina sa telepono.

Nasa harap na ako ni Sir Friosty and he was looking at me angrily. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit. Nakakatakot ang titig niya.

"May maganda ba sa umaga Ms. Morntisor?" Sarkastikong tanong niya kaya napalunok ako.

Hindi ako pwedeng maging maldita at mag mataas dahil hindi na ako katulad ng dati na magsasalita ng kahit ano sa ganitong sitwasyon.

Sa panahon ngayon ay swerte ka na kung may trabaho ka at mas swerte ako dahil maganda ang magiging sahuran dito kaya kailangan kong maging mabait.

"I-i dont know S..sir." saad ko at hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito.

"You dont know like you didnt know how to answer you phone?!" Inis na bulyaw nito kaya mas lalo akong nahiya.

"I-im so sorry Sir. I-I didnt know. A-akala ko ho kasi--" napatigil ako sa pagpapaliwanag ng putulin niya ito.

"As if I care with your explanations! Do I ask that?" Galit niya pa ding tanong.

"N-no Sir."

Kabadong kabado na talaga ako. God! Kahit ngayon lang maging cooperative tayo dahil hindi ko na alam kung saan kami pupulutin kung mawawalan pa ako ng trabaho.

"Hindi naman pala bakit nagpapaliwanag ka?"

"I-i thought you want to hear my reasons. I-im sorry Sir. This is the last time. I dont do it again." Mahinang saad ko at nag-angat ng tingin.

"Dapat lang! Hindi kayo susuwelduhan-" napatigil ang tangkang pag sasalita ni Sir Friosty ng bumukas ang pintuan.

"Hey bud! Stop shouting! Mula sa first floor rinig ang boses mo." Saad ng lalaking bagong pasok.

Napatingin ako sa kabuuan niya. He was standing with confidence. He has his pointed nose, strong jaw, clear skin, masculine body, and his tantalizing eyes.

Matangkad din ito na sa tantya ko ay mag kasing tangkad lang sila.

"Fuck off Shione." I heard Sir Friosty.

So Shione pala ang pangalan nito. Ang mga mata nito kanina na nakay Sir Friosty nakatuon ay biglang napunta saakin at ang mukha nitong puno ng kulay ay biglang namutla na parang nakakita ng multo.

"W-what is your name Young Lady?" He ask me with his serious face now.

"Cristlea Montisor po Sir." Magalang kong sagot at bahagyang ngumiti.

"What the hell with that Face Valacarri?" Narinig ko nanaman ang inis na boses ng boss ko na nagpapakaba talaga saakin.

"Nothing Bud. I thought... nothing. Akala ko lang na siya ang kakilala ko." Saad ng lalaki sa harap ko at mabilis na nag iwas ng tingin.

"Makakaalis kana Ms. Montisor."

Rinig kong utos ni Sir Friosty kaya naman humarap ako sa boss ko at nag bow muna ng bahagya tsaka ako mabilis na umalis.
Kita ko pa ang tingin nung Shione saakin habang palabas ako.

Napabuntong hininga na lang ako dahil mas nakaka- intimidating  ang tingin nito na hindi ko maintindihan kung kakabahan ba ako o ano.

Nag pakawala ulit ako ng malalim na hininga at umupo sa table ko. Patingin- tingin ako sa pintuan ng office ni Sir Friosty ng hindi pa lumalabas ang kausap nito.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz